Hurting Joshua's Point of View Sobrang hirap pala lalo na 'pag nakasanayan kong kasama ko si Isany. Nakakabaliw 'pag hindi siya nakakaharutan. Kung minsan ngang nangungulit siya sa akin, iniisip ko na lang na napipikon na ako sa kabaliwan niya. Sobrang pinipilit kong magalit sa kan'ya. "Tulala ka na naman, Josh." Napatingin ako sa katabi ko. Nandito ako ngayon sa classroom namin. Kanina pa ako nakatunganga dahil sobrang tagal n'ong prof. "Ah?" Tinignan ko siya, may bahid na pag aalala ang kan'yang mga mata. "May problema ba?" Tanong niya. Ngumiti ako at tinitigan siya. Sobrang ganda talaga niya. Hindi nga lang niya alam na mahal ko siya. "Josh?" Nabalik ako sa katotohanan nang yugyugin niya ako. "Ah? Ano nga 'yung tanong mo?" Nakaharap na ako ngayon sa kan'ya. Hindi katulad kanina na

