ChaSany
Isany's Point of View
Buong araw akong tumatawa dahil kay Chase, ang taong mahal ko. Ngayon ko lang talaga inamin sa sarili kong mahal ko na nga siya. Ano ba naman kasing magagawa ko? Siya lang naman kasi ang nakakaintindi sa mga kadramahan ko sa buhay ko.
"So, anong plano mo?" Nagulat ako nang bigla siyang magtanong. Tinignan ko siya. Nag mo-movie marathon kami ngayon at nakatulog na si Charisse.
"Anong anong plano ko?" Kinuha ko sa kan'ya ang popcorn.
"Kailan mo balak bumalik sa inyo?" Kumunot ang noo ko. Kinuha niya ulit sa akin ang popcorn.
"Kakalipat ko lang, pinapauwi mo na ako kaagad? Hindi ko alam. Siguro kapag okay na sila kuya. Kapag nare-realize na nila lahat ng mga bagay." Kinuha ko ulit sa kan'ya ang popcorn.
"Paano kuya mo? Hindi ba, okay na kayo? Sina mommy at daddy mo?" Napabuntong hininga ako at tumingin kay Charisse na natutulog ngayon sa hita ko.
"Si kuya Joshua? Kaya niya 'yun. Nakaya niya nga ng ilang taon, ngayon pa ba siya susuko? Sila mommy at daddy, sa totoo lang, hindi ko alam. Kailangan muna kasi nilang makita sila kuya bago ako. Ako? I still have Charisse." Napangiti ako habang hinihimas ang buhok ng tulog na si Charisse.
"Ah..." Natahimik siya kaya napangiti ako.
"...And you." Bulong ko. Mula kay Charisse, tumingin ako sa kan'ya.
"Ha?" Kumunot ang noo ko at pinanliitan siya ng mata.
"Wala. Sabi ko, nakakabingi 'yung kagandahan ko." Natatawa kong sabi sa kan'ya. Siya naman ang sumimangot ngayon.
"Ang hangin naman dito!" Mas lalo akong natawa. Simpleng mga bagay pero napapatawa niya talaga ako.
"S'yempre! Naka-aircon kaya rito!" Natatawa kong sabi. Kinarga ko si Charisse at dinala sa kwarto ko.
"Iiwan ko na lang siya rito. Babalikan ko na lang siya bukas." Napangisi ako sa sinabi niya. Parang nag iwan lang ng gamit.
"Hindi ka ba hahanapin niyan?" Tanong ko naman sa kan'ya.
"Nasa taas lang condo ko, Isany. Kung hanapin man ako n'yan, dalhin mo sa akin sa taas." Natawa na naman ako sa sobrang kasungitan niya.
"Sabi ko nga! Oh, sige." Lumabas kami ng kwarto. Lalabas na siya at isasara ko na ang pinto pero pinigilan niya ako.
"Wala bang ano r'yan?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano?"
"Kiss?" Natawa na naman ako sa kakulitan niya.
"Hindi pa nga kita sinasagot, kiss agad?" Nanliit ang mga mata ko pero nawala ang tapang ko nang mag seryoso siya.
"So, hindi mo na ako mahal?" Tinaasan ko siya ulit ng kilay.
"Hindi lang hinalikan, hindi na kaagad mahal? Are you trying me, Mr. Chase?" Ngumisi siya sa akin.
"Yes, I am, Ms. Isany."
~
Chase's Point of View
Nakatingin siya sa akin. Nakangisi lang ako sa kan'ya. Sinimulan niyang pakiligin ang araw ko kaya hindi ako babalik ng condo nang hindi ko siya napapa-oo.
"Yes, I am, Ms. Isany."
"Tigilan mo na nga!" Tinitigan ko lang siya.
"Tayo na ba?" Tanong ko bigla sa kan'ya. Kita ko naman ang pagkabigla sa mga mata niya pero nagawa niya pa ring itago iyon.
"What kind of question is that, Mr. Perez?"
"If you'll push me away, then your answer is no. But, if you gave in and close your eyes, that means your answer is yes." Naguguluhan siyang tumingin sa akin. Umawang ang bibig niya at mukhang may sasabihin pa pero hindi ko na iyon pinatagal. Hinalikan ko siya. Natakot ako dahil baka sa gulat niya ay itulak niya ako, pero napangiti ako nang pinikit niya ang mga mata niya. Humiwalay ako sa kan'ya. Tinakpan niya ang bibig niya.
"I hate you, Chase!" Pinalo niya ako. Hindi pa rin siya nakakamove on sa ginawa ko.
"I love you, too!"
"I love you, three, boyfie." Nanlaki ang mga mata ko. Nagbiro lang naman ako! Gusto ko lang talagang maka-score sa kan'ya.
"Boyfie?" I asked for confirmation. She gave me her sweetest smile at pinisil niya ang pisngi ko.
"Pumunta ka na sa condo mo! I'll see you tomorrow." Pinagtulakan niya ako pero hindi pa rin ako makapaniwala!
"Sandali lang!" Isasarado niya na ang pinto nang pigilan ko ito ulit.
"Ano na naman po iyon?"
"Isa pa." I gave her a smack bago tumakbo palayo sa condo niya.
~
Charisse's Point of View
I woke up because of the door. I make labas ng kwarto, but I saw my ate and kuya talking kaya I didn't try to bother them na lang, instead, I listened to them.
"Tayo na ba?" Tanong ko bigla sa kan'ya. Kita ko naman ang pagkabigla sa mga mata niya pero nagawa niya pa ring itago iyon.
"What kind of question is that, Mr. Perez?"
"If you'll push me away, then your answer is no. But, if you gave in and close your eyes, that means your answer is yes." I almost disturb them with my tili, so I decided to just close the door. My ate Isany closed her eyes. That means, sila na!
I woke up because of the annoying ingay sa paligid. I saw my ate Isany and my kuya Chase na naglalandian sa tabi ko. I almost frown because of their tilian.
"Ano ba...--- Stop na!" Ate said between her laughs. My kuya's making kiliti her and she can't stop him.
"Say the magic word." Pang aasar ni kuya.
"Oo na... I-I l-love y-you." Even though I'm kinikilig, I can't help but to make busangot and shout at them.
"Like OMG! I'm still sleeping in here, saw niyo?" They both looked at me and laughed. I tried to reach for the pillow and put it in my face, but kuya's trying to remove it!
"Ang sungit mo." He pinched my ilong and laughed. I shouted at him and make him taboy because he's so nakakairita.
"Gising na, Charisse, we're going out." I make upo and smiled at my ate.
"Where are we going?!" I asked excitedly. Ate just smiled at me.
"OMG! Let's go to the horror house, please?!" We're in the perya. It's like a star city but it's an open area. I looked at my ate and smiled at her. I know she will not agree with me kasi she's takot sa mga gan'yan.
"Yayain mo na ako sa lahat, 'wag lang d'yan!" I tried to make face at her even though I expected that answer.
"My girl, pagbigyan mo na naman si Charisse oh." He make lapit kay ate and hold her. Ate just sighed. When ate's about to make payag na, someone called her. I just want to kill that someone!
"Hello?" Seconds after, ate Isany checked the caller. She frowned.
"Your ate doesn't look happy." I nodded with my kuya.
"Kuya Joshua naman. Bakit ngayon pa? Hindi ba p'wedeng mamaya? Ngayon na talaga, as in? Ano bang kailangan nating pag usapan at parang panic na panic ka?" I made irap with what she said. It's one of his evil brothers! "Fine, pupunta na ako! Hintayin niyo ako. Ano? Bakit hindi... argh!" Ate Isany make tago her phone na.
"Sasama kami!" Me and my kuya said in unison. I smiled at him.
"Tara na nga!"
~
Isany's Point of View
Nagulat ako nang tawagan ako ni kuya at parang nag papanic siya. Pinapunta niya ako sa bahay sa hindi ko alam na dahilan. Basta pinagmamadali niya ako at ayaw niyang ipagsabi ko na alam kong may gagawin ako sa bahay. Hindi ko rin siya maintindihan, basta ang alam ko, kailangan kong mag panggap na napadaan lang ako. Ayos lang din naman na pumunta ako dahil papakilala ko na si Chase sa kanila bilang boyfriend ko.
"Manang!" Agad naman akong pinapasok ni Manang. Mukha siyang natataranta.
"Nasa dining area sila, anak. Mukhang hindi talaga masaya ang mga kapatid mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni manang. Wala pa rin akong idea kung bakit ako nandito. Pagpasok ko sa bahay, dumiretso ako kaagad sa dining area. Nakasunod sa akin ang dalawa.
"Hi, people!" Tinignan ko si kuya Joshua na parang nagpapasalamat na dumating ako. Tinignan ko ang mga babaeng hindi ko kilala na nakaupo sa tabi nila. Tumagilid ang ulo ko.
"Isany! I'm so happy that you are here!" Hinalikan ako ni mommy at gan'on din si daddy. Tinignan ko ang mga magagandang babae na nasa harapan ko.
"Sino sila?" Sabay turo ko. Tinignan ako ni mommy.
"Mga fiancé ng mga kuya mo." Kumunot ang noo ko at tinaasan ng kilay ang mga kapatid ko. Paano naman mangyayari ito?
"At ikaw, sino ka naman?" Halos mapaawang ang bibig ko sa babaeng katabi ni kuya Joshua. Tinaasan ko siya ng kilay at natawa bigla.
"You are asking who I am?" I laughed one more. Nahihibang na ba ang babaeng ito?
"The hell. Sino pa bang ibang kausap niya? Ikaw lang naman, 'di ba?" Ang gaganda nga, ang papangit naman ng ugali!
"I'm so sorry for being rude. I forgot to introduce myself. I'm Isany Buenaventura. Their sister." I smiled at them. Nagbulungan pa sila na hindi ko naintindihan.
"Kasama mo pala si Chase." Napatingin ako kay Chase na kapapasok lang. Saan naman nanggaling ang mga 'to?
"Hello po, tita." Humalik si Chase sa pisngi ni mama at nakipag tanguan kay papa. Kinikilig ako dahil sa nangyayari!
"Hi tita mommy!" Ngumiti naman si mommy kay Charisse. Umupo ako sa tabi ni mommy kasama ang boyfriend ko. Wala naman kasing katabi si mommy dahil nasa dulo sila kuya.
"So, kailan ang kasal?" Napakunot ang noo ko habang nakikinig. Nakakabigla naman 'to.
"Mommy! May girlfriend ako! Ayaw ko siyang iwan para rito. Ayokong magpakasal sa kan'ya!" Napatingin ako kay kuya Jacob. May girlfriend siya?
"May girlfriend man o wala, you need to marry them." Sabi ni kuya Mike. Tinignan ko si kuya Joshua. Humihiling siyang tulungan ko sila pero hindi ko alam kung paano! Anong gagawin ko? Wala nga akong idea bakit biglang ganito eh.
"Bakit, daddy? Okay naman kasi ang kompanya natin. Bakit kailangan pa ng ganito? Just to make it stronger! I'm not fond of arrange marriage, daddy!" Nagkaliwanag naman ang mga tanong sa utak ko. Kaya naman pala!
"When I said you need to marry them, you need to!" Halos umalingawngaw ang boses ni mommy sa buong dining room. Walang maid na nagbabalak lumapit sa amin kahit na hawak na nila ang mga pagkain. Napakunot ang noo ko. I think I need to say something.
"Mommy, daddy... I think kuya Mike's right. Okay naman ang company, daddy. This merging of companies is very risky, daddy. Are we really going to risk our company's status just for this? I mean, okay naman po tayo nang tayo lang as of now. My kuya's are grown ups already, they can decide on their own. Isa pa, hindi po ba mas'yado pang maaga para magpakasal sila? I mean, yes, I said na grown ups na sila, but that's for decision making. Hindi pa sila handa para sa mga kasalan na gan'yan, mommy, daddy. Hindi ba dapat maging open tayo sa isa't isa para alam natin ang mga opinions natin?" Natahimik ang lahat sa sinabi ko.
"What the hell do you want to say, ms. Orphan?" Napataas ang kilay ko sa sinabi ng babaeng nasa tabi ni kuya Jacob.
"I'm just saying that my brothers don't deserve clowns." I smiled at her. Hindi na napipigilan ang sarili sa mga gustong sabihin.
"How dare you call me that?!" Nanliit ang mata ko.
"And how dare you call me 'ms. Orphan'?" Nainsulto ako kahit na alam kong totoo. Wala siyang karapatan!
"Dahil ayon naman talaga ang totoo." Nakikita ko ang pag aambang magsalita ni mommy pero hindi ko siya pinapaunlakan.
"And you already answered your own question. 'Yon ang totoo and you can't do anything about it, because..." I stopped at the moment. "Truth hurts. Besides, are you that guilty? I didn't mentioned any name and yet, you reacted as if I was talking to you." Naramdaman ko ang pagpipigil ni Chase sa akin mula sa ilalim ng lamesa. Hindi niya ako mapakalma!
"I can't take this as my sister-in-law." She said. I smiled at her, that's right, sister!
"So? No one cares about you, anyway. You can leave anytime you want. Unless, you want to deal with me for the rest of your life."