Prologue
Prologue
"Here's your order, Sir." I gently give his order and he simply smiled at me. "May I know your name, miss?" Heto na naman po tayo.
Naka formal attire ang ginoo sa harapan ko at mukhang mayaman tignan, ang bango din ng pabango niya amoy mamahalin. Nginitian ko siya bago sinagot.
"I'm Seah po, may kailangan pa po ba kayo, Sir?"
"Can I have your number?" As usual, ang ganitong pangyayari ay paulit ulit. "Sure."
After kong ibigay ang number ko sa matandang lalaki, bumalik na ko sa trabaho ko as a waitress na charming na maganda daw sabi nila at totoo naman 'yon.
"Okay ka lang ba? Seah?" Tanong ni Boss El ng makita niya kong naka upo at nagpapahinga muna. Buti nalang wala ng masyadong customer ngayon!
"Yes po." Sagot ko at kinuha ang panyo ko sa bulsa ng pantalon ko at nagpunas muna ng pawis. Napakahirap ng buhay grabe! "Kapag di kaya magpahinga ka muna ha, at baka hindi kayanin ng katawan mo."
Tumango lang ako sa pagsagot kay Tito at uminom ng tubig sa tumbler ko.
Isang linggo palang akong nagtratrabaho dito sa resto ni Tito pero sobrang nakakapagod pala, ano bang aasahan ko? Tsk. Buti nalang magkakapera ako dito kesa tumambay lang sa apartment ko.
After matapos ang duty ko sa work, nagmadali na kong pumunta sa racket ko kasama ang mga kabanda kong sina Samantha, Maki, at Lhia.
"Ayos ka lang ba? Parang pinagbagsakan yung mukha mo ng proble-aahhh-!"
Natawa ako ng malakas ng hindi na natuloy ni Lhia ang sasabihin niya sakin ng hagisan siya bigla ni Maki ng ipis sa mukha. "Aba! Tangina mo talaga!" 'tong dalawang 'to sarap pag untugin. "Gagantihan kita, kala mo!"
"Hoy! Tumigil nga kayo! Tulungan niyo ko dito!" Iritang suway ni Sam sakanila habang inaayos niya ang kung ano sa loptop niya. "Kainis!"
Tumayo ako sa upuan ko at tinignan ang ginagawa ni Sam. Nirerefresh niya ang loptop niya habang naiinis na kung ano ano ang pinagpipindot. "Kapag talaga ito hindi umayos, babato ko 'to!" Ang laki naman ng problema nitong babaeng 'to.
I've been spending some time
Thinking I'd be alright
Don't know if I could
Really make it tonight
Lie awake in the dark
Come down then I start
Thinking about you
Is almost breaking my heart
I don't know where I went wrong
Or what's going on
Baby I feel like
Our love's lost tonight
Should I stay, should I go
Well I really don't know
Lately I've been missing you so
I like this feeling everytime na kumakanta ako sa harapan ng maraming tao, nakikinig sila at pinapanood nila kami ng nakangiti. Kung mataas lang sana ang bigay dito baka araw arawin na namin 'tong pagkanta rito.
"Uuwi ka na?" Tanong ni Maki ng makita niya kong inaayos ko na ang sarili ko. "Yup. May quiz kami tomorrow and need ko pa magreview."
After kong makapag ayos, sinuot ko na ang sling bag ko at nagpaalam na ko sa mga kabandmates ko at kay Boss Ransley na nakikipaglandian sa mga chix. Tsk.
Kinuha ko ang earpods ko sa bag ko pagkalabas ko ng RB Side ng may nakabunggo akong kung sinong matapang. Sarap gulpihin ah, hindi manlang nagsorry.
Tinignan ko lalaking bumunggo sakin na papasok ngayon sa bar. "Kala mo kung sino."
Napahinto ang lalaki na tila narinig ang sinabi ko. Humarap siya sakin at parang lalapitan ako. Hala sha joke lang! Huminto siya sa harap ko at seryosong tinignan ako. "If you don't want to get hurt, umalis ka sa daraanan ko."
Sino ba 'to? Gangster ng mga baliw? ''Lolo mo." Tinalikuran ko na siya ng mapansin kong tumayo ng unti ang balahibo ko. Dami talagang feeling entitled sa mundong 'to!