Chapter 21: Treasure the Moments

1100 Words
Caleb It's my second day here in the Philippines. And I'm going to make every second of my stay here memorable with Eucha, of course. Sabi niya ipapasyal niya ako today. Yeah. Siya ang magpapasyal sa akin dahil siya ang tagarito. Maaga pa lang ready na ako. Excited, eh. Magkasama pa lang kami kagabi pero miss ko na siya agad. Paano pa kaya kapag... Haist! Screwed that! Hindi ko muna 'yun iisipin sa ngayon. What is important now is that we are together. And I will treasure every second na magkasama kami. Kaya hindi ko muna iisipin 'yon. Lumabas na ako ng hotel room ko at sumakay ng elevator. Sabi ni Eucha magkita na lang daw kami sa coffee shop sa may tapat ng hotel. Magco-commute lang daw kami para ma-enjoy namin ang pamamasyal. Buti naman hindi sumama 'yung dalawang asungot. Mukha namang pinagbibigyan nila ako na masolo ko si Eucha. Pagkarating ko sa may coffee shop, nakita ko kaagad si Eucha. She's wearing casual clothes pero ang lakas pa rin ng dating niya. Ngumiti siya nang makita ako. "Hi, girlfriend!" Bati ko sa kaniya pagkalapit ko sabay halik sa pisngi niya. Ang cute! Nag-blush siya. "H-hi, B-boyfriend," nahihiya at nabubulol na bati niya naman sa akin. Pinigilan ko ang sarili ko na tumawa. Mahirap na baka mapikon pa soya. "So, saan ang first stop natin?" tanong ko sa kaniya. "Hmmm... Dito. Mukhang masarap ang frappuchino nila, eh. Tsaka 'yung chocomousse." Nakangiting sabi niya pagkaupo namin. "Okay. Tamang-tama hindi pa ako nag-breakfast." Naupo na rin ako sa tabi niya. Umorder na kami and then kumain afterwards. "So, ano'ng balak mo today? Saan mo ako ipapasyal?" tanong ko kay Eucha pagkatapos naming kumain. "Amusement park." Cheerful na sagot niya. "Seriously? Pang-bata naman 'yun, eh." Natatawa na wika ko. "Of course not! Now a days dating place na rin ang amusement park, noh. Let's go." Excited siyang tumayo at hinila na ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin na magka-intertwined. It feels good to hold her hand every time na magkasama kami. Parang ayoko na siyang bitawan. Pagkalabas namin sa coffee shop, tatawag na sana ako ng taxi nang pigilan niya ako. "Why?" Nagtatakang tanong ko. "Hindi tayo magta-taxi. Doon tayo sasakay, oh." Sabay turo ni Eucha sa may mga nakapilang jeepney. "Seriously?" 'Di makapaniwalang tanong ko. Mas gusto niya na roo kami sumakay kesa sa taxi na may aircon? "Ang arte? Tara na!" Hinila niya na naman ako. Kaya no choice na ko. Pagkasakay namin sa jeep pang-dalawa na lang ang puwesto na kulang. Sakto. Pero parang mas gusto ko siyang kalungin para wala siyang ibang katabi. Kaya lang ang awkward, eh. Kaya inakbayan ko na lang siya. Hay... Mukhang kailangan kong sakyan ang mga trip niya. Nang marating namin ang Enchanted Kingdom, pumila agad siya para sa bilihan ng ticket. 'Yung ride all you can ang binili namin. Mukhang mapapalaban ako nito, ah. Ang lakas ng loob niyang sumakay ng mga rides. Todo naman kung makasigaw. At halos magmarka na ang braso ko sa higpit ng pagkakakapit niya. "Hay... Ayoko na. Suko na ako. Feeling ko naiwan sa rialto ang utak ko." Hilong naupo siya sa isa sa mga bench doon. "Nakakatawa ka talaga. Ang lakas ng loob mo tapos sisigaw-sigaw ka. Tignan mo ang braso ko kawawa naman." Ipinakita ko sa kaniya ang braso ko na halos magkapasa na. "Hala! Ako ba may gawa niyan? Sorry naman. Ang intense naman kasi ng mga rides dito, eh. Masakit ba?" Nag-aalalang tanong niya habang hinihimas ang braso ko. Ting! Bright idea. "Oo. Masakit ikaw kasi, eh." Pag-iinarte ko. "Masakit? Hala! Ano'ng gagawin ko?" Lalo siyang nag-alala. "Kiss mo ko para nawala 'yung sakit." Sabay pout ko. "Ano? Bakit? Nguso ba masakit sa'yo? Braso 'di ba?" Eucha asked, brows furrowed. "Konektado 'yan. Kaya dali kiss mo na ako para hindi na masakit ang braso ko." Lumapit ako sa kaniya. "Ayoko nga." Lumayo naman siya sa akin. "Ayaw mo?" I asked her. "Ayoko." Sabay iling niya. "Okay," I said. Pero mabilis ko siyang hinalikan sa lips sabay tayo. Nanlaki naman ang mata niya sa gulat sa ginawa ko. "Gusto mo ng ice cream? Tara, bili tayo." Hindi na siya nakapalag nang hilahin ko siya papunta sa nagtitinda ng ice cream. Ang cute talaga ni Eucha. Eucha Hinalikan na naman niya ako sa lips. Smack lang ulit. Pero ang lakas ng impact sa akin. Halos hindi na nga ako makatulog kagabi, eh. Tapos inulit pa niya. Kainis! Pero kinikilig ako. Nahihiya ako kaya sa ice cream ko ibinuhos ang atensyon ko. "Hey! Baka gusto mo akong kausapin?" Agaw ni Caleb sa atensyon ko. "Heh! Busy ako sa pagkain ng icecream kaya 'wag kang magulo." Tinalikuran ko siya. "Sige ka, hahalikan ulit kita kapag hindi ka humarap sa akin," pagbabanta ni Caleb. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. At napaharap agad ako sa kaniya. "Ang cute mo talaga, girlfriend." Ayan tinawanan niya pa ako. "Hmp! Kainis ka!" Tinalikuran ko ulit siya. Pero iniharap niya ako sa kaniya. "Hey! 'Wag mo na qkong talikuran. Hindi na kita aasarin. Saan mo pa gustong pumunta?" Caleb asked. "Nagugutom na ako." Naka-pout kong reklamo sa kaniya. "Okay. Let's eat." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. "Pero ayoko sa restaurant." Sabi ko. "Saan mo gustong kumain? Sa fastfood?" Kunot ang noong tanong niya. "Hindi rin. Tara!" Hinila ko na siya paalis sa lugar na 'yon. At dinala ko siya sa isang square o plaza. Kung saan maraming nagtitinda ng streetfood. "Ano'ng kakainin natin dito?" Lalong kumunot ang noo ni Caleb. "Ayan, oh. Ang d**o. Lahat 'yan titikman natin." Nakangiting sagot ko sa tanong niya. "Ha?!?" His reaction is priceless. Palibhasa mayaman at laking States. Pero wala na siyang nagawa nang hilahin ko siya. Ang laking tao nagpapahila lang sa akin. Una naming sinubukan ang fishball at kikiam. Hesitant siya 'nung una pero kinalaunan nag-e-enjoy na siya. Sumunod na kinain namin ay kwek-kwek. At mas nag-hesitant soya sa bituka ng manok o isaw. Pero dahil persistent ako, wala siyang magagawa kundi subukan itong kainin. "Ano? Masarap 'di ba?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain. "Ang weird. Pero masarap naman ang lasa." He said while eating some isaw. "Oh, palamig baka mabulunan ka. Ang takaw mo." Inabutan ko siya ng s**o't gulaman. "Hey! Mas matakaw ka kaya sa akin." Palusot pa ni Caleb. "Mas marami kang nakain kesa sa akin, noh! Mamaya may main event pa. Kaya 'wag kang pakabusog." May ipapatikim pa sko sa kaniya later. "Dapat ba akong kabahan sa ngiting 'yan, ha, girlfriend?" Caleb asked. "Don't be boyfriend. Masarap 'yon, noh." Ngiting-ngiti kong tugon sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD