Weird Chase's Point of View Bigla akong kinabahan kanina nung magkasama kami ni Isany, hindi ko alam kung bakit, basta kinakabahan ako. Nandito kami ngayon sa condo ko dahil may kukunin kami ni Charisse. Mga gamit para sa overnight namin sa condo ni Isany. Kahit pa sabihin na malapit lang, may mga games kasi kaming lalaruin. "Chase!" Napatingin ako sa pinto kung saan may kumakatok at sinisigaw ang pangalan ko. Dali dali akong pumunta r'on at binuksan ito. "Jacob?" Gulat kong tanong, pumasok lang siya at naupo sa sofa, may problema ba ito? At bakit feel at home siya sa pamamahay ko? "May problema ba?" Umupo ako sa tabi niya. "Kuya Chase... Oh?" Napatayo ako nang marinig ko si Charise. Kasama niya si Isany. Magiging weird kung makikita niya si Jacob na kasama ko ngayon. "Chase ko, hind

