VI

2156 Words
The Beach Isany's Point of View Napakarelaxing ng paligid. Napakalamig ng hangin. Napangiti ako. Private ito kaya wala mas'yadong nags-swimming sa parte na ito. Marami ring mga isda at crabs sa paligid. Buti nga at hindi naman naninipit ang mga crab na ito. Nagulat ako nang may umakbay sa akin. Napatingin ako at si kuya Joshua pala iyon. Seryoso ang mukha niya. "Baby, let's swim?" Hindi ko sinasabi na ayaw kong ganito siya pero sobrang hindi ako nasasanay. Kinikilabutan ako sa ginagawa niya dahil mas'yado siyang seryoso. Parang nakakatakot siya palagi. "Ang galing mang uto, 'yung isa naman, sobrang nagpapauto." Napatingin naman ako kay kuya Mike. Gusto kong umiyak pero hinigpitan ni kuya Joshua ang pagkapit sa akin kaya napabaling ako ulit sa kan'ya. Ngumiti siya sa akin. Hindi ako makangiti, yumuko na lang ako. "Ang sweet naman ng kuya ko sa baby girl namin." Napatingin naman ako kay mommy. Ngumiti ako sa kan'ya. "S'yempre mommy, mahal ko 'to. 'Yung iba lang naman d'yan ang hindi nagmamahal sa kan'ya." Tumingin sila kuya Jacob kay kuya Joshua. Sumimangot sila rito. "What do you mean?" Naguguluhang tanong ni mommy  "Wala po." Halos matawa ako sa pagbawi ni kuya Joshua. Ngumiti si mommy sa akin kaya gan'on din ako sa kan'ya. Nabigla ako nang tumunog ang phone ko. "Excuse me, I'll just answer this." Umalis ako sa pagkakaakbay kay kuya Joshua at lumayo kaunti. "Hello?" Sagot ko sa tawag. "Ate Isany!" Tinignan ko ang caller, it's Chase's pero babae ang boses. "Wait, who's this? Bakit number ni Chase yung gamit mo?" I asked "This is Charisse, ate!" Natauhan naman ako. Chase's little sister. "Hi, baby! Napatawag ka?" Nakangiti kong tanong. Namimiss ko na ang isang ito! "Wala lang. I miss you so much! Kailan ka pupunta rito?" She asked me with full of hope in her voice. "I'll try next week." Nagsimula na siyang tumili. "Yehey! I miss you...---" Bago pa man madugtungan ni Charisse ang sasabihin niya, tumili na siya kaagad. "Charisse, give me my phone!" Narinig ko ang gulo sa kabilang linya. Natatawa ako sa kanilang dalawa dahil sa kakulitan nila. Overprotective si Chase sa kapatid niya dahil malayo ang agwat nilang dalawa. "Kuya! I'm still talking to my ate Isany!" I smiled while listening to them.  "Isany is mine, baby." Narinig kong sabi ni Chase. Pwede bang kiligin? "No!" Sigaw pabalik ni Charisse kaya naman natawa na naman ako. "Charisse... Give mo muna 'yung phone ni Kuya."  "But ate..." "I'll call you later, okay?" Bumuntong hininga siya kaya napangiti na naman ako. "Okay... Oh! Ate Isany wants to talk to you!" Naghintay pa ako ng ilang segundo bago makarating kay Chase ang telepono. "Chase?" Matamlay kong tawag sa kan'ya. Kinuha ko ang mat ko at umupo na sa buhangin. Dinama ko ang hangin. "Oh, matamlay ka ata? Ano na namang problema mo this time?" Halos mapasimangot ako sa tanong niya.  "Okay na kami ni kuya Joshua eh." "Hindi ka ba masaya r'on?" "Mas nagalit kasi sa akin 'yung tatlo. Akala nila kinukuha ko si kuya Joshua sa kanila." Tumulo ang luha ko dahil sa pagk-kwento ko kay Chase. "Alam mo Isany? Matatanggap ka rin nila. Kung hindi man, nandito naman ako at si Charisse. Tanggap ka namin kahit anong mangyari. Mahal na mahal ka namin." Napangiti na naman tuloy ako dahil na-realize kong sobrang swerte ko sa kan'ya kahit na hindi pa kami. "Chase, kita tayo sa Monday?" bigla ko na lang natanong sa kan'ya. "Magkikita talaga tayo dahil classmates tayo!" Napasimangot naman ako. Oo nga pala! "Sunduin mo naman ako." Paglalambing ko sa kan'ya. "Hindi mo ba dadalhin ang sasakyan mo?" Ngayon lang ako nagpasundo sa kan'ya dahil hindi ko mas'yado feel magmaneho. "Hindi na muna. Sa 'yo na rin muna ako sasabay sa pag...--- Aray!" Halos mangiyak ako sa sakit na naramdaman ko sa daliri ko. Napatingin ako at nakitang may nakasipit na alimango r'on at dumudugo na ito. Hindi ako makagalaw at nakatingin lang ako habang naiyak at nagsisigaw sa sakit. "Isany?! What happened?" Rinig kong sigaw ni Chase pero malayo na sa akin ang phone ko. ~ Nycka's Point of View (Mommy) Alam namin na pinapahirapan ng mga kapatid niya si Isany. Napapansin ko 'yon pero dahil hindi ko naman narinig na nagreklamo si Isany, wala akong sapat na ebidensya para pagsabihan ang apat. "Aray!" Napatingin kaming lahat nang sumigaw si Isany. Nakita ko ang isang alimangong nakasipit sa daliri niya. Nagsisimula nang dumugo ang daliri niya at tuloy tuloy ang iyak at sigaw ni Isany. "Isany!" Sumigaw ako at tinakbo ang distansya namin ni Isany. Tumakbo rin si Joshua at sinubukang alisin ang alimango sa daliri ni Isany. Nahirapan pa dahil gumagalaw si Isany sa sakit pero natanggal din namin iyon kaagad. Dinala siya ng daddy niya sa may cottage at ginamot ang daliri niya. Napatingin kami sa tatlong tumatawa sa gilid. Kita ko ang galit ng panganay ko sa mga kapatid niya. Hinawakan niya ang kwelyo ni Mike at ambang susuntukin. Hindi na ako makapagsalita dahil iniisip ko si Isany. "'Wag niyong sabihin na kayo ang may gawa n'on?!" Sigaw ni Joshua sa kanila. Natatawa pa rin ang tatlo. "Eh ano naman ngayon? She deserves it." Kumunot ang noo ko. Tinitignan ko si Isany na ngayon ay umiiyak at halos hindi na makausap. "Akala ko ba hindi pa dumadating sa puntong sinasaktan ka nila?" Hindi sumagot sa akin si Isany. Nakita ko na lang ang mga luhang dumaloy sa kan'ya. Tumulo rin ang luha ko dahil sa awa sa anak ko. Malayo man kami ay naririnig namin ang pinag uusapan nila dahil tumataas na ang boses nilang lahat. "Bakit niyo ginawa 'yon?!" Halos umalingawngaw ang boses ni Isaac sa buong resort. Umiiyak ako habang pinapatigil ang dugo sa daliri ni Isany at nililinis ang kan'yang sugat. "Dad! Wala kaming kasalanan! Tanga tanga lang talaga 'yang si Isany!" Pagtatanggol ni Jacob sa kanila. Tinignan ko ang isang kamay ni Isany at nakita ko na nakahawak pa rin d'on ang phone niya. Kausap niya si Chase kaya kinuha ko ito. "Chase?" Kilala ko ito dahil parati itong nasa bahay. Nililigawan niya ang anak ko. "Tita? Ano pong nangyari kay Isany?" Ramdam ko ang pag aalala niya sa anak ko pero nakita ko naman ang pag iling ni Isany sa akin. Kumunot ang noo ko sa gusto niyang mangyari. "Wala naman, Chase, pero p'wede bang tumawag ka na lang ulit mamaya?" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at alam ko ang pakiramdam na 'yon. "Sige po, tita. Bye." Binaba na ni Chase ang tawag. Pinunasan ni Isany ang mga luha niya. Binalot ko na ang daliri niya. "What were you thinking, Jacob?!" Napapikit ako sa sobrang lakas ng sigaw ni Isaac. Nandito na sila sa cottage kaya mas rinig namin ang sigawan nila. "Daddy, wala po silang kasalanan!" Napakunot ang noo ko sa anak ko. Bakit ba niya ginagawa ito? "Isany! Bakit mo ba pinagtatakpan ang mga ginagawa sa 'yo ng mga kapatid mo?! Bakit mo sila pinagtatanggol? Bakit kailangan mo silang kampihan?!" Mas lalong umiyak si Isany sa sigaw sa kan'ya ng daddy niya.  "Mahalaga sila sa akin..." Halos bulong ni Isany. Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. "Anong rason 'yan, Isany?! Mahalaga sila sa 'yo kaya mo sila pinagtatakpan?!" Hinawakan ko si Isaac para makalma siya. "Daddy kasi kapag sinabi ko sa inyo, magagalit sila sa akin! I don't want them to get mad at me because I love them kahit na anong gawin nila sa akin, kapatid ko sila!" Tumakbo si Isany pabalik sa bahay. Napapikit ako dahil sa nangyari. "Ako na ang susunod sa kan'ya. Ayusin niyo na muna 'yan." Tinalikuran ko silang lahat. Humabol naman sa akin si Joshua. "Sama ako, mommy!" Tumakbo kami papunta sa bahay. Nakita ko si Isany na nakaupo sa may bandang pintuan. "Mommy, g-gusto ko po munang umalis." Halos hindi ako makapagsalita sa gustong mangyari ni Isany. Bakit bigla niya naman itong naisip? "What?" Naguguluhan kong tanong sa kan'ya. "Mommy, kailangan ko po munang mawala para mahanap niyo naman sila kuya." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan! "Baby, you don't have to...---" Si Joshua. "Kuya, kailangan. Kaya nga nagkagan'yan kayo sa akin kasi 'di ba, sa akin nabaling ni mommy ang atensyon niya. Mommy, eighteen years! Eighteen years, hindi mo sila nakita kasi ako lang palagi 'yung pino-protektahan mo. Ako lang palagi 'yung napapansin mo. Tapos sila kuya, palagi mo lang nakikita is 'yung mali nila." Patuloy ang luha sa paglandas sa mga mata ko. "So, sinasabi mo, naging unfair ako?" Tanong ko sa kan'ya. Umiling iling naman siya at pinunasan ang luha niya. "No mommy, hindi ka unfair. May favorite ka sa aming lima. Ako 'yon, mommy. Kung tutuusin, ayos nga lang dapat kanila kuya Joshua, kuya Mike, at kuya Edison, kasi kahit papaano, naramdaman nila 'yung care mo as a mother. Si kuya Jacob? Sabay lang kaming dumating sa buhay mo pero mas pinagtuunan mo ako ng pansin kaysa sa kan'ya. Mommy, ako, ako na nakuha mo lang sa labas ng bahay." Pinunasan ko ang mga luha niya pero patuloy lang ito sa pagpatak. "No, 'wag mong sabihin 'yan dahil kahit kailan, hindi kita nakita bilang ampon. Anak ka namin ng daddy mo." Umiling siya ulit at inalis ang kamay ko sa kan'ya. "Mommy, kahit pagbalik-baliktarin man natin ang mundo, hindi mababago n'on 'yung katotohanan na hindi ako Buenaventura. Hindi ako Buenaventura, mommy. Hindi naman po ako nagrereklamo. Masaya ako kasi hindi mo ako pinabayaan, tinanggap mo ako bilang ako. Binihisan, pinakain, pinasaya mo ako, mommy. Mga bagay na hindi nabigay sa akin ng tunay kong nanay. Masaya ako, mommy. Minahal mo ako nang sobra pa sa sobra. Never kong naramdaman na sampid lang ako sa bahay na 'to, pero mommy, it's time for you to let me go." Umiling iling ako sa kan'ya. Niyakap ko siya pero pilit siyang bumibitaw. ~ Isany's Point of View Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob para sabihin ang lahat ng ito sa mommy ko. Basta ang alam ko, gusto ko pang mabuhay. They're crossing the line, nasasaktan na nila ako. "But, baby...---" I can't take the fact that I'm seeing my mommy cry. Ang sakit sa puso. Hindi ko alam kung bakit ko ba 'to nasasabi. "I made my decision, mommy. Aalis na po ako. Kailangan ko 'to, mommy. Kailangan nating lahat 'to." Ilang araw nakalipas matapos ang nangyari sa beach, nakarating ako sa condo ko. Naninibago ako dahil mag isa lang ako pero kailangan namin ito. Alam kong tama ang desisyon ko. Hindi man matanggap ng mommy at daddy ko, pati na si kuya Joshua, kailangan ko pa ring umalis.  Nabigla ako nang may kumatok sa pintuan ko. Binuksan ko ito at nakita ko ang boyfriend ko, joke, hindi pa kami. "Chase ko!" Niyakap ko siya dahil sobra ko siyang namiss. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Dapat sa Monday pa kami magkikita pero ewan ko kung anong ginagawa nito rito. "Grabe, miss na miss mo naman ang kagwapuhan ko." Napasimangot ako pero agad ding natawa sa kalokohan niya. "Mall tayo?" Ngumiti siya sa akin. Pinaupo ko muna siya, kasama niya pala si Charisse. Nagbihis muna ako. ~ Chase's Point of View Pagbukas niya ng pinto, yumakap siya kaagad sa akin. Tinignan kami ni Charisse. Hindi niya napansin na kasama ko si Charisse. Niyaya niya ako sa mall, t'saka niya na lang napansin ang kapatid ko nang papasukin niya kami sa condo niya. "Kuya, why is ate Isany ko so pretty?" Sinimangutan ko ang kapatid ko. "I told you, ako lang ang may karapatang tumawag sa kan'ya ng gan'on!" Inirapan ako ng kapatid ko kaya natawa ako. Ang cute niya talaga! "Tara?" Tumayo ako nang makita ko si Isany. "Ate Isany ko, kuya Chase said that you're ugly!" Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi ng kapatid ko. Napasapo ako sa noo. "Hayaan mo 'yan. Panget kasi 'yan eh." Nauna silang maglakad sa akin. Sumunod na lang ako. Nang makauwi kami, pumunta ako kaagad sa kusina para magluto dahil nagugutom ang dalawang anghel ko. Nang matapos ako sa pagluluto ay kumain na kami. "Ate Isany ko, when are you going to make sagot sagot my kuya?" Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko dahil sa bunganga niyang hindi mapigil.  "Hmm... later," Halos mabuwal ako sa sinabi niya at mukhang natigilan din siya. "I mean, let's talk about it later." Pagtatama niya. Tinawanan ko siya. "Sus, kunyari ka pa. Sabihin mo na kasi na mahal mo na rin ako." Pang aasar ko sa kan'ya. "Mahal naman talaga kita eh." Yumuko siya at nakita ko ang pamumula niya. Napatikhim ako sa narinig ko. Ngayon ko lang kasi narinig iyan sa personal. "Like OMG! You guys love each other, why settle for an unlabelled relationship?!" Maarteng tanong ni Charisse. Natahimik naman ako sa tanong ng kapatid ko. Naging awkward ang atmosphere. Nag tinginan kami ni Isany. Ngumiti siya sa akin. Sabay kaming natawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD