Eucha
Nakakainis! Halos maduling na ako kakahintay sa message niya today. Pero nga-nga!
Ganoon ba siya ka-busy para kahit "Hi" wala man lang siyang message.
Pinalampas ko na nga na nakalimutan niya 'yung 2nd monthsarry namin, eh. Kasi alam ko naman na toxic magkaroon ng malaking company tulad ng company nila.
Pero hindi ko maiwasang magtampo. LDR na kami, ganito pa?
Hay... Kesa mag-tantrums ako dito. Naisipan ko na lang siyang tawagan. Tutal may load naman ako, eh.
After ng ilang rings sinagot na 'yung call ko. Pero hindi boses niya ang narinig ko. "Catherine?" Bakit siya ang sumagot?
"Ate Eucha! How are you? I miss you!" Masiglang bati nito sa kabilang linya. Para namang hindi kami nagcha-chat.
"I miss you too. Okay naman ako. Ahm... Si Caleb?" Sayang load ko, eh.
"Si Kuya? Ahm... Naiwan niya 'tong phone niya, eh. She's out with Wendy." Catherine said na mukhang irritated.
Bakit? At tsaka sino 'yung Wendy? Bakit magkasama sila ni Caleb ko?
"You know what, Ate Eucha. I don't like her. Kung hindi lang siya family friend at first love ni kuya baka inaway ko na siya. Ops! Me and my big mouth. May nasabi yata akong mali. Don"t mind it, Ate." Catherine said to me.
Hindi ko pa nga naitatanong kung sino ang wendy na 'yon na kasama ngayon ni Caleb. Nasagot na sa nasabi ni Catherine. Accidentally. So, that girl is Caleb's ex? Bakit sila magkasama ngayon? Mahal pa rin ba siya ni Caleb ko? Paano na ako?
Ang dami na agad tanong sa isip ko.
"Hello?... Ate Eucha, are you still there?" tanong ni Catherine mula sa kabilang linya.
Natauhan ako nang marinig ko ang tanong ni Catherine. "Yeah. I'm still here. Saan sila nagpunta?" Tanong ko na kunwari hindi affected.
"Pumunta sila sa isang branch ng company. Don't worry. I assure you. Kuya loves you. Hindi niya na iyon mahal," wika pa ni Catherine.
"Ano ka ba! Hindi naman ako affected, noh. Alam ko naman na mahal ako ng kuya mo, eh. Paano, pakisabi na lang na tumawag ako, ha." Liar! Ang totoo, sobrang affected ako.
"Okay. Sasabihin ko. Bye, ate!" paalam ni Catherine.
"Bye!" Inilapag ko 'yung phone ko sa kama at napatingin sa picture ni Caleb na wallpaper ng laptop ko.
Tama. Firstlove niya 'yon. Pero ako na ang mahal niya ngayon.
Mahal ako ni Caleb.
Hinintay ko 'yung message niya pero hanggang antukin ako,wala pa rin.
Hay... It's okay Eucha. Bukas babawi siya sa'yo.
Sabi ko na lang sa sarili ko bago ako pumikit.
*****
I was listening to the song of Jason Mraz, na 'I won't give up on us'. Affected much na naman ako sa kanta na 'to. Dapat ko na yatang tigilan ang kakapakinig sa mga kanta.
Kasi right now, feeling ko nasa roller coaster ang relasyon namin ni Caleb.
Aaminin ko nagselos ako sa Wendy na 'yon. Sinong hindi magseselos sa first love 'di ba? Tapos malalaman mo na lagi silang magkasama.
Pero 'nung nag-explain siya sa akin, inintindi ko siya. Binigyan ko siya ng time. Kasi para sa company nila 'yung ginagawa niyang pakikisama sa ex niya.
Kahit nawalan siya sa akin ng oras at ako ang gumagawa ng way para magkaroon kami ng communication ayos lang.
I want our relationship to work. Kaya hindi ko siya susukuan. Kahit mahirap. Kasi alam ko naman na mahal niya rin ako. Pinipilit niya rin namang mag-reach out sa akin minsan.
Yeah. I'm tough. Kaya hindi ko hahayaan na masayang 'yung ilang months na pagtitiis ko, noh.
That Wendy girl. Past na siya ni Caleb. Ako na 'yung present. Kaya hindi ko hahayaan na siya ang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon namin.
Natapos 'yung kanta. Takte! Feel na feel kong mag-emote, ah.
Pero marami akong dapat intindihin. Kaya life must go on. Hindi ko pwedeng ihinto 'yung oras ko sa paghihintay ng message o tawag niya.
Kailangan ako ni Gab sa boutique namin.
Yep. Nagbukas na 'yung boutique namin a month ago. At luckily, maganda naman ang kinalabasan ng dugo't pawis namin ni Gab. Plus ni Enzo na siyang ng design ng shop namin.
I love dressing up. Kaya ako mismo ang nag-i-style sa mga damit ng mga manikin sa shop namin.
Big help din itong shop para kahit paano ma-distract ako sa pag-iisip masyado kay Caleb.
Busy ako sa pag-e-emote at pagpapalit ng damit ng manikin nang sumulpot sa tabi ko si Gab.
"Feel na feel mo 'yung kanta, ah. Hindi na naman ba tuloy 'yung pagpunta dito ni Caleb?" tanong nito sa akin.
I sigh. "Yeah. May conference raw kasi silang pupuntahan. Importante raw 'yon. Kaya hindi pwedeng hindi siya pumunta, as representative ng company nila." Sagot ko kay Gab habang patuloy lang sa ginagawa ko.
"Hay naku! Ilang beses na siyang nade-delay sa pagpunta dito, ha. Tapos ano? Kasama niya
na naman 'yung Wendy na 'yon?" Inis na wika ni Gab.
"Affected much, Gab? Ako nga chill lang, noh." Natatawa kong sabi sa kaniya.
"I know you well, Eucha. You looked okay. Pero deep inside kinakain na ng hatred 'yang puso mo," Gab said.
"Hatred talaga? Of course not, noh. Iintindihin ko siya hanggat kaya ko. Kasi, I know in the end magpi-payed off lahat ng pagtitiis ko." Nakangiti kong sabi.
"Paano kung hindi? Ewan ko sa'yo! Mag-break muna tayo. Nakakagutom mag-inventory." Reklamo nito.
"Sige, mauna ka na sa office. Susunod ako." Sabi ko na lang saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Hay... Hanggang kailan ko nga ba sasabihing okay lang ako?
Last, last month, sabi niya pupunta siya dito sa Pilipinas pero hindi natuloy. Tapos sabi niya this month na lang daw. Pero hindi ulit natuloy.
Aaminin ko, medyo napapagod na ko. Ang hirap sabihin na okay lang. Kahit ang totoo, hindi okay. Kasi ang hirap pa lang umasa tapos madi-dissapoint ka lang in the end.
I wish kayanin ko pa.
Caleb
I know ang dami ko ng atraso kay Eucha.
Ang dami ko ng pangakong hindi ko naman natutupad.
Ang hirap naman kasing maging tagapagmana ng malaking kompanya. Ang laki ng expectation sa'yo ng mga tao. Hindi ka pwedeng magpabaya kasi hindi ka nila pwedeng mahanapan mg butas.
Dagdag pa 'tong si Wendy. Ilang months na rin naman siya rito sa company. Pero parati pa rin siyang naka-depende sa akin.
Gustong-gusto ko ng makasama ulit si Eucha. Gusto kong bumawi sa kaniya.
Pero paano? Hindi pa ako pwedeng magbakasyon sa ngayon.
Pero sisiguraduhin ko na wala ng makakapigil sa akin kapag nakahanap na ako ng tiyempo.
Sana lang 'wag magsawa sa pag-intindi sa akin si Eucha.
Sana mahintay pa rin niya ako.