Eucha
I feel so in love! Habang feel na feel na sinasabayan ko ang kanta ni Toni G.
Actually dapat ma-stress ako. Kasi sabay-sabay ang dapat kung asikasuhin.
'Yung delivery ng mga products, 'yung inventory, tapos 'yung shipment pa ng supplies.
Tapos inaasikaso pa namin 'yung itatayo naming botique ni Gab.
Oo. Mag-sososyo na lang kami sa negosyo. Ayaw niya ng bumalik sa California. Sabi ko nga sa kaniya palit na lang kami, eh. Ako na lang ang doon. Kaya lang hindi naman puwede.
Inspite of my very hectic and busy schedule, energetic pa rin ako.
Ako na may guwapong boyfriend na nagpapakilig sa akin.
Kahit na magkalayo kami, lalo ko siyang minamahal. Kasi naman, he see to it na maglalaan siya ng oras para makapag-chat kami. Minsan naman tinatawagan niya ako. Effort 'di ba?
And his singing voice? Grabe! Panalo! Makalaglag puso. Minsan kasi kinakantaan niya ako. Kahit minsan nakakatulugan ko na siya.
Caleb is really an ideal boyfriend. Magkalayo pa kami niyan, ha. What more kung magkasama pa kami 'di ba?
Well, wish ko nga magkasama na ulit kami. One month na kaming on a relationship. At ayon thru videocall lang kami nagpakitaan ng gift. Ipapadala niya na lang daw 'yung gift niya sa akin. 'Yung gift ko rin sa kaniya na scarf ipapadala ko rin sa kaniya. Mahal magpa-package. Pero keri lang. Mahal ko naman, eh.
Ang landi ko ba? Hayaan niyo na. Minsan lang ma-inlove eh.
Sana nga siya na till the end, eh. Para masabi ko na totoong may forever.
"Hay naku, Eucha. Mapupunit na 'yang pisngi mo kakangiti, ah. Tapos mo na ba 'yung list?" tanong ni Gab. Istorbo.
"Opo. Tapos na. Masama na bang ngumiti ngayon?" Sarcastic kong tanong din sa kaniya.
"Hindi naman. Kaya lang ang creepy 'nung saiyo, eh. Sigurado kang epekto 'yan ng love? Hindi possess?" Pang-aasar pa niya.
"Heh! Nasan na ba 'yung inorder nating pizza? Nagugutom na ako, eh." Reklamo ko. Nakakagutom din pa lang kiligin.
"Nire-ready na ni Enzo, my babe 'yung snack natin sa kusina. Kailan ba balak pumunta dito ni Caleb?" Gab asked.
"Wala pa 'yun sa plano. Masyado pa siyang busy sa company nila, eh," tugon ko sa tanong ni Gab.
"Kahit gaano siya ka-busy dapat mas uunahin ka niya, noh." Mataray na saad ni Gab. Ayan na naman 'yang pagka-bitchy niya.
"Heh! Naiintindihan ko naman siya, noh. At saka hindi naman siya nawawalan ng oras sa akin, eh. Araw-araw may communication kami," pagtatanggol ko naman kay Caleb.
"Well, goodluck kung hanggang kailan ka makakatagal sa set up niyo. Nakakapraning kaya kapag magkalayo kayo ng mahal mo," sabi pa ni Gab.
"Base on your own experience?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah right. Kaya nga dapat mag-succeed 'tong business natin, eh. Para hindi ko na kailangang bumalik sa California. Ayoko ng malayo kay Enzo, noh. Ang dami pa namang threat sa paligid." Nakairap pa na wika ni Gab.
Hindi ko tuloy napigilang matawa. "As if namang kaya kang ipagpalit ni Enzo. Don't worry. Naba-vibes ko na papatok 'tong business natin." Full of confidence ko pang sabi.
"Ikaw na inspire." Panunukso sa akin ni Gab.
"Pareho kamo tayo." Hirit ko pa.
"Tama! Oh, ayan na pala ang inspirasyon ko. Hi, babe!" Sinalubong agad nito si Enzo.
"Hi, babe! Miss me?" Enzo asked, na inakbayan ang girlfriend.
"Mga baliw! Para namang hindi kayo magkasama maghapon." Binato ko nga sila ng mga nilamukos kong papel.
"Inggit ka lang, bestfriend. Wala kasi si Caleb dito." Pang-aasar ni Enzo sa akin.
"Tse! Mamaya magcha-chat kami, noh. At napi-feel ko rin na malapit na kaming magkita ulit." Napapangiti na sabi ko.
"Libre mangarap kaya go lang." Enzo said. Lakas talaga mang-asar nito.
"Tama na nga 'yan. Kaen na tayo. Bago tayo ang makain ni Eucha." Awat sa amin ni Gab.
"Tama. Dahil galit na talaga mga alaga ko." Nauna na ako sa kanila sa kusina ng bahay ni Enzo.
Ginawa naming office ang condo niya. Wala naman siyang palag sa girlfriend niya, eh.
Hay... While looking at them habang naghaharutan. Hindi ko maiwasang ma-miss si Caleb.
Pero iniisip ko na lang na magkikita rin kami, sa tamang panahon.
At saka kahit naman magkalayo kami ngayon, dama namin ang pagmamahal ng isat-isa.
Sabi nga nila, Love knows no bounderies.
Ikakain ko na lang 'to.
Caleb
Hay... I really miss Eucha. My girlfriend.
Ganito pala kahirap ang LDR. Sa iba kasi parang okay naman sila. Pero ngayon na na-experience ko na, Wiw! Sobrang hirap. Kahit gusto mo siyang makita at mayakap in person, wala kang magagawa kung hindi magtiis sa chat at video call.
At mas pahirap pa sa amin ang laki ng time difference ng California sa Pilipinas.
Kaya 'di maiwasang mapuyat kami para lang makapag-communicate sa isa't-isa. Need talaga naming mag-effort para kahit papaano mabawasan ang pagka-miss namin sa isat-isa.
Kung puwede ko lang siyang puntahan sa Pilipinas, eh. Pero hindi ko puwedeng i-dissapoint si Dad. Kailangang patunayan ang worth ko sa company.
Kaya kahit halos gusto ko ng sumugod sa Pilipinas 'nung nakita ko 'yung picture ni Eucha at 'nung lalaki na 'yon, hindi ko magawa.
But now, we're okay. Nag-first monthsarry na nga kami eh. I find it cheesy at first na mag-celebrate ng ganoon. Pero hindi na 'yun ang naramdaman ko 'nung naranasan ko na with Eucha.
Oo na. Corny talagang ma-inlove. Pero masaya. And I'm happy kasi accidentally nakilala ko si Eucha. Lalo na ngayon na girlfriend ko na siya.
And I'm looking forward na makasama sIya ulit.
Naputol ang pag-iisip ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Catherine! Where's the manner? Hindi uso kumatok sa pinto?" Nabigla kong tanong pero hindi naman ako galit.
"Sorry, kuya. Excited lang kasi ako, eh. May bisita tayo sa baba. Hulaan mo kung sino." Pa-suspense pa na tanong ni Catherine.
"Sino?" I asked.
"The Palmers." Nakangiting tugon ni Catherine.
Palmers....
Wiw! Bakit ganoon matagal na 'yon pero parang kinabahan ako 'nung nabanggit ni Catherine ang pamilya na 'yon.
The palmers... It means she is with them.
Wendy Palmer.... My first love.
"Hello! Kuya Caleb to earth! Are you still here?" Bumalik ang ulirat ko nang marinig ko ang boses ni Catherine.
"Ano'ng ginagawa nila dito?" Tanong ko nang makabawi na ako.
"Business matter, I guess. Dad, wants you to be there. Kaya bumaba ka na roon," Catherine said to me.
"O-Okay. Susunod na ako," sabi ko na lang. I need to compose myself first.
"Kuya, are you okay?" Kunot ang noong tanong nito sa akin.
"Of course. Bakit naman ganiyan ang tanong mo?" Kunot ang noo na tanong ko rin.
"You look tense, eh." Kibit balikat na sambit ni Catherine.
"Hindi, ah. Sige na. Mauna ka na sa ibaba." Pagtataboy ko sa kaniya. Kung ano-anong sinasabi, eh.
"Okay." Naglakad na ito palabas ng pinto pero biglang huminto at tumingin sa akin.
"What?" Tanong ko.
"Kuya, hindi naman totoo na firstlove never dies 'di ba? I mean, you don't love her anymore na dahil nandiyan na si Ate Eucha." Catherine asked me that question na nagpatulala sa akin.
"A-Ano ba'ng pinagsasasabi mo, Catherine? Of course, I love Eucha. And wendy is just a part of my past. Halika na nga sa ibaba." Inunahan ko na lang siyang bumaba. Napaka-intregera talaga ng kapatid ko.
"Good answer, kuya!" Pahabol pa sa akin ni Catherine. Yeah. Boto siya kay Eucha para sa akin.
And I'm happy for that. Gusto siya ng family ko.
Bumaba na kami ni Catherine. Naabutan namin sila sa sala.
"Oh, ayan na pala sila," sabi ni Mommy ng mapansin kami.
"Hi, Caleb! Long time no see," bati sa akin ni Wendy.
Napatingin ako sa kaniya. She's still beautiful. "Hi! How are you?" Naupo ako sa katapat na three seat sofa.
"I'm fine. Just like you. You looked so fine and happy?" she said.
"Yeah. Because kuya is very much in love to his girlfriend," daldal ni Catherine.
"Really? You have girlfriend now?" Parang hindi makapaniwalang react ni Wendy.
"Yes, I have. Pero nasa Pilipinas siya," sagot ko naman.
"Well, let's talk about business. Caleb, ikaw na ang bahalang mag-assist kay Wendy sa company niyo, ha," It's Wendy's dad.
"What do you mean, tito?" Nagtataka na tanong ko.
"Wendy is going to be our new marketing manager, son," Si dad ang sumagot.
"I see. Welcome to the company." Sabay ngiti ko sa kaniya.
"Thank you. I'm excited to work in your company." Nakangiti rin na wika ni Wendy.
"That's good, hija. Magtulungan kayo okay?" Mom said.
"Yes, tita." Nakangiting bumaling si Wendy kay Mommy.
Marami pang napag-usapan about business sila dad. Tapos doon na rin sila nag-dinner.
And starting that day madalas ko ng nakakasama si Wendy.
Dahil bago siya sa company, wala pa siyang masyadong kilala. Kaya kailangan ko siyang tulungang makapag-adjust.
And that's the reason kung bakit medyo nabawasan ang oras ko para kay Eucha.
But I keep in mind na dapat akong bumawi sa kaniya.