Mag isa lang siya sa kanilang bahay. Naisip niya ang kanyang ate at itay. Matagal tagal na siyang naka uwi sa pinas pero hindi pa niya nakikita ang mga ito. Naisipan niyang dalawin ang mga ito hihintayin niyang maka uwi si Tristan. " Sigurado kabang ayos lang sa iyo na sumama ka sa akin?" Panigurado niyang tanong sa binata ng sabihin nitong sasama ito sa kanya. " Oo Isabel, hindi kita pwedi hayaan umuwi sa inyo mag isa. Baka ano pa ang gawin saiyo ng ina mo." Kung siya lang masusunod, hindi na niya gugustuhin pa makita ang ina nito, pero kahit papaano magulang parin ito ni Isabel, gagabayan nalang niya ito sa mga decision at gusto nito. Kahit anong mangyari hindi niya ito hahayaan mag isa lumabas ng bahay. "Mabuti naka uwi ka na Isabel." Bungad sa kanyang itay ng makita siya nito. Ha

