Eucha
One week na ang nakakalipas mula nang makabalik kami ni Enzo sa Pilipinas.
At miss na miss ko na ang California. Lalo na siyempre si Caleb.
Magkabilang mundo ni Jireh Lim lang ang peg namin.
Kapag mag-aalmusal ako, nagdi-dinner naman siya. Minsan hindi kami magtagpo dahil kung hindi ako ang tulog siya naman.
'Nung hindi pa kami nagkikita okay lang naman. Pero iba na ngayon. Parang may kulang kapag hindi kami nakapag-communicate sa isa't-isa.
Kaya dinadaan ko na lang sa pagpapaka-busy.
Siya naman minsan talagang busy sa company nila. Kaya walang time mag-online.
Nakakabaliw naman pala ang long distance relationship, eh.
Oo. We both agree na kami na. Kahit malayo kami sa isat-isa. And I'm not expecting na ganito pala kahirap.
Kahit miss na miss ko na siya at gusto ko na siyang makita wala akong choice kung hindi magtiis sa videocall.
Napatingin ako sa may pintuan namin. At nakatayo roon ang nakangiti ng pang-asar na si Enzo.
Feel na feel pa ang kanta nito. Ang sarap lang batuhin ng sofa. Para namang hindi niya ito pinagdaanan. Porket kasama niya na ngayon si Gab, eh.
"Pwede ba! Ang ganda ng panahon, oh. 'Wag mong sirain." Pagtataray ko sa bestfriend ko.
"'Yun na nga, eh. Maganda ang panahon sa labas. Kaya 'wag kang magmukmok dito," saad ni Enzo.
"Hindi ako nagmumukmok, noh. Hindi mo ba nakikita? May ginagawa ako." Sabay angat sa laptop ko.
"Ano naman? Waiting for Caleb to send you a message na pwede na kayo mag-usap sa chat?" Pang-asar pa na sabi nito.
"Whatever, Enzo. Ano ba'rng ginagawa mo rito? Himala hindi mo kasama si Gab," tanong ko.
"Actually nasa kotse siya. Waiting for us," sagot naman ni Enzo.
"Baka waiting for you lang. Dinamay mo pa ako," I said, sabay irap ko sa kaniya.
"No. Kasama ka talaga. Kesa naman nagmumukmok ka dito, no. Tara na." Hinila niya na ako patayo.
"Hindi nga sabi ako nagmumukmok noh! Tsaka mas gugustuhin ko pa yata 'yon. Kesa sumama sa inyo at panoorin lang kayong magharutan ni Gab." Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa sofa.
"C'mon, Eucha. 'Wag kang kj. And besides hindi ka naman talaga ma-o-op kasi kasama natin si Mikael," Enzo said.
Mula sa pagkakatingin ko sa laptop nalipat ang mga mata ko kay Enzo.
"Nakabalik na siya?" tanong ko.
"Yap." Nakangiting sagot ni Enzo. "Kaya tumayo ka na diyan. Magbihis ka na. Para makaalis na tayo. Dahil kanina pa siya naghihintay doon sa mall." Hinila niya ulit ako patayo at pinagtulakan sa hagdan.
Kaya no choice na ako kung hindi ang sumunod.
On the way sa mall, I'm still waiting na mag-online si Caleb. Pero mukhang busy pa ito.
Maya-maya lang nasa mall na kami. At halos kaladkarin ako ni Gab papunta sa coffee shop na kinaroroonan ni Mikael.
Mikael, is our childhood friend. Sa Canada na ito naka-base. At ngayon na lang ulit umuwi ng Pilipinas.
"Babe, relax. Masyado mo namang na-miss si Mikael. Baka magselos na ko n'yan." Pag-iinarte ni Enzo.
"Dont worry, babe. Na-miss ko lang si Mikael pero ikaw pa rin ang pinaka-guwapo for me." Sabay pulupot ni Gab sa braso ni Enzo.
Naiikot ko na lang ang mga mata ko pataas.
"Nandito na tayo. Ayun siya, oh. Mikael!" Tawag dito ni Gab.
Mula sa kinaroroonan nito, lumingon ito sa amin. At kumaway ng nakangiti.
Infairness. Mukhang hiyang siya sa Canada. Gwumapo, eh. Pero mas gwapo pa rin ang Caleb ko. Love your own siyempre.
"Long time no see, ah." Sabi ko nang makalapit na kami rito.
"Woah! Eucha, ikaw na ba 'yan?" Parang 'di makapaniwalang tanong nito sa akin.
"Ang ganda ko, noh?" I joked.
"Hindi rin," pang-aasar ni Mikael sa akin.
"Bwisit ka!" Sabay hampas ko sa braso nito.
"Good to see you again, bro." Nag-manly hug naman sina Enzo at Mikael.
"Oo nga. Na-miss ka namin," Gab said also.
"Ako rin na-miss ko kayo. Timing ang pag-uwi ko. Kumpleto tayo. Let's have a sit," aya sa amin ni Mikael.
Naupo na kami, at saka umorder. Siyempre dahil siya ang bagong dating sagot niya ang lahat.
Mautak kami, eh. Pinagkaisahan namin siya.
The whole time, wala kaming ginawa kung hindi magtawanan at magkuwentuhan tungkol sa mga nangyari sa mga nagdaang taon na hindi kami magkakasama.
Then naglibot kami at nag-arcade. Parang 'yung ginagawa namin 'nung highschool.
Kaya medyo late na nang magkaayaan kami na umuwi. Pero bago 'yun may naisip pang gawin si Gab.
"Wait. Bago tayo umuwi, let's take a picture muna." Sabay labas ni Gab sa Iphone niya.
Siya na may Iphone.
"Good idea." Sang-ayon naman ni Mikael.
"Okay. Pose na tayo." Game na sabi ko.
"Mga addict sa picture," Enzo said.
"Compress and say cheeze!" sigaw ni Gab.
"Picturan mo kaming dalawa ni Eucha," Mikael said to Gab.
"Okay. Puwesto!" pagpayag naman ni Gab.
"Gandahan mo, ha," biro ko.
"Yes, madaam. Ready? Say cheeze!" wika ni Gab ready na para kuhanan kami ng litrato ni Mikael.
"Ayan. Alam na, ha. Ita-tag ko na lang sa inyo," Gab said.
"I-tag mo agad, ha. Mikael, thanks sa libre at sa pasalubong, ha," I said to him, smiling.
"You're welcome. Na-miss ko talaga kayo. Paano next time na lang ulit, ha. Enzo, ikaw na ang bahalang maghatid sa kanila, ha," bilin ni Mikael.
"Yes, bro. Ingat ka," tugon naman ni Enzo.
"Kayo rin. Bye, guys!" Kumaway na sa amin si Mikael.
"Bye!!!" Duet namin ni Gab.
Sumakay na rin kami sa kotse ni Enzo at nag-siuwi na.
"Bye, guys! Thanks sa paghatid." Sabi ko sa dalawa sabay kaway pagkababa ng kotse ni Enzo.
"Goodnight, Eucha!" Gab waved at me too.
Pumasok na ako ng bahay. At pagkapasok ko sa kuwarto ko, saka ko naalalang tignan ang aking social media accounts.
"Shocks! Nalibang ako masyado. Nakalimutan kong mag-message kay Caleb." Binuksan ko agad ang laptop ko. At ini-open ang account ko.
At ayon. Flood ang message ni Caleb. Lagot ako. Baka umuusok na ang ilong no'n the whole time. Habang ako nag-e-enjoy kasama ang mga kaibigan ko.
Bahala na. Ime-message ko na lang siya. Bukas ko na lang babasahin ang reply niya. Sobrang antok na kasi ako, eh.
Kaya pagkatapos kung i-send ang message kay Caleb. Sumalampak na ako sa kama ko. Wala ng palit-palit ng damit.
Bahala na bukas.