Simula
Wandering through the graveyard it felt like someone was watching me.
I went to the front door to check if someone was here.
But when I decided to stepped in, I felt dizzy and all the memories from the past came crashing in.
“Bakit hindi ka sumunod sa papa mo!”
“Sana tumakbo ka nalang para mayakap mo man lang siya!”
Tugon ko sa sarili ko.
I was purely seven years old when that tragic moment happened.
It was an unusual day for me. I was watching some cartoons when my father spoke.
“Saan ang mga kaibigan mo? Papuntahin mo sila dito upang hindi ka mag isang tumunganga sa pinapanood mo”
Napa isip ako.
“Ano kayang nakain ni papa bakit gusto niyang papuntahin ang mga kaibigan ko dito. Ayaw pa naman niya ng maingay.”
Agad akong tumakbo upang tawagin sila.
“Hoy himala Miguela ha bakit naman pumayag ang papa mo na pumunta kami sa inyo?
Ani ni Faye ang kaibigan kong madaldal.
“Oo nga, diba ayaw niya sa maingay? Kasama pa naman natin si Faye at Kath na walang preno ang bibig na akala nila sila lang ang tao sa mundo.”
Pang aasar ni Jo ang pinaka mahinhin kong kaibigan.
“Tara na nga kanina pa ako gustong manonood ng palabas ang dadaldal niyo naman masyado. Naiinip na itong si Miguela sainyo baka mag bago pa ang isip pauwiin tayo bigla.”
Pagalit na sabi ni Kath ang mataray ngunit malambot ang puso kong kaibigan.
“Ang oa mo naman Kath parang ikaw yata itong naiinip sa tin’ ah, tara na nga baka mag away pa kayo riyan.”
Tugon ko.
Nag takbuhan kami patungo sa bahay pero pagkarating namin doon, agad kaming nag ayos sa aming sarili dahil pawisan na kaming lahat.