Chapter 1
Siguro, mukha talaga akong engot. Kanina pa ako nagsasalita mag-isa dito sa sidewalk. Nakakahiya, pero anong magagawa ko? Ganito yata talaga ako kapag kinakabahan.
Nag-try ako ng tip ng kaklase kong si Argel noon—'yung counting backwards from one hundred para raw mawala ang kaba. Okay naman siya nung una. Kaso nung nasa 80 na ako, hindi ko namalayang bumalik na pala akong paakyat. Ang ending? Nasa 125 ako. Wa epek. Pero at least, napa-practice ko ang utak ko sa mental math, right?
Zia Aguas, CPA
Soon-to-be Accounting Department Head, Stratosight Marketing Corporation.
Ang sarap pakinggan. Parang may pangalan ako sa malaking tarpaulin na may nakalagay na: "Welcome to Stratosight's Newest Powerhouse". Over? Maybe. Pero libre mangarap, ‘di ba?
Basta makapasa lang ako sa final interview ko mamayang 9:00 a.m., next week, baka may six-digit na sweldo akong ipagyayabang. Maipapagawa ko na ‘yung dream house ni Mama. Mapapalitan ko na ang ten-year-old kong cellphone, pati ang laptop kong kumakadyot na parang tricycle tuwing nagbubukas ng Excel. Tapos baka... baka may budget na rin para sa konting luho—like weekend spa or maybe a mini staycation sa Tagaytay.
Stratosight, wait for me!
Bitbit ang sling bag at kopya ng resumé, tumawid na ako. Pero bago ko pa tuluyang maabot ang kabilang sidewalk, bigla—
“Aaaahhh!”
Anak ni Mang Gusting Kartero! Ano ‘yon?! May sumagasa sa akin!
Sumubsob ako sa kalsada—lips-to-lips with the semento. Kung may contest ng pinakamasakit na halik, panalo ‘to. Ramdam kong kumiskis ang tuhod ko sa aspalto. Aray!
Tumingin ako sa pinagmulan ng gulo. Isang itim na kotse—Audi, kung hindi ako nagkakamali. Sosyal. Mukhang bago pa. Tapos ‘yung windshield, tinted na tinted. Hindi ko makita kung sino ang driver.
Gigil na gigil ako. Muntik na akong mapatay. Hindi ba niya nakita ‘yung pedestrian lane?!
Lumapit ako, halos hindi alintana ang sakit ng tuhod at talampakan ko. Kumalabog ang puso ko, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa galit. Pinagsisipa ko ang gulong ng kotse.
“Hoy! Ikaw, driver ng Audi... Baba!”
Wala. Deadma.
“Bakla ka ba?! Ba’t ayaw mong bumaba?!”
Hindi ako homophobic. Pero kung minsan, nagiging expression ko na lang ‘yon kapag sobrang asar ako.
Nagmumura na ako sa loob-loob ko habang kinakatok ang bintana. Hindi ko na iniisip kung may dashcam ba siya o hindi. Hindi ko na rin inaalala kung may bodyguard siya sa likod ng upuan. Wala akong pakialam. Naagrabyado ako!
Pagkabukas ng pintuan, bumaba ang driver.
Ang kapal ng mukha.
Tall. Lean. Clean-cut na may slight stubble. Suot niya ang isang light gray na blazer over black shirt, parang fresh from a fashion spread sa GQ. Nakalugay ang medyo kulot niyang dark brown hair, pero mukhang mamahalin ang shampoo. Mahal ang relo, mamahalin ang sapatos.
At ang mukha niya?
Putcha. Pang-teleserye. Pang-cover ng romance novels. Pang-poster ng heartbreak.
Naglakad siya palapit sa akin na parang hindi siya ‘yung muntik nang sumagasa. Chill lang. Wala man lang urgency.
“What the f**k,” bulong niya habang nag-aadjust ng sleeves.
“Excuse me?!” sabat ko agad. “Kung makapagmura ka, parang ikaw ang nadisgrasya!”
Napansin ko ang dugo sa tuhod ko. Sumirit na rin ang sakit sa paa ko. Nanginginig ang lower lip ko—hindi sa takot, kundi sa frustration.
“Tingnan mo ‘to!” turo ko sa sugat ko. “May interview ako mamaya sa Stratosight! Isa ka bang mission talaga para sirain ang future ko?!”
Tahimik siya. Pinagmasdan lang ako. Hindi ko alam kung nawi-weirduhan siya sa akin o naaliw.
Pero hindi ko siya binigyan ng chance na magsalita.
“Anong akala mo sa sarili mo? Na porket naka-Audi ka, hindi ka na pwedeng sisihin? Akala mo ba exclusive subdivision ‘tong EDSA?! Huh?! Moon buggy ba ‘yang kotse mo at akala mo ikaw lang ang tao sa daan?!”
Naglalagablab ang mga mata ko habang nilalabas ko lahat ng galit ko. Hindi ko ininda ang panginginig ng boses ko o ang dami ng tao sa paligid.
Tumingin lang siya sa akin. Bahagyang nakakunot ang noo.
“Miss, are you done?” malamig niyang tanong.
“Excuse me?!” galit kong balik. “Hindi mo ba naririnig? Sugatan ako. May interview ako. At ikaw ang dahilan kung bakit mukhang parang pinulot ako sa kalsada!”
Tumitig siya. Matagal. Parang tinitimbang kung worth it ba akong sagutin.
Then finally, he sighed.
“Do you want me to bring you to the hospital or not?” tanong niya, kalmado pero may halong inis.
“Hindi ko kailangan ng hospital. Ang kailangan ko, makarating sa interview ko. On time!” singhal ko.
“Then let me take you there,” sagot niya, sabay bukas ng pinto ng kotse.
“Huh?” Napakunot noo ako.
“You’re obviously in no condition to walk,” sabay tingin sa paa kong may gasgas. “I’ll take you to Stratosight. And no, I’m not a kidnapper.”
“Sino ka ba? Driver ka ba talaga?”
Bahagya siyang ngumiti. Mataray na ngiti. Parang may tinatago.
“Let’s just say, I know where Stratosight is,” sagot niya habang lumalapit.
Nag-aalangan ako. Hindi ko siya kilala. Baka stalker. Baka psycho. Pero… tinawid niya ang traffic para lang harapin ako. Tsaka mukha naman siyang hindi serial killer.
Ang problema, mukha rin siyang temptation. Hindi makatarungan ang porma niya. Hindi rin patas ang itsura niya. Lalo na ngayon, habang nakatitig siya sa akin, hawak ang pinto ng kotse niya na parang inaanyayahan akong sumakay sa sariling version ko ng modern-day fairytale—with a very pissed off but gorgeous prince.
“Zia.” Pigil ko sa sarili ko habang lumalapit sa passenger seat. “Wag kang tanga. Pero... late ka na.”
Sumakay ako.
Hindi siya nagsalita habang binabaybay namin ang kalsada. May faint na amoy ng leather at wood sa loob ng kotse, mixed with his cologne—subtle pero nakaka-distract.
Minsan ko siyang sinulyapan. Ang profile niya, flawless. Tapos ‘yung kamay niya sa manibela, firm pero relaxed.
“So… anong pangalan mo?” tanong ko, naglalakas-loob.
Hindi siya tumingin sa akin.
“Blake,” sagot niya.
“Blake lang?”
Bahagya siyang ngumiti. “For now.”