Chapter 3
Pagtapos ng matinding bakbakan sa quiz at recitation ay recess na. Tahimik akong lumabas ng classroom para magpunta sa cafeteria dahil nagugutom na ang dragon sa tyan ko.
"Sa tingin mo ba? Magtatagal sila non? Eh, hindi naman sila compatible." Patukoy na malungkot na tanong ng babae sa unahan ng pila sa kaibigan niyang katabi. Mukhang tangang naghihintay sa sagot ang umiiyak na babae sa kaibigan niya na parang walang pakielam. Ang drama naman neto.
"Malay ko." Walang ganang sagot ng friend niya na ikinangisi ko.
"Siguro may deal lang sila nung babae kaya laging kasama niya, o kaya naman nagpapanggap lang na sila.. sana." Iyak na pang-gagaslight ng babae sa sarili niya na umaasang tinig habang maarteng nagpupunas ng luha. Tsk.
"Tumigil ka na nga ka Naih para ka namang obsessed sakanya!" Suway sakanya ng kaibigan nya, dahil napapatingin na ang ibang mga schoolmates namin sa drama ng kaibigan niya.
"Sino namang hindi mao-obsessed sakanya, Rai? Sobrang gwapo kaya niya, matalino pa.. almost perfect na nga eh," Mas lalo niya pang tangang ikinaiyak na ikininataas ng kilay ko. Laki naman ng problema nito. "Ang lakas-lakas ng dating niya para sakin, mahal na mahal ko talaga siya huhu."
Dalhin niya na kaya ang kaibigan niya sa psychiatrist?
Ano bang kapangyarihan ng mga etits na yan? At sobrang gustong gusto ng mga ibang babae? Masarap din naman ako kahit wala ko nyan. Tsk. Hindi ko talaga maintindihan!
Biglang umingay sa buong Cafeteria ng biglang nagsi-datingan ang grupo ng mga kalalakihan na sikat sa Campus.
"Ayan na sila!"
"Goodmorning Sevi!"
"Waaaahh!"
"Hello Cin!"
"Ang pogi talaga ni Angelo!"
"Hi Triston!"
"Sana tignan niya ko!"
"Ang pogi talaga nila hihimatayin ata ako!"
"Hi Yeshua!"
"Huhu, sana mapansin niya ko!"
"Omg! Okay lang ba yung look ko?" Nagulat ako ng biglang tarantang kinikilig ang babaeng umiiyak kanina sa tabi ko. Anyare?
Kanina lang para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa ngayon naman para siyang kitikiting ewan. Ganyan ba talaga epekto kapag inlove?
Huwag niyang sabihin na isa dun ang crush niya? Mukha ngang tama ang hula ko ng biglang umalis ang ibang mga babae sa pila nila para makisiksik papunta sa mga idol nila at nakisama din siya na parang walang nangyare. Tsk.
"Sino ba sila?" Malakas ang mga dating nila oo, yung mga aura nila gustuhin talaga ng mga babae, pati nga ibang mga lalaki dito sa Campus hinahangaan sila. Ganon ba sila kaimportante?
Pinapanood ko sila mula dito sa pwesto ko ng tahimik, ang sikat sa campus. "Kailan kaya ako maiinlove?" Sabi nila masarap daw sa pakiramdam yon.
Ay, po nga pala, nabasa ko kagabi na isa sakanila yung nakaaway ko kagabi, pero sino sakanila yung Yeshua?
Tinignan ko ng maigi ang mga mukha nila kahit malayo, pero di ko mamukhaan ang nakabunggo ko kahapon kasi medyo madilim non, yung isa lang sakanila yung familiar sakin kasi siya yung tumulong sakin kaninang umaga. Mabait kaya siya? Tsk. Bahala na.
Silang lima ang grupo ng estudyanteng famous na unrealistic bullies, at mga mistryosong mga lalaki na may gangs din daw pero I'm not sure about it, nasagap ko lang sa kung saan. Tinatawag silang 'Ephesians' most highlighted common na naririnig kong tawag sakanila ay mga Campus Heartthrobs, dahil yes, sa mga physical feature nila at sila ang isa sa mga estudyante na magaling sa paaralan.
Bumalik na ko sa realidad at bumili na ng pagkain ko ng marinig kong kumulo na ang tyan ko. Buti nalang mabilis makamove on ang mga tao sa nangyari kahapon.
"Excuse." Pagpapaalis ko sa kaklase ko na nakaupo siya sa upuan ng desk ko. Nginitian niya ako bago siya umalis.
"Seah, hindi ka raw sasama sa outing?" Nahihiyang biglang tanong nito na ikinailing ko bilang pagsagot. Anong gagawin ko don makipagplastikan?
"Sayang naman pala, ikaw lang wala don kapag hindi ka pupunta." Panghihinayang niyang tinig na hindi ko na pinansin. Tsk.
Nagsimula na muli ang klase ng dumating na ang teacher namin. Turo dito turo doon pero ako lang naman ang nakikinig kasi yung mga classmates ko busy sa mga buhay nila.
Make up dito, kain dyan, kupalan ng magkakaibigan at meron ding nagsisiraan, tapos may mag aabangan payan sila sa gate. Tsk. Hindi ko masyadong trip ang mga trip nila kaya madalas na pinipili ko nalang na mag isa sa isang sulok ng room. Ako ang secretary nila kaya normally nachecheck nalang ako ng attendance ngayon.
"Goodafternoon po Professor Montemayor, sorry po sa istorbo, pwede po bang ma-excuse si Licauan, para po pumunta sa guidance?"
Napukaw ang atensyon ko at maging ang mga kaklase ko ng marinig nila ang apelyido ko sa estudyanteng may kailangan sakin. Ano meron? May ginulpi ba ko?
"Sure. Miss Licauan you may go." Napunta ang mata ko kay Professor habang walang idea kung lalapitan ko ba.
"Uy, tawag ka." Tsk. Kailangan ba maniko? Inirapan ko ang katabi ko bago ako tumayo at nilapitan ang dalawang lalaking naghahanap sakin.
"May atraso ba ko?" Taka kong tanong ng makalapit ako sa dalawa at hinawakan lang nila ako sa kamay para dalhin sa kung saan. Tsk. Napakabastos talaga ng mga estudyante dito.
"Huwag ka ng magtanong." Sampalin ko mukha mo eh. Wait, hindi naman 'to guidance office ah? Sa loob ng ambandonadong building nila ako dadalhin.
"Mukha bang guidance office 'to?!" Irita kong tanong sa dalawang lalaki na hindi ako binibitawan. "Kapag ako napahamak at di nakapag review sa quiz mamaya, lagot kayong dalawa talaga sakin!"
"Tsk. Quiet." Suway ng kung sino na ikinatigil ko. Wait, siya yung tumulong sakin kanina dba?
Magulo ang buhok nito habang nakaupo sa upuan na maganda at mukhang lasing na lasing dahil sa mga boteng nakakalat.
"Bakit mo ba'ko pinapahirapan?" Nahihirapan niyang lasing na sabi habang malalim na nakatingin sakin. Ha? San ko siya pinapahirapan? Dahil ba sa pagtulong niya samin kanina? Okay lang ba siya?
Lumapit siya sakin at marahan akong niyakap na hindi na ko nakakilos. "Bitawan mo na nga ko!" Inis kong pilit na tinatanggal ang pagkakayakap niya sakin na hindi ko maalis. "Ano ba?!" Lakas ng trip naman nito.
"Get away from other men dahil hindi ko na alam kung anong pwedeng magawa ko." Bulong niya na hindi ko masyadong narinig.
Tinanggal ko na ang pagkakayap niya sakin ng nagkaroon ako ng pagkakataon. "What's wrong with you?!" Hasik kong tanong sakanya.
Malamig niya kong tinitigan habang hindi ko alam ang gagawin. "Leave us." Utos niya sa mga lalaking kumuha sakin papunta rito na ikinakaba ko.
Ano bang problema ng lalaking 'to? "Ano bang kailangan mo sakin?" Lakas na loob kong tanong sa lalaki na malalim na nakatingin sakin.
"Is that how you communicate?" Malamig na lasing niyang tanong pabalik sakin na ikinataas ng kilay ko.
"Edi wow." Sagot ko sakanya at tangkang aalis na ng bigla niya kong hatakin para bumalik. "Ano b-"
"Please stop doing this to me Seah, wag mo na kong guluhin, kung ayaw mong ikaw naman ang saktan ko." Napatigil ako sa sasabihin ko ng yakapin niya kong muli. Gago ba 'to? "I hate you." Bumigat ang pakiramdam ko ng marinig ko ang sinabi niya. Ano bang nangyayari? Bakit nasasaktan ako? Sino ba siya?