"I must say, you have a sweet voice," nakangiting sabi sa akin ni Papa Vince habang nakatingin sa akin mula sa driver’s seat.
Betcha by golly wow! Ang kilig ko, abot na yata hanggang outer space. Parang gusto kong tumalon palabas ng sasakyan at gumulong sa damuhan. Ang gwapo mo talaga, Doc! Ang sarap mong igapos at i-display sa sala ko habang nanonood tayo ng Netflix na magkaholding hands.
"Zia, are you okay?" Bigla akong natauhan nang marinig kong muli ang boses niya.
Anak ng tokwa, natulala na naman pala ako?
"H-ha? Ay, oo. Okay lang ako, Doc," nauutal kong sagot sa kanya habang pilit kong nilalabanan ang init sa pisngi ko. Huling-huli na ako sa akto—nagde-daydream habang tinititigan siya na parang siya ‘yung last slice ng cheesecake.
"Good. Akala ko kung napaano ka na. Para kasing ang tagal mong nakatingin sa kawalan. Gutom ka na ba?" tanong niya habang pinapaling-paling ang mata ko, parang nag-aalala talaga.
Tumango na lang ako, kahit sa totoo lang, hindi naman ako gutom. Busog na busog ang mga mata ko dahil sa kagwapuhan niya. Para akong nanonood ng K-drama na may HD filter sa mismong harapan ko.
"Here, eat these brownies. Binili ko talaga 'yan para may makain ka habang bumibiyahe tayo," sabi niya habang iniabot sa akin ang isang maliit na pack ng brownies na sa amoy pa lang ay parang gawa ng professional baker na may PhD sa chocolate science.
"Thank you," I replied with a smile, slowly regaining my composure. Wala nang arte-arte, nilantakan ko agad ang brownies. I mean, come on, paborito ko ‘to!
Habang ngumunguya ako, nagtanong si Papa Vince. "Zia, can I ask you something?"
"Nagtatanong ka na, why will I bother to stop you?" I replied with an impish smile, ginaya ko pa 'yung tono niya kanina.
Natawa siya, ‘yung tawa na parang tumutunaw ng kaluluwa. "Walang agawan ng linya," biro niya.
"Sorry!" sabay tawa ko rin. “Sige na, Doc. Ano ba ‘yan? Spill the tea.”
"It’s not that important, actually," he said, habang medyo nagseryoso ang tono niya. "Pero bago ka mabangga ni Blake, where were you supposed to go?"
"Ah, ‘yon ba?" I chuckled, trying to lighten the mood kahit may kirot akong nararamdaman sa puso ko. "Papunta sana ako sa final interview ko. May application kasi ako bilang accounting department head sa isang malaking kompanya, Stratosight Marketing Corporation. Kaso wala na, too late na para habulin. Wala na ring saysay kasi for sure tapos na ang schedule."
Sa isang iglap, naalala ko na naman ang nasayang kong oportunidad. Parang ulam na nahulog sa sahig—ang sakit. At siyempre, hindi mawawala ang galit ko kay Stupid Driver—este, kay Blake. ‘Yung buong pagkatao ko, gusto ko siyang kulamin! Sana nawala siya sa Google Maps para mawala na rin siya sa buhay ko!
Teka, speaking of Blake… kamusta na kaya ‘yung lalaking ‘yon? Baka naman naanod na papuntang Liliput Island at hindi na makabalik? Sana nga. That will serve him right.
"Oh. That’s a real pain in the neck," ani Papa Vince habang umiiling. "On behalf of my careless brother, ako na ang humihingi ng pasensya sa’yo. Pupusta ako ng sampu, hindi pa ‘yon nagso-sorry sa’yo."
Napailing ako. "Ang galing, kilalang-kilala mo nga ang evil twin—este, ang kapatid mo." I rolled my eyes. "Tama ka. Ni isang sorry, wala akong narinig galing sa kanya. As in zero. Nada. Waley."
"Well, we grew up together, so I pretty much know how he works." Tumawa siya, ‘yung tawang may konting hiya pero may pagmamahal pa rin as a brother.
“Sabi ko nga,” natatawa na rin ako. “Pero wala na eh. Nangyari na ‘yon. I believe things happen for a reason. Maybe hindi talaga para sa akin ‘yong trabahong ‘yon. And don’t worry, nabawi naman ng pagtulong mo ang nakakairitang ginawa ng kapatid mo.”
I smiled at him—‘yung tipong sincere smile na may halo pa ring kaunting kilig.
"You really amaze me," bulong niya habang nakatingin sa akin. "Sa nangyari sa'yo, nakuha mo pang mag-isip nang ganyan?"
My heart skipped a beat.
"If you want," dugtong niya, "I’ll ask Blake to hire you. Sakto, naghahanap din sila ng accounting department head sa Cua Group. Knowing kung gaano kapihikan ang kapatid ko, I’m pretty sure hindi pa rin nila nahanap ang right candidate hanggang ngayon."
What?! Ako, magtatrabaho sa kompanya ng lalaking ‘yon? No. Freaking. Way.
"Naku, Doc. 'Wag na!" Umiling ako habang tumatawa. "Nakita mo naman, mainit ang dugo niya sa akin. Tapos magtatrabaho pa ako sa company niya? Baka wala pang isang linggo, fired na agad ako. Like, day one pa lang, blocked na ako sa elevator access!"
"Hindi naman siguro," sabay tawa niya. “Though... kilala ko rin ‘yun. Kaya gets ko.”
"Sige na lang," ngumiti ako. "Let’s not push it. Baka pati employees niya, allergic din sa presence ko."
"Okay, okay. I won’t insist." He raised both hands in surrender. "Pero I can refer you to some of my other friends. Mga CEO din ‘yon ng iba't ibang kumpanya. Baka may vacancy rin sila. How does that sound?"
"Sounds good." Ngumiti ako, this time mas genuine. "Salamat talaga, Doc. Buti ka pa, busilak ang kalooban. Hindi tulad ng kapatid mo na parang—"
Kinagat ko ang lower lip ko para pigilan ang sarili kong mag-rant pa. Kapatid pa rin niya ‘yon. Baka mao-offend siya. Kahit gaano ako inis kay Blake, hindi ko dapat kalimutan na si Doc Vince ay walang kinalaman sa kabastusan ng kapatid niya.
Pero imbes na mapikon, tumawa lang si Papa Vince. That deep, charming laugh na parang lullaby sa tenga ko.
And just like that, he slowly pulled the car to a stop right in front of my apartment.
"Hey, Zia," he said softly after turning off the engine. "I guess we need to exchange numbers. You know, in case I find a suitable job for you."
He smiled, and damn, that smile was illegal. That should be taxed.
"Okay," nakangiti rin akong sagot. Kinuha ko ang phone ko, pinindot ang contacts, and gave it to him. He typed his number, then called his own phone para maseve na rin niya ‘yung number ko.
"And done," sabi niya. "Message kita once I hear from any of my contacts."
"Thanks again, Doc. You’re seriously a lifesaver."
"No worries. I’m happy to help. And honestly, I’m glad I got to know you. Kahit pa galing sa isang accident ‘yung simula natin."
Napangiti ako.
"Well, minsan talaga, ‘yung mga pinakaweird na sitwasyon, ‘yun pa ‘yung nagdadala ng mga taong worth keeping."
Tumango siya. "Tama ka d’yan."
There was a brief silence. Hindi awkward. Just peaceful.
Then he added, "Take care, Zia. Text me if you need anything, okay?"
"Sure. Ingat ka rin, Doc."
I stepped out of the car, brownies in hand and heart full of kilig. As I walked toward the building, I looked back one last time—at the man who turned my awful morning into something unexpectedly sweet.
And I knew, deep in my gut, that this wasn’t the last time I’d see him.