Baby, Don't Cry Mike's Point of View Nandito ako ngayon sa bahay ng Baby ko, yes Baby! Baby ko. Baby ko siya pero ako lang may alam. Am I making myself clear? Siguro naman. Kung hindi, i-google na lang. "Oh, Mikie!" Tumayo ako nang salubungin niya ako nang yakap. Mag kaibigan kaming dalawa kaya normal na ang ganito para sa amin. 'Yon nga lang, may malisya siya para sa akin dahil mahal ko siya. "Christie!" Ang childish pero hindi ko maiwasan na mapangiti tuwing gan'yan kaming dalawa. Siya ang unang babae na naging close ko. Siya rin ang unang babaeng minahal ko. Ang weird. "Oh, bakit ka nandito?" Pinaupo niya ako sa sala nila. Titig na titig siya sa akin kaya napatingin din ako sa kan'ya. "Parang ayaw mong nandito ako, huh?" Tumawa siya kaya ako naman ang napatitig sa kan'ya. Ang gand

