Confession Isany's Point of View Sumakit ang ulo ko dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko pa rin inexpect na magagawa ko 'yon para lang sa mga kapatid ko. Kailangan ko rin naman kasing ipaglaban ang sarili ko lalo pa't kung ano anong sinasabi sa akin ng mga clown na iyon! "Hay nako, mommy! May balak po talaga akong pumunta rito bago pa ako tawagan ni kuya." Pagpapalusot ko kahit wala naman talaga akong planong pumunta rito in the first place. Ayaw ko lang talagang pagalitan na naman ang kapatid ko. "Alam mo? Dapat hindi ka na lang pumunta. Sinira mo lang ang lunch namin." Tumingin ako kay kuya Mike. Nasaktan ako sa sinabi niya pero ngumiti na lang ako. "Okay lang 'yun." Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa mga kapatid ko. Lalong lalo na kay kuya Jacob. Siguro, dahil si kuy

