Eucha "Ang sakit ng ulo ko..." Halos iuntog ko na sa counter ng boutique ang ulo ko. Paano ba naman kasi, halos hindi ako nakatulog last night sa kakaisip sa confession ni Macky. Imagine? He likes me? At hinarana niya pa ko sa boutique. "Ganda problem?" pang-asar ang ngiting tanong ng kadarating lang na si Gab. "Tse! Nang-asar ka pa. Sumasakit na nga ulo ko, noh," sabi ko sabay irap sa kanya. "Hindi naman kasi dapat prinoproblema 'yan, noh," Gab said. "Ano'ng hindi? Imagine, nag-confess sa'kin si Macky?" Pagdidiin ko sa kanya. "So what? Dapat kinikilig ka, noh. Instead na namomoblema ka," pagtataray ni Gab. "Paano ako kikiligin? Eh, alam mo naman ang pinagdadaanan ko 'di ba? Ayokong masaktan siya," malungkot na wika ko. "Bakit naman siya masasaktan? Wait! It means you still love

