bc

I Hate You But I Love You

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
billionaire
contract marriage
HE
opposites attract
badboy
sensitive
bxg
kicking
campus
city
like
intro-logo
Blurb

Paano kung mabuntis ka at ang babaero mong kaibigan ang ama? Sasabihin mo ba sa kanya o itatago mo na lang para hindi makasira ng relasyon ng iba?

Si Lhindsay, ang babaeng mas piniling lumayo na lang dahil alam niyang masaya na si Apollo sa piling ng kasintahan nito. Makalipas ang limang taon ay itinadhana muling magkrus ang landas nilang dalawa at nakatakdang ikasal sa isa’t isa para maisalba ang negosyong dugo’t pawis na itinayo ng ama ni Lhindsay.

Mauwi kaya in a romantic way ang pagmamahal ni Lhindsay para kay Apollo na kanyang bestfriend s***h kuya?

Ano kaya ang gagawin ni Apollo makuha lang ang pag-ibig at pagtitiwala ng babaeng tinakbuhan siya ng halos limang taon?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Are you ready now, iha? Are you really sure about your plans?" sunod-sunod na tanong ni daddy sa akin. Kasalukuyan kaming nag aagahan at nabanggit ko nga na gusto ko ng magtrabaho. Kahit ano'ng posisyon sa plantation ay tatanggapin ko. "Yes, dad. I think it's about time. One year is enough to mourn. I have a child that I need to raise and take care of," pahayag ko pa. "Kaya ko naman kayong suportahan." "Honey, Let her do what she want. Tama naman ang anak mo," ani Tita Ava. Tumingin si Tita Ava sa akin na may ngiti sa labi. Napangiti na lang rin ako at napatingin kay daddy na bakas pa rin ang pag aalala sa akin. Nasundan ko pa ng tingin ang kamay ni Tita Ava na pumisil sa braso ni daddy. "Ang akin lang naman kasi-" "Honey, kaya na ng anak mong magdesisyon para sa kanyang sarili. Hayaan natin siya, kailangan niya iyon." Patapos na akong kumain nang marinig ko ang iyak ng aking anak. Karga ito ni Mira at papasok na sila dito sa dining area. "Why is my baby crying?" malambing kong tanong sa aking prinsesa na agad tumahan nang kunin ko sa bisig ng kanyang tagapag alaga. "Mira, kumain ka na muna. Ako na muna ang bahala kay Laura." "Sige po, ate," mahinhing sagot ni Mira at naupo na sa bakanteng upuan sa hapag kainan. Inilabas ko naman ang aking munting anghel sa garden dahil tapos na rin akong kumain. Napapansin ko na gusto ni Laura ang mga makukulay na bagay at dito sa garden ay aliw na aliw siya dahil sa mga makukulay na bulaklak at mga paru paro at tutubing nagliliparan. One month from now she's turning one at pinaghahandaan ko na rin iyon. Habang lumalaki ang anak ko ay mas nagiging kahawig ito ng kanyang ama. Nakakainis lang dahil ako ang nagdala sa kanya ng siyam na buwan at ako ang naghirap na iluwal siya pero kay Apollo lang pala kukuha ng mukha. Simula ng bumalik ako dito sa bahay ay wala akong narinig na kahit isang tanong mula kay daddy tungkol sa kung sino ang ama ng anak ko. Hindi ko rin naman gustong pag usapan kung sakali. "Mahirap magtrabaho lalo na kung may anak ka na. May mga oras at araw na wala ka sa bahay. May pagkakataon na hindi mo maaalagaan at maaasikaso ang anak mo." Napatingin ako kay daddy nang magsalita ito, hindi ko namalayang sumunod na rin pala siya sa amin. Seryoso lang itong nakatingin sa tasa ng kape niyang hawak at alam kong may pinaghuhugutan siya sa mga salitang kanyang binitawan. Alam kong nakikita niya ang kanyang sarili sa akin at si Laura bilang batang ako noon. Wala siyang oras sa amin ni mommy sa kasagsagan ng paglaki ng aming negosyo noon. Mahaba na ang dalawa o tatlong oras na ilalagi niya dito sa bahay. Bilang lang rin sa daliri ang mga pagkakataong kasama ko siya sa mga espesyal na araw. Sa trabaho halos napupunta ang lahat ng oras at atensyon niya kulang na nga lang ay sa opisina na siya tumira. Mas malapit rin ako kay mommy kaysa sa kanya. Si mommy kasi ang kasa-kasama ko sa lahat kaya naman nang maghiwalay sila ni daddy ay maluwag sa loob ko na sumama kay mommy sa Manila at doon bumuo ng bagong buhay na kami lang without dad. "Ayaw kong maranasan ni Laura ang naranasan mo noon, anak," maya maya ay sabi pa ni daddy sa akin. "Dad, 'wag ka ngang mag isip ng ganyan. I'll promise to you na hinding hindi mawawala si Laura sa top priority ko," pangako ko pa sa kanya. "Saka hindi ka na bumabata. Kailangan ko ring pag aralan ang mga negosyo natin," alo ko pa. "I'm sorry, anak." "Dad, just forget about it okay? 'Wag na nating balikan ang mga nakaraang tapos na. Ang importante ay ang ngayon." "Dada..." Nagkatinginan kami ni daddy nang marinig ang salitang binanggit ni Laura. "Da...da..." Bumungisngis ito at hinawakan ang pisngi ni daddy. "She's calling you dada!" bulalas ko. "Yes, baby! He is your dada," sabi ko pa at napatawa na lang ako nang magtatalon si Laura sa kandungan ko. Matunog pa itong tumawa at pumalakpak. Nakangiting kinuha ni daddy sa akin ang anak ko at niyakap sabay halik sa tuktok ng ulo nito. "Dada loves you, swettie," emosyonal na saad ni daddy habang haplos ang manipis na buhok ng aking anak. Seeing him right now, I must say that he changed a lot. Malayong malayo sa daddy na kilala ko when I was ten. Kahit anong pigil ni daddy sa akin ay hindi rin niya ako napigilang magtrabaho. Sa finance department ako napunta dahil doon may bakante. At nagpapasalamat ako kay Tita Ava dahil sa suportang ibinibigay niya para sa akin at laging pagpapaalala kay daddy na hayaan ako dahil alam ko kung ano ang ginagawa ko. Marami na ring iniindang sakit si daddy at sa dami ng negosyong kailangang asikasuhin ay alam kung hindi na niya kakayanin iyong lahat. Isa sa sikat at pinakamalaking negosyo ni daddy ang Pineapple Plantation dito sa Palawan. May Sugar Mill rin kami at may ikta-iktaryang palayan na simula ng dumating ako ay hindi ko pa nabibisita. Kung hindi nga rin ako nagtrabaho ay kahit itong plantation ay hindi ko mapupuntahan. Ayaw makialam ni Tita Ava sa kahit anong negosyo ni daddy dahil ako raw ang dapat na mamahala ng mga iyon dahil ako ang nag iisang anak. Labing anim na taon na ring in a relationship sina daddy at Tita Ava, hindi na rin nakapagpakasal dahil hindi pinirmahan ni mommy ang annulment papers noon. Selfish mang pakinggan pero gusto ni mommy na ako lang ang nag iisang maging tagapagmana ni daddy. Noon sang ayon ako sa ganoong pananaw ni mommy 'cause I thought all mistress are bad and witch! Akala ko noon ay katulad sila sa mga palabas na napapanood ko sa telebisyon. Ngunit nang makasama ko si Tita Ava sa iisang bubong at makita ko kung gaano niya kamahal si daddy at kung paano niya ito alagaan, masasabi ko na mali ako sa pananaw kong iyon. Hindi lahat ng other woman ay masama, may mga katulad pa rin ni Tita Ava na mabuti ang hangarin at may busilak na puso. Hindi mahirap magustuhan si Tita Ava at alam kong isa iyon sa mga katangiang nagustuhan ni daddy sa kanya. It's not too late after all. Ngayong wala na si mommy may chance na sigurong maging masaya na rin silang dalawa. Iyon naman ang aayusin ko sa mga susunod na araw. And I know mom will understand my decision. Alas otso ng gabi na nang makauwi ako galing sa trabaho. Tulog na rin si Laura ng dumating ako, marahan ko lang siyang hinagkan at nagbihis na rin para muling bumaba at makapag hapunan na. "Wala pa po sina daddy?" tanong ko kay Manang Carmen nang dumulog ako sa hapag. "Wala pa, iha. Kumusta ang unang araw ng trabaho?" tanong ni Manang Carmen habang naglalapag ng ilang putahe ng ulam sa lamesa. "Ayos naman po. Naninibago pero kaya naman," sagot ko. ”Kumain ka na at alam kong pagod ka,” ani Manang Carmen habang nilalagyan ng tubig ang aking baso. Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay dumating sina daddy. Agad akong tumayo para salubungin siya. "What's wrong, dad?" tanong ko agad nang makitang iba ang aura nito. Niluwagan niya ang necktie at napapabuntong hininga na naupo sa kabisera. Agad naman siyang dinaluhan ni Tita Ava para bigyan ng tubig. "May nangyari ba, tita?" pang uusisa ko kay tita dahil parang wala pa sa mood si daddy para sagutin ako. "May problema lang sa Manila, iha," sagot niya sa akin. "Inumin mo na ang gamot mo, Art." Baling nito kay daddy matapos ilapag ang gamot sa lamesa. "Manila?" kunot noong tanong ko pa. Five star hotel, contruction firm at restaurant ang alam kong negosyo namin sa siyudad. Alin ang may problema doon? "Mabuti pa magpahinga ka na muna sa kwarto. Let's go," anyaya ni Tita Ava kay daddy na nagpaakay naman palayo sa amin. "Ano po kayang problema?" tanong ko at napatingin kay manang na kina daddy rin pala nakatanaw. "Kilala ko ang daddy mo, Say. At nasisiguro ko na hindi lang basta problema iyon. Malaking problema," ani Manang Carmen pa. Kung may nakakakilala man ng lubos kay daddy ay si Manang Carmen iyon. Alaga na niya si daddy baby pa lang at ina na rin ang turing ni daddy sa kanya. Kaya naman naniniwala ako sa sinabing iyon ni manang. Pero ano kaya ang problema? Sana naman ay hindi maapektuhan n'on ang kalusugan ni daddy. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako at sinilip sa nursery ang anak ko at agad napangiti nang makita kong himbing na himbing ito sa pagtulog. "May kailangan ka, ate?" tanong ni Mira na agad bumangon nang maalimpungatan yata sa presensya ko. "Sinilip ko lang si Laura. Hindi kasi ako makatulog," sabi ko sa mahinang boses. "Gusto n'yo po ipagtimpla ko kayo ng gatas?" "Ako na lang. Bumalik ka na sa pagtulog." Tumango ito at muling lumapit sa kanyang kama. Marahan ko na ring isinara ang pinto at nagpasyang bumaba para magtimpla nga ng gatas. Dim na ang ilaw sa sala pagbaba ko. Nakita kong bukas ang glass door patungo sa garden kaya imbes na sa kusina pumunta ay lumabas ako doon para tingnan kung sino pa ang naroon sa ganitong oras. Paglabas ko ay nagpalinga-linga pa ako sa paligid dahil sa lawak ng garden. Nakita ko si Tita Ava na nakatayo sa gilid ng pool at may hawak na kopita. "Hindi ka rin ba makatulog, tita?" basag ko sa katahimikan ng gabi. Nilingon ako ni tita kaya naglakad na ako para makalapit sa kanya ng tuluyan. Sumimsim siya sa kopitang hawak at napabuntong hininga ng malalim. "How's dad?" "Ayon masama pa rin ang loob." "Ano po bang nangyari?" "Malaki ang perang nawawala sa La Grande Hotel. Hindi alam ng daddy mo kung ano ang nangyari at nagkaganoon," kwento ni tita. "Hindi po ba at may katiwala si daddy sa pagpapatakbo noon?" "Katiwala na ngayon ay naglaho na parang bula! Sa sobrang laki ng tiwala ni Art sa taong iyon ay nagawa pa rin siyang lokohin!" Bakas ang galit sa boses ni Tita Ava. "Halos kapatid na ang turing ni Art kay Heubert pero nagawa niyang lokohin at paikutin ang daddy mo!" "Ano na pong mangyayari sa hotel?" kinakabahang tanong ko. Ang La Grande ang kauna unahang franchise hotel na naipatayo ni daddy sa Manila. Narito sa Palawan ang pinaka main ng La Grande na ang ibig daw sabihin ayon kay daddy noon ay karangyaan. At nakakahinayang na mawawala na lang iyon ng basta-basta. "Tatlong buwan ng hindi sumusweldo ang mga tauhan doon. At kung magpapatuloy iyon ay maaaring magsara ang hotel dahil ang perang natitira ay kulang pang pambayad sa mga tauhang mawawalan ng trabaho kung sakali." "Hindi po pwedeng magsara ang hotel, tita!" giit ko. "Mahalaga kay daddy ang hotel na iyon." "I know. But what can we do?" malungkot na tanong ni Tita Ava sa akin. Ano nga ba ang pwede naming gawin? Ano ang maitutulong namin para maisalba ang hotel at makatulong kay daddy?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook