IV

1572 Words
Confused Isany's Point of View Bakit gan'on? Sino kaya ang parents ko? Hindi ko naman kasi sila hinanap ever since. Bakit pa? Masaya naman na ako rito kanila mommy eh. Bakit kailangan ko pa silang hanapin? Pero, nakakapagtaka pa rin. Ang dami pa ring tanong. Asaan sila? Namimiss ba nila ako? Bakit nila ako pinamigay? Hindi pa naman siguro ako pasaway n'ong bata pa lang ako, hindi ba? So, bakit nila ako iniwan dito? Hinahanap ba nila ako? "Ano ginagawa mo dito?" Tinignan ko ang biglang nagsalita sa tabi ko. Inangat ko ang tingin ko kay kuya Jacob. Mood swings talaga ang isang ito. Parang kanina lang ay ang sungit sungit pa niya tapos ngayon, nagtatanong siya kung bakit ako nandito? Tumabi siya sa 'kin. Nakasunod din pala sila Kuya Joshua sa kanya, tumabi si Kuya Joshua sa kabilang side ko, tapos sina Kuya Mike at Kuya Edison magkabilang dulo. "Iniisip ko lang Kuya Jacob, sino ba ang tunay kong magulang? Tsaka, bakit iniwan na lang nila ako bigla sa tapat ng bahay niyo?" Mukhang nagulat silang lahat sa tanong ko. Umiwas ako ng tingin sa kanila at napatingala na lang sa mga ulap. "Hindi ka ba masaya na kasama namin?" Seryoso si kuya Joshua sa tanong niya sa akin. Napakunot ako ng noo pero hindi ko magawang sabihin ang totoo kong iniisip. Gusto kong sabihin na hindi ako magiging masaya dahil lagi nila akong pinagtutulungan. Gusto kong ipamukha sa kan'ya lahat ng ginagawa nila sa akin. Pero hindi ko magawa... "Hindi naman sa gan'on. Ang sa 'kin lang, hinahanap kaya nila ako? Iniisip? Namimiss? Masaya kaya sila? Parang 'di ko ma-imagine kung anong mangyayari 'pag nagkita kami ng tunay kong magulang." Pero nakakapagtaka lalo ay ang kabaitan nila sa akin ngayon. May binabalak na naman ba sila? "Kapag ba nakita mo sila at nakilala, tapos malaman nila na ikaw 'yung anak nila, tapos 'pag kinuha ka nila sa 'min, sasama ka ba?" Napaisip naman ako sa tanong ni kuya Mike. Natahimik ako dahil d'on. "Depende. Kung ipapaliwanag ba nila sa 'kin kung bakit nila ako iniwan n'ong baby pa lang ako, eh 'di, sasama ako sakanila. pero syempre depende din yun kung acceptable ba yung reason nila pero syempre wag nalang kasi kawawa naman si Mommy maiiwan siya dito chaka wala na rin naman akong balak na hanapin pa sila, ni-hindi ko nga sila kilala eh!" Hindi ko alam kung ano ba talagang desisyon ko pero kasi ayoko talagang sumama. "Eh pano pag binigay ka ni Mommy sakanila??" Tanong naman ni Kuya Edison. "Pag si mommy na mismo nagbigay sakin sakanila no choice ako, baka sumama nalang din ako pero ewan ko ba hindi ko pa naiisip ang mga bagay na yan sa ngayon" Napabuntong hininga nalang ako. — Joshua's PoV Kaninang nag pi-pillow fight kami, hindi ko maintindihan yung feeling ko parang masaya ako na nakakalaro ko si Isany. Nung kumain kami masaya ako na pinalo niya ako at tumawa siya, masaya ako kasi tumawa siya dahil sakin. Nung tumayo si Isany, nakatanggap ako ng text galing kay Jacob From: Bro Jacob Bumibigay ka na ba?  At ngayon ko lang narealize yung pinag gagawa ko, mali to! Pumunta ako sa sala sumunod si Jacob sakin umupo sa gitna namin si Isany. Poke Poke Poke "Isany stop!" Sigaw ko sakanya, nangungulit kasi, baka ma-tuluyan ako at bumigay na ako dito. "Sabi ko nga" Tumingin siya sa T.V. "Hala grabe naman yan! Ang landi naman nung babae Peedo pa! Che mag tatay?!" Ang ingay niya manood! "Ganyan ka ba manood Isany?!" Sigaw ni Jacob sakanya nagulat naman siya, hindi niya siguro expected na sisigawan siya ni Jacob. "Ssh na nga ako eh" tumingin siya sa baba at nilaro ang fingers niya. Napatingin siya sa kamay ko, kinuha niya yun tapos dinaan daan niya yung Index niya sa kamay ko, hinawakan niya ito na parang minamasahe nakikiliti ako pero di ko mapigilang mapangiti habang pasikretong nakatingin sakanya. ~Hi, Girl you just caught my eye~ Paepal na singit kung sino man ang tumawag. "Kuya Pwede pasagot?" Tanong niya kay Jacob. "Tss" Umiwas lang si Jacob ng tingin, tumayo si Isany at sinagot yung caller. Ilang minuto din siyang nawala. "Kuya, wag mo namang sabihing bumibigay ka na?" napatingin ako kay Jacob. "Bro can we just— arghh kilalanin muna kaya natin siya?" suggest ko. "For pete's sake Kuya! It's been almost 13 years simula nung pinahirapan natin siya, ngayon mo pa naisip yan?" sigaw niya sakin "Ayun na nga Jacob eh! Mag 13 years na pero eto siya kasama parin natin hindi mo ba gets na kahit anong gawin natin wala paren?" Lumabas siya, nakita namin si Isany na parang ang lalim ng iniisip. "Huy!" Napatingin kami pareho kay Mike at Edison  "Ano ginagawa mo dito?" napatingin siya samin at tumabi si Jacob sakanya, tumabi ako sa kabilang side niya tapos si Mike at Edison magkabilang dulo "Iniisip ko lang Kuya Jacob, sino ba ang tunay kong magulang? Chaka bakit iniwan na lang nila ako bigla sa tapat ng bahay niyo?" Nagulat kaming lahat sa tanong niya, umiwas siya ng tingin at tumingin sa langit nakakaawa din tong babaeng to eh. "Hindi ka ba masaya kasama namin?" seryosong tanong ko, alam ko namang hindi kasi nga lagi namin siyang pinapahirapan pero malay mo masaya naman siya kahit kaunti. "Hindi naman sa ganun, sakin lang hinahanap kaya nila ako? Iniisip? Namimiss? masaya kaya sila? parang di ko maimagine kung anong mangyayari pag nagkita kami ng tunay kong parents" Sabi naman nito. Bakit nag kaya siya iniwan saamin? Is it destined? "Pag ba nakita mo sila at nakilala tapos malaman nila na ikaw yung anak nila tas pag kinuha ka nila samin sasama ka ba?" tanong naman ni Mike. "Depende kung ipapaliwanag ba nila sakin kung bakit nila ako iniwan nung baby palang ako edi sasama ako sakanila pero syempre depende din yun kung acceptable ba yung reason nila pero syempre wag nalang kasi kawawa naman si Mommy maiiwan siya dito chaka wala na rin naman akong balak na hanapin pa sila, ni-hindi ko nga sila kilala eh!" Hindi ko nagets? Slow ba ako or hindi ko lang talaga nagets yung kaguluhan ni Isany? "Eh Pano pag binigay ka ni Mommy sakanila??" tanong naman ni Edison. "Pag si mommy na mismo nagbigay sakin sakanila, no choice ako baka sumama nalang din ako pero ewan ko ba hindi ko pa naiisip ang mga bagay na yan sa ngayon" Napabuntong hininga nalang siya. Gusto ko man mag sorry sa mga pag hihirap na ginawa namin sakanya pero di ko magawa, umaatras ang dila ko. Tinitigan ko siya, maganda din pala siya. "Pano pag binigay ka ni Mommy pero ayaw namin?" Naging seryoso naman ang mukha niya sa tanong ko, ano masama? NAG TANONG LANG AKO. "Hmm eh mukha ngang pag umalis ako, kayo yung unang matutuwa eh" bulong niya pero rinig ko naman. Sorry Isany. Sorry kung ganito kami. "Siguro nga" Sabi ni Jacob, tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay napa-face palm ako. "DI KO NA KAYAAA!!!" Wala na akong nagawa kasi wala na akong pakielam. "Bumibigay ka na KUYA?!" Sabay sabay na tanong nila sakin. "Kayo?! Hindi pa ba kayo napapagod?!" tumayo ako at pumasok sa loob nakita ko bigla sila mama, nakikinig sila samin. Lagot na kami neto! "Ano yung narinig namin?!" Patay! — Jacob's PoV Sabi ko na nga ba eh, bibigay agad agad yun si Kuya Josh. Pinanganak na sobrang santo! Nakakainis! Samantalang noon siya pa yung may gusto neto. "Ano yung narinig namin?!" Nagkatinginan kaming tatlo nang marinig namin ang boses ni mommy, pumasok kami at nakita namin sila. "Mom, ano po yun??" Painosenteng tanong ni Kuya Josh. "Don't try to tell a lie Joshua Buenaventura!!" sigaw ni Daddy.  "Dad Why me??" Nakita naming bumaba si Isany at tumingin samin. "Ano nangyayari??" Tanong ni Isany. "Isany tell me! Pinapahirapan ka ba ng mga kuya mo??" Tanong ni Mommy Sakanya. Tumingin siya samin at sinamaan ko siya ng tingin. "Don't look at him that way, Jacob! Isany, tell us the truth. Nothing but the truth!! " Sigaw ni Dad, napabuntong hininga si Isany "Dad, mom wala po silang ginagawa sakin. Noon lang po yun pero hindi naman po ganun ka-grabe. Ang bait bait po nila Sakin Mom, dad at sana hindi po ako yung maging dahilan para magalit kayo sakanila kasi Wala po talaga silang ginagawang masama sakin" Tinignan ko yung tatlo Parang di sila makapaniwalang nasabi yun lahat ni Isany. "Isa—" daddy cut Kuya Joshua. "Wag kang magsasalita Joshua hindi kita kinakausap" napatahimik naman si Kuya Joshua "Sorry" Kuya Josh. "Kayong apat! Lumuhod kayo sa may hagdan ngayon na! Two hours kayo dun!" Dad. What the heck?! "But Dad!!!" Kaming apat. Nakakainis naman. "No Buts!" Dad. Wala na kaming nagawa kasi pag si Dad na ang nagsalita, final na talaga yun. Tinignan namin si Isany at nilagpasan siya "Daddy!!! You don't have to do this to them! Wala naman po silang kasalanan!!" Narinig naming sigaw ni Isany. Pakitang tao siya. "Quiet Isany! Or else sasama ka sakanila!!" Sigaw pabalik ni Daddy. ISANY!! WALA KANG KWENTA!!!! PURO KAMALASAN LANG DALA MO SA PAMILYANG TO! · · · · · ¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤ A/n: Puro kamalasan agad?! Tsk tsk tsk! Warning [!] Unedited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD