Eucha Ano to? Biglang bumilis 'yung t***k ng puso ko 'nung hawakan ni Macky ang kamay ko. Babawiin ko sana, kaya lang hinigpitan niya 'yung hawak sa kamay ko. Kaya hinayaan ko na lang. Hanggang makarating kami sa exhibit ng kaibigan niya, hawak niya pa rin ang kamay ko. Kaya hindi tuloy ako mapakali. Ipinakilala niya ako sa kaibigan niyang painter. And as expected tinukso niya kami. Pero sinabi naman ni Macky na friends lang kaming dalawa. Friends pero holding hands? Ito naman kasing si Macky. Ayaw akong bitawan. As if namang mawawala ako. Later on, nag-enjoy na rin ako. Ang ganda kasi ng mga paintings ng kaibigan niya eh. Meron pa ngang kamukha ko eh. Sayang mahal, kaya hindi ko mabibili. ***** Ito na naman ako. Makatulog kaya ako tonight? Pagkahatid sa'kin ni Macky naka-chat

