You, Evil brother!
Isany's Point of View
Nagising ako dahil may mabigat sa ulo ko. Kinapa ko ito at laking gulat ko nang may mga features ito. Paglingon ko ay si kuya Joshua iyon na nakasandal ang ulo sa ulo ko.
Napabuntong hininga ako at tinanggal dahan dahan 'yung ulo ni kuya Joshua. N'ong natanggal ko, sinandal ko siya pero maya maya at bumagsak naman siya sa braso ko! Gusto ko nang magwala pero hindi ko magawa. Tinignan ko sila kuya Mike at nag s-soundtrip sila samantalang si kuya Jacob naman ay tulog pa rin. Tinignan ko naman ang cellphone ko at nakita kong maraming messages iyon.
Chase Ko <3:
Hey?
Chase Ko <3:
Isany Ko?
Chase Ko <3:
Are you asleep?
Chase Ko <3:
Reply if not...
Chase Ko <3:
Hey Isany?
Chase Ko <3:
5 minutes Isany
Chase Ko <3:
Ok Fine
Chase Ko <3:
Just call me when you woke up :*
Pagkabasa ko agad n'ong last message, tinawagan ko siya. Isang ring lang, sinagot niya na agad na parang kanina pa niya inaantay tawag ko.
"Hey Chase! I'm sorry! Nakatulog ako eh. Ahm, may sasabihin ka ba?" Bungad ko agad sakanya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit ba kasi napaka-antukin ko?!
"Hey Isany." Cold na tawag niya sa 'kin. Gusto ko namang umiyak dahil doon. Galit ba siya?
"Galit ka ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtatanong.
"Gusto ko lang sanang magpaalam sayo." Ano ba ang sinasabi niya?! Saan naman siya pupunta?
"Aalis ka?! Iiwanan mo na ako?!" Pigil ang boses ko. Gusto kong sumigaw pero gusto ko ring umiyak. Kinagat ko muli ang labi ko. Kanina, para magpigil ng kilig. Ngayon, para magpigil ng iyak. Ang bilis ng mundo!
"Ikaw naman may gusto nito 'di ba? Pinagbibigyan lang kita." Hindi ko na talaga naiintindihan ang sinasabi niya! Kanina, sa texts niya, ayos naman kami ah? May pa kiss mark pa siya tapos ngayon, nagpapaalam siya? Anong problema ng isang ito?!
"Ako? I never asked you to leave! I never told you to leave me!" Naguguluhan ako! Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi na ako makapag isip nang maayos. Wala pa nga kami, natatapos na agad?
"Sabi mo pa nga sa text, I don't care and please stay away from me! K?" Mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi niya. Did I text him that? Am I sleep texting? And if I am, bakit naman ayon ang sasabihin ko sa text? If nag s-sleep texting ako, if that's even possible, mag I-I love you lang ako sa kan'ya!
"What?! After your call nakatulog na ako! Wala akong naaalalang tinext kita ng ganun! Chase?!" Gusto ko talagang umiyak! Ang bilis bilis ng mga pangyayari!
"Just checked your f*******: and see for yourself." After that, he ended the call. I immediately connect my phone to the car's wifi. 'Pag open ko nito ay tumambad agad ang message sa akin ni Chase kaya binuksan ko iyon.
"Chase sent a picture." Basa ko, Inopen ko ito at tinignan yung picture.
I missed you already
I don't care and please stay away from me! K?
Paulit ulit kong tinitigan ang picture. Hindi ko ito text. Bakit ko naman gagawin ito sa kan'ya? Hindi ako ito! Hinding hindi ko magagawa o masasabi 'yon sa kan'ya!
Binasa ko nang paulit ulit. Narealize ko na lang bigla na hindi ako ganito mag type. Never akong gumamit ng "K." Palaging buo na "Okay". Tumingin ako sa kanan ko. Alam kong siya iyon! Ang bait bait kapag tulog pero kapag bumangon, isang demonyo talaga!
Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinuntok ko si kuya Joshua. Nagising silang lahat dahil doon.
"What is that?!" Tanong ni Mommy. Galit na galit ako kay kuya Joshua at wala akong pakialam kung magagalit sa akin si mommy sa ginawa ko!
"What was that for, Isany?!" Sigaw na tanong ni kuya Joshua habang hawak parin 'yong mukha niyang sinuntok ko.
"Woah, brother. May dugo." Turo ni kuya Mike sa bandang labi ni kuya Joshua.
"What?! Bakit may dugo d'yan?!" Nag aalalang tanong ni mommy, wala akong pakielam sa kanila! Naiinis ako! Naba-badtrip ako! Nababanas ako! Nakatingin lang ako kay Kuya Joshua at gusto ko na talaga siyang patayin at this very moment!
"Ang lakas mo pala manuntok, Isany!" Natatawang sabi ni kuya Edison pero may takot din sa boses niya. Kilala ko sila, kung may isang bagay silang inaalagaan, iyon ay ang mga mukha nila.
"Kaya kung hindi kayo magtitino ng isang linggo, bugbog kayo sa 'kin. Maliwanag?!" Ngayon lang ako nakasapak ng tao. Hinding hindi ko ginagawa ito kahit kanino!
"Opo!" Sabay nilang sabi ni Kuya Mike. Tumingin din sila kay kuya Jacob.
"What?!" Asar na tanong niya. Palibhasa ay naka-earphones kaya wala siyang alam sa nangyayari. Napalingon siya kay kuya Joshua. "Woah, bro, what happened to your face?" Tanong nya kay kuya Joshua. Tinignan ako ni Kuya Joshua nang masama. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Nakakatakot ka, Isany!" Sigaw ni Kuya Mike. Dapat lang talaga kayong matakot. Ilang taon akong nagtiis at hindi nagpaapekto sa mga ginagawa niyo. Punong puno lang talaga ako ngayon at para akong papatay!
"So, you did those?" Kuya Jacob smirked at me, so I also raised my eyebrow and faced him.
"So?!" I rolled my eyes at him. He chuckled a bit and shook his head.
"Lesbian." Bulong niya. Napatingin ako sa kan'ya. Sa lahat ng salitang natatanggap ko, ayan ang pinaka ayaw kong marinig. Lalo na ngayon na galit ako, kaya sinuntok ko rin siya!
Amaze na amaze sa harapan ko sila kuya Mike at kuya Edison. Para bang natatawa pa sila sa ginagawa ko sa mga kapatid ko.
"What was that?!" Nakakainis sila pero hindi si kuya Jacob ang focus ko rito! Si kuya Joshua!
"Ikaw! Bakit mo sinabi kay Chase yon?! Alam mo bang nag-away kami dahil sayo?!" Naiiyak ako habang sinisigawan ang kapatid ko. Ang kapal ng mukha niya!
"So?" Halos walang pakialam niyang tanong sa akin at inayos pa kamo ang mukha niya. Kanina pa niya tinignan ang suntok ko na parang bading at hindi mapakali dahil nagalusan ang mukha niya.
"So?! Wala kang pakielam palibhasa you never learn how to love! Wala kang puso! You, evil Brother! Wala kang pakielam sa kapwa mo! Napaka selfish mo! Bato ka! Manhid ka! Wala kang kwenta!" Sigaw ko sabay salpak ng earphones sa tainga ko dahil iritang irita talaga ako. Gusto ko na talagang umiyak pero hindi sa harapan nila!
--
Joshua's Point of View
"So?! Wala kang pakielam palibhasa you never learn how to love! Wala kang puso! You, evil Brother! Wala kang pakielam sa kapwa mo! Napaka selfish mo! Bato ka! Manhid ka! Wala kang kwenta!" Sigaw niya. Hindi ko alam pero nagulat ako sa sinabi niya. Nagulat ako at may konting kirot akong naramdaman sa mga sinabi niya. Gan'on ang tingin niya sa akin? Na hindi ako marunong magmahal? Ang sakit pala.
"Wala kang alam, Isany." Pabulong na sabi ko. Sinaway kami ni mommy at sinabing tumigil na kami bago pa kami magkasakitan.
Kaya ko nga ginagawa ito sa 'yo, Isany. Dahil sa pagmamahal. Kung hindi ako marunong magmahal, dapat ay wala akong pakialam kahit ano pang gawin ni mommy sa 'yo. Kahit pa ibili ka niya ng bahay at lupa, wala akong pakialam. Pero meron, dahil mahal ko si mommy, at nasasaktan ako dahil mas mahal ka niya kaysa sa akin.
Nang makarating kami sa destinasyon namin, nag unahan silang lumabas. Nauna akong lumabas sa likod at sumunod naman siya. Matapos ang sagutan namin ay hindi na kami nagpansinan. Sinusubukan niyang tawagan si Chase. Napailing na lang ako. Gan'on ba ang epekto ng lalaking iyon sa kan'ya? Handa siyang magsabi ng masasakit na salita at manakit ng tao?
"Isany, kanina ka pa hindi mapakali d'yan, is there something wrong?" Nag aalalang tanong ni mommy kay Isany. Tinignan ko silang dalawa. Ako 'yung nasuntok, mom. Ako 'yung may pasa. Bakit siya ang tinatanong mo kung ayos lang siya?
"Ayaw po kasing sagutin ni Chase yung mga tawag ko eh." Naiiyak na sabi niya. Ayan, si Chase na naman ang bukang bibig! Si Chase na lang palagi!
"Baka naman busy lang. Try mo mamaya. Pakalmahin mo muna ang sarili mo." Sabi naman ni daddy. Napangiwi na lang ako sa kanila. What a happy family that doesn't include any of us.
Napabuntong hininga si Isany at tinago na ang cellphone niya.
"Chase, answer the phone." Nasa kwarto na kami ng rest house. Paulit ulit si Isany habang paulit ulit ding tinatawagan si Chase.
"Isany, kung ayaw, 'wag!" Sigaw ko sa kan'ya.
"Kasalanan mo 'to eh!" Binato niya ako ng unan pero sinalo ko naman ito kaagad.
"Ako na naman ang nakita mo?!" Sigaw ko sa kan'ya pabalik at binato rin siya ng unan.
"Bwisit ka kasi!" Pinagpapalo palo niya ako ng unan kaya naman ginantihan ko siya.
"Parang mga bata." Nagkatinginan kaming dalawa ni Isany at tinignan si Jacob. Sabay naman namin siyang pinalo. Umiiwas siya ngayon.
"Sinong parang mga bata?" Tanong ko at pinalo palo ng unan si Jacob.
"Aray! Teka! Tama na! A-aray!" Tumigil kami sandali ni Isany dahil napagod kaming dalawa sa laki ni Jacob. Napaupo kami at nagpahinga pero maya maya ay kami naman ang pinalo ni Jacob ng unan.
"Akala niyo ba kayo lang?!" Sigaw niya at nagpatuloy sa ginagawa niya.
"What's happening?!" napatingin kami sa pinto at sa mga bagong dating. Nagkatinginan kaming tatlo at ngumiti.
"Isali." Sabi namin tatlo at sinugod sila Mike at Edison. Sinarado ni Isany 'yong pinto at nakisali na rin kaagad.
--
Isany's Point of View
Sana ganito nalang kami parati. 'Yong nagkakasundo kami sa iisang bagay. 'Yong masaya kami sa mga simpleng bagay. 'Yung parang mga bata lang kami na walang pakielam sa mundo. 'Yung nagkakasakitan pero parang wala lang.
"Hoy! Teka, ikaw ha!" Kuya Mike
"Aba!" Kuya Edison
"Ano lalaban pa?!" Kuya Joshua
"Suko na?!" Kuya Jacob
"What is that noise? What the? what happened here?" Napatingin kami kanila daddy na parang nag wo-worry. Nagtinginan kaming lima na parang alam na namin ang gusto ng isa't isa. Sabay sabay naming sinugod sila Daddy at pinagpapalo ng unan.
"Lahat ng pumapasok dito, hindi na nakakalabas!" Pagbabanta ko kay daddy habang natawa.
"Lagot kayo sa amin!" Kuya Joshua
"Humanda na kayo!" Kuya Jacob
Sumigaw naman si kuya Mike.
"Eto na!" Kuya Edison
"Ah gan'on?" Tumayo si daddy at kiniliti kaming lahat. Tumulong naman si Mommy kay Daddy dahil lima kami at malalaking tao sila kuya kaya mahirap.
Nagtawanan kaming lima dahil hindi na kami makahinga sa sobrang kiliti namin sa ginagawa nila mommy. Hanggang sa mapagod sila at tumigil.
"Look at you guys, para kayong mga bata! Ang cute niyo tignan!" Nakangiti si mommy habang tinitignan kaming nakahandusay sa kam.
"Oo nga. Nakakapagod kayo! Tara, ginutom na ako sa inyo." Nagsitayuan naman kaming lima. Tumunog ang cellphone ko pero wala na akong panahon para i-enjoy ang kanta. Hinawakan ni kuya Joshua 'yung balikat ko at ngumiti. Iniwan na nila ako.
Pagtingin ko sa caller, si Chase kaya dali-dali ko itong sinagot.
"Chase! Thank God you called me. Please bati na tayo! Hindi ako 'yon! Si kuya Joshua 'yung nag text sa 'yo n'on! After n'ong call ay nakatulog na ako, please believe me, Chase. I love you!" Halos magpakain ako sa lupa dahil sa tuloy tuloy na pananalita ko. Hindi ko na napreno ang bibig ko sa sobrang frustration, "I mean, I'm sorry..."
"Anong sabi mo?" Fvck! Hindi ko na alam kung paano ko pa ba sasabihin ulit!
"Bati na tayo." Halos basag na ang boses ko dahil hindi ko na napipigilan ang mga luha ko. Gusto ko na lang talaga na magkaayos kaming dalawa!
"Sabihin mo muna 'yung sinabi mo kanina." Nakakahiya! Nahihiya ako para sa sarili ko. Bakit ba kasi walang preno ang bibig ko?!
"Ayoko." Pagmamatigas ko. Mataas ang pride ko. Mas mataas pa sa kahit anong bagay sa mundo.
"Okay madali lang akong kausa---..." 'Di ko na sya pinatapos at nagsalita na ako agad.
"Hindi ko na uulitin 'yong sinabi ko! Hindi ko na ulit sasabihin na mahal kita. Nakakainis ka! Bakit ba hindi mo pa narinig 'yong I love you ko?! Manigas ka d'yan kasi 'di ko na uulitin 'yung sinabi ko kanina! Bakit ba kasi ang tanga tanga mo? Una, naniwala kang ako 'yung nag text sa 'yo n'on. Ngayon naman, hindi mo nagets na mahal kita! Bakit ang tanga tanga mo?!" Halos ilang segundo ang nakalipas bago ko ma-realize ang mga laman ng sinabi ko. Hindi siya tanga, ako 'yong tanga!
"Eh 'di inamin mo ring mahal mo ako." Natatawang sabi niya. Sa sobrang kahihiyan ay binaba ko ang telepono. Bumaba na ako sa dining area.
"Oh, tumawag na ba?" Tanong ni Mommy. Nag smile naman ako at umupo sa pwesto ko. Tumunog ang phone ko pero hindi ko ito sinagot.
"Ba't 'di mo sagutin 'yan?" Namula ako dahil hindi ako sanay na ganito si kuya Joshua sa akin. Muli na namang tumunog ang cellphone ko kaya nireject call ko ulit.
"Baka importante 'yan, Isany?" Sabi naman ni Kuya Jacob. Umiling naman ako at kumain na. Nag message naman siya sa akin kaya chineck ko.
Chase Ko <3:
Answer your phone or I'll court Arianna?
Sunod nito ay ang pagtunog muli ng cellphone ko. Nagulat ako nang hablutin iyon ni kuya Joshua.
"Kumakain po kami, so please, stop calling my sister. Naiistorbo siya! Baka mangayayat siya, sayang ang taba. Sige bye!" Tinapos na niya ang tawag. Gusto kong umiyak dahil ito ang unang pagkakataon na tinawag akong sister ni kuya Joshua.
Natawa naman si daddy sa ginawa ni kuya. Samantalang ako naman ay hinampas siya. Binalik niya sa akin ang phone ko matapos akong pagtawanan.
Kumain na ako at nang matapos ako ay tinawagan ko si Chase. Sandali lang na paghihintay at sinagot niya naman kaagad.
"He---..." 'Di ko pa natatapos 'yung sasabihin ko, binabaan niya naman ako kaagad.
"Bastusin! Bahala ka r'yan." Pumasok ako sa loob at umupo sa tabi ni kuya Joshua. Balak ko sana siyang kulitin. Sinundot sundot ko siya.
"Isany, stop!" And that is just a sign that the world's back to its original place. Tapos na ang alas doseng fairytale ni Cinderella!
Nanahimik na lang ako at tumingin sa T.V.
"Grabe naman 'yan! Ang landi ng babae ha! Mag tatay ang tinitira?!" Paano ba naman kasi, itong pinapanood nilang apat! 'Yung babae ay may ka-holding hands sa ilalim ng table at magkabilang kamay. Hawak nito ang mag tatay.
"Gan'yan ka ba manood, Isany?!" Sinigawan ako ni kuya Jacob. Nanahimik na lang ako ulit. Nilaro ko ang mga daliri ko kaya napatingin din ako sa kamay ni kuya Joshua. Kinuha ko ito at minasahe katulad ng ginagawa sa akin ni mommy.
Tumunog ang cellphone ko. One last shot.
"Kuya, pwede pasagot? Ayaw ko pa kasing kausapin si Chase." Tinignan ako ni kuya Jacob pero agad din akong iniwasan ng tingin. Kaya tumayo na lang ako at sinagot ang tawag.
"Hello?" I said without looking at the caller.
"Congrats." Bungad niya agad sa 'kin.
"For?"
"Tinawag ka na niyang sister ha? Isang araw ka pa lang d'yan"
"Chase, alam mo namang kasama namin si Mommy 'di ba? Sana nga eh. Sana mag tuloy-tuloy na pero mukhang impossible. Si Cinderella nga, hanggang alas dose lang binigay." Sinarado ko na ang pinto ng kwarto.
"You still have me, Isany" Ayan na naman siya sa pagpapakilig niya!
"I know."
"Kuya Chase!" Narinig kong sigaw ni Charisse, ang kapatid niya.
"Oh tawag ka na n'ong baby angel natin. Sige, mamaya na lang. I love you." Hindi na ako nahihiya dahil kanina ko pa sinasabi.
"'Yon oh! I love you too." Tuwang tuwa naman ang mokong na ito!
"Tuwang tuwa ka? First time?" Pang aasar ko sa kan'ya, "Joke lang. Sige na, bye." Pinatay ko na ang tawag.
Bakit gan'on? Sobrang magiging memorable ang rest house na ito sa akin! Ang mga unan na ito. Gusto kong iuwi at ipa-frame para may remembrance ako. Ang kama na ito kung saan kami nagsama-samang pito. Ang sarap sa pakiramdam na may pamilya ka, 'yong malaki. 'Yong hindi ko ramdam na mag isa lang ako.
"Sana... tawagin niyo ulit akong... sister."
Para naman alam kong hindi lang ako ang nahihirapan dito. Para alam kong kayo rin, bibigay na. Sige na oh. Kahit isang beses lang. Paramdam naman.