Caleb
It's been one week. Since umuwi ng Pilipinas sila Eucha.
At nakakainis! Oras-oras nami-miss ko siya. Tapos saka pa sumabay ang project na 'to sa company. Kaya masyadong na-o-occupied ang oras ko.
Thru, social media na lang kami bumabawi ni Eucha para kahit papaano mabawasan ang pagka-miss namin sa isat-isa.
Thru,social media namin ina-update ang isat-isa sa mga nangyayari sa buhay namin. Pero dahil magkabilang mundo ang kinaroroonan namin, hindi maiwasan minsan na hindi magtagpo ang schedule namin.
Katulad na lang ngayon. Kanina pa pala siya naghihintay sa message ko. Kaso maaga akong nakatulog dahil sa pagod. Tapos pagkagising ko naman naging busy ako sa kompanya. Kaya hindi ko naisinggit ang pag-o-online.
Kung kailan pwede na ako. Saka naman siya hindi nagre-response.
Nakatulugan ko na ang paghihintay sa response niya sa mga message ko.
Kaya pagkagising ko nang umaga tinignan ko na agad ang account ko.
Only to see that picture na nagpa-init ng ulo ko.
What the heck!
Si Gabby na girlfriend ni Enzo ang nag-post 'nung picture.
Pero 'yung isa sa mga picture ay picture ni Eucha with that guy na hindi ko alam kung sino.
Who is he! At mukhang ang saya nila. Naka-akbay pa 'yung lalaki kay Eucha.
Asar lang! Parang gusto kong pumunta ng Pilipinas at bugbugin ang lalaking kasama niya sa picture.
Gigil na gigil na nag-type ako ng message at isinend kay Eucha.
Sa mga oras na 'to tulog pa siya. Patulog na naman ako kapag nag-response siya. Pero hihintayin ko ang response niya bago ako matulog mamaya. Pagkagising niya, humanda siya sa akin.
Eucha
"Hay... What a wonderful sunny morning!" Maganda ang gising ko today. Dahil bukod sa maganda ang weather. Napanaginipan ko pa si Caleb.
Speaking of Caleb. Gising pa kaya siya sa mga oras na 'to? For sure nabasa niya na 'yung message ko kagabi.
"Check ko na lang muna bago ako mag-breakfast." 'Wag kayong magulo. Uso magsalita ng mag-isa at kausapin ang sarili
Pagkabukas ko sa laptop ko, social media account kaagad ang ini-open ko.
And viola! Galit na message ni Caleb ang bumungad sa akin.
What the heck, Eucha!
Aba! Minumura niya ba ako?
Binuksan ko pa 'yung iba niyang message.
Who the hell is that guy! Why are you with him! Are you cheating on me?
Wow! Hindi question mark. Puro exclamation point mga dre. Galit na galit? Eh, ano ba'ng pinag-sasabi niya?
Nag-ring 'yung phone ko.
Gab calling...
Istorbo naman 'to. Pero sinagot ko pa rin.
"Yeoboseyo!" Feeling koreana na sagot ko sa telepono.
"Eucha, I think your boyfriend is jealous." Tumatawa-tawa na bungad ni Gab. Baliw lang? Wagas makatawa, eh.
"Paano mo nalaman? Kakabukas ko lang ng laptop ko. Kanino naman 'yun magseselos?" Wala pa ring ideya na tanong ko.
"Hindi mo pa ba nakita 'yung post ko?" balik tanong ni Gab.
"Anong post?" Balik tanong ko rin sa kaniya.
"Tignan mo kaya notification mo. Puro message kasi ni Caleb tinignan mo, eh!" Sigaw ni Gab. Nailayo ko tuloy sa tenga ko ang phone. Aray! Tama bang sumigaw?
"Gab, hindi ako bingi, okay?" Reklamo ko.
"Sarreh. Tignan mo na dali." Excited pa na sabi nito. Sarap kunyatan, eh.
Ayun nga. Tinignan ko ang notification ko. At ini-open 'yung iti-nag sa akin ni Gab.
Pagka-open ko...
"Oh, ano'ng problema dito? Eh, pictures lang naman natin 'to, ah." Wika ko while looking at the pictures. Ang cu-cute nga, eh. Ang kukulit namin kahapon. Pero infairness ang gaganda ng kuha namin, ah.
"Hay naku, Eucha. Tignan mo kasing mabuti, noh," Gab said. I imagine her rolling her eyes heavenward.
Scroll lang ako ng scroll. Then, naagaw ang pansin ko ng isang picture. Ang daming comment. Pero isang comment lang ang tumatak sa akin. 'Yung comment ni Caleb.
Saying....."Nice picture, huh." May naka-indicate pang...(Note the sarcasm.) "Who is he, girlfriend?"
Lagot!Parang alam ko na kung bakit siya galit.
"Now you know," sambit ni Gab. I know na sa kabilang linya pang-asar ang ngiti nitong si Gab.
"Leshe ka, Gab! Kasalanan mo 'to! Ikaw ang nag-post 'nung picture namin ni Mikael, eh." Naiinis na reklamo ko.
"Eh? Kasalanan ko bang seloso 'yang Caleb na 'yan? Tsaka dapat magtanong muna siya, noh. Friend lang naman natin si Mikael, ah. Walang malisya kahit gwapo siya. Bye na! Goodluck, Eucha." Saka nawala na ito sa kabilang linya.
"Nang-asar pa! What to do, Eucha? Hmp! Bakit ba! Eh, kaibigan ko lang naman talaga si Mikael ah. Ay, butiki!" Tumunog 'yung notification tone ko.
And it's Caleb! Gising pa siya? Mukhang sinadya ni'yang wag munang matulog, ah.
Kinakabahang binuksan ko ang chat box ko.
"I know your awake. Care to explain, girlfriend?"
Wala man lang goodmorning. O, how are you? At parang pinagdidiinan niya talaga 'yung word na girlfriend.
Kikiligin ba ako? Kaso, I know na galit siya, eh. Bahala na nga. Aja, Eucha! Nanginginig pa 'yung kamay ko 'nung mag-type ako ng message.
"Hi, boyfriend! I miss you. How are you?" Send.
"You know from a fact na, I'm not okay, girlfriend." Sungit ng reply.
"Bakit naman?" Painosente.
"Dont play innocent, Eucha. Who is he? Why are you with him? Bakit ang sweet niyo?" Woah! Kahit sa chat lang feel ko ang intense ng emotion niya, ha.
"Relax, boyfriend."
"How can I do that? When I know you were with some one the other day. And you two seems so sweet, huh!" Naku! Jellying mode nga si boyfriend. Nikikilig na ako.
"Ah.... 'Yun ba? He's Mikael. Our childhood friend. No malice, noh. Close lang talaga kaming apat nila Enzo at Gab. Are you jealous, boyfriend?" Ang mean ko talaga. Inasar ko pa.
"IM NOT JEALOUS." Hindi raw selos pero capslock mga dre.
"Eh, bakit parang galit ka?"
"Im not."
"Weh? Talaga lang, ha. Obvious kaya." Sige lang Eucha. Galitin mo pa.
"I'm not just jealous. I'm not just mad. Because, I'M SO FREAKING MAD AND JEALOUS, EUCHA! Gusto ko ng pumunta diyan at bugbugin 'yang lalaki na 'yan na kasama mo sa picture!"
Ayun. Mukhang sumasabog na siya sa galit. Buti na lang nasa California siya. Kung hindi baka nabugbug niya na nga si Mikael.
Pero bakit ganito? Galit na galit na siya. Pero kinikilig naman ako. E! Nagseselos si Caleb! Ibig sabihin, he likes me talaga. Mahal niya talaga ako.
Ang sama ko. Ang saya-saya ko. Galit na galit na nga 'yung tao. Malambing nga. Abot hanggang tenga ang ngiti ko habang nagta-type ng message.
"Boyfriend, 'wag ka ng magselos at magalit. Friend ko lang talaga si Mikael. Tsaka, can't you see? Mas guwapo at mas yummy ka kaya ron. Miss na miss na nga kita, eh. Kaya 'wag na nating sayangin ang oras natin sa ganyan. Don't you trust me? Kasi ako, I trust you kahit malayo ka sa akin. I love you, boyfriend." Send.
Siguro naman madadala siya sa heartfelt message ko sa kaniya. Sana nga effective. Sana mawala na init ng ulo niya.
Hinintay ko ang response niya.
1 minute...
2 minutes...
3 minutes...
4 minutes...
5 minutes...
Ang tagal ng reply ha. Gutom na mga alaga kong dragon kaya bumaba muna ako ng kusina para kumuha ng pagkain.
Buti na lang nag-prepare na si Mommy ng breakfast. Dinala ko na lang sa kuwarto ko 'yung almusal ko.
Sakto naman. Mukhang may reply na si Caleb.
Ang, Oh my G! Ito ang reply niya.
"Okay. Explanation accepted," he said. Sabi na hindi ako matitiis nito, eh.
"I trust you. Kaya lang wala akong tiwala sa mga lalaki sa paligid. So, stay away from them para hindi ako makapang-gulpi okay?" Possesive lang?
"And I miss you, too. So much. Kung pwede nga lang na puntahan kita diyan, eh. Kaya lang hindi pwede dahil kailangan ako sa company ngayon. Maybe kapag hindi na masyadong busy dito sa kompanya. I love you, Eucha. Sorry for being a jealous boyfriend." E! Kiligmuch ako mga dre!
Kaya ito ako ngayon. Pagulong-gulong sa kama ko. Ma-aya nga itong mag-videocall. Miss ko na talaga itong guwapo kong boyfriend, eh.
Kaya ayun, habang kumakain ako ng breakfast kausap ko siya sa videocall.
And I can say, na okay na kami.