Chapter 2

1107 Words
“Hop in to my car.” He said in obvious panic. Ha! Spell taranta. Dapat lang sa’yo 'yan. Ano raw? “I said, hop in! Go signal na, can’t you see?” Hala. Narinig niya yata ang sinabi ko sa sarili ko! I wanted to vanish right then and there. Matalino man ako sa academics, hindi ko alam kung paano maging invisible. “Get in!” sigaw na niya. Halos lumobo na 'yung ugat sa leeg niya sa inis. “Eto na nga!” sigaw ko rin, hindi nagpatalo. “Excited ka? Sorry, ha? Ako kasi ang tanga na nakabangga ng isang walang kamalay-malay na pedestrian!” Kumalma bigla si Kuya. O, ‘di ba? That serves him right. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse, pinaharurot agad niya ang takbo. Bastos talaga! Para akong nalunod sa hangin. Nauntog pa ako sa gilid ng pinto—literal na dent na yata ang iniwan ng ulo ko ro’n. Masakit din 'yong untog ha? And for the record? Nakakarami na ng damage si Stupid Driver sa akin! Mamaya ka lang. Pero teka lang... Saan ba ako dadalhin ng ugok na ‘to? Akala ko dadalhin niya ako sa Stratosight Marketing Corporation. Doon ang interview ko. Alam niya ‘yon, 'di ba? Pero bakit parang... paiba ang ruta? Hindi kami papuntang business district! Lumiko kami sa side street papunta sa lugar na mas tahimik, mas upscale ang vibes. Bago ko pa siya mapagalitan ulit, huminto ang kotse sa harap ng isang malaking white building na parang lumabas sa Korean drama: minimalist na façade, malinis, may fountain pa sa harap. May malaking signage na Ayala-Cua Medical Center. WHAT. THE. HELL. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mapapamura. Gusto kong mainis pero ang classy ng ospital, promise. Parang kahit magkasugat ka rito, feeling mo naka-lotion ‘yung betadine. “Why are we here?” tanong ko, kalmado pero may halong pandidiri. “I said I need to go to Stratosight, not St. Luxurious!” “Your ankle’s obviously sprained,” sagot niya habang binubuksan ang pinto sa side ko. “You’re limping. You can’t even step properly.” “So? Hindi mo na ‘ko tinanong! Di mo ba alam na may interview ako doon? That was the whole point of this day!” Tumigil siya. Tumingin sa akin. “Time check, Miss?” he said, habang inangat ang wristwatch niya na mukhang triple ng worth ng tuition fee ko sa college. Tiningnan ko rin ang phone ko. 8:50 AM. Malapit nang mag-9:00. BOOM. Parang binagsakan ako ng langit. Nawala ang hangin sa dibdib ko. Kasabay ng pintig ng sugatang paa ko, parang tinadyakan din ang puso ko. Huli na. Wala nang pag-asa. Nag-crash lahat ng pangarap ko for today. The title of the dream: Accounting Department Head, Stratosight Marketing Corporation — canceled until further notice. Whatever. Kahit masakit, pilit kong inangat ang baba ko. Zia Aguas doesn’t cry over spilled interviews. Kahit gustong-gusto ko 'yong trabaho. Kahit ilang araw akong nag-review ng mga financial scenarios at company background nila. Kahit kabisado ko pa 'yung mission-vision ng Stratosight pati core values nila. Hindi ko siya papakita na affected ako. Maybe… maybe hindi talaga para sa akin ‘yon. Baka may mas magandang company. Hindi naman sa pagmamayabang, pero may ibubuga naman ako bilang certified public accountant. Galing ako sa top university, at c*m laude pa. Pero ngayon, isang malaking INTENSITY 9 ang nararamdaman ng ankle ko. Hindi ko na kayang tumayo. Kaya nakakapit na lang ako sa side ng kotse, parang lasing na naghahanap ng poste. “Hey,” tawag niya. “Come on. Baka abutin tayo ng alas-dies kung hindi ka pa aalis diyan, Miss.” “Tumigil ka nga.” Napalakas ang boses ko, halos masakit na rin lalamunan ko kakabulyaw sa kanya since earlier. “Ikaw nga ‘tong may kasalanan, ang lakas pa ng loob mo mag-utos.” Nagtaas lang siya ng kilay at lumapit sa akin. Hala. Bago pa ako makapalag, yumuko siya at tinangkang buhatin ako. AS IN BRIDAL STYLE. “HOY!” sigaw ko. “Ano ‘tong ginagawa mo?! May camera ba to?! Is this a prank show?!” Hindi siya sumagot. Malakas siya. At ang weird—mabango siya kahit pawis. Hindi ko alam kung anong klaseng deodorant or pheromones ang gamit niya pero nakakalito. “Hindi ako princess, okay?!” sigaw ko habang nakayakap na rin sa leeg niya for support (kasi wala akong choice kundi kumapit). “Noted,” bulong niya. Sarkastiko. Bwiset. Pagpasok sa lobby ng Cua Medical Center, nagkatinginan ang mga nurse. May isang girl sa reception desk na napalunok. Obvious ang kilig sa mukha niya nang makita si Blake. Ah, so hindi lang ako ang naapektuhan sa presence ng lalaking ‘to. Hindi siya ordinaryong driver. Hindi siya simpleng mamang nakabangga ng pedestrian. He’s someone... important? Uh-oh. “Please accommodate her immediately,” sabi niya sa nurse. “She had a minor road incident. Might be a sprain or minor fracture. Have the ortho check her.” “Yes, sir!” parang nasa military ang nurse sa bilis ng response. Wait—‘sir’? Bakit parang kilala siya dito? Bago ako dalhin sa wheelchair, siniko ko siya sa tagiliran. “Sino ka ba talaga?” tanong ko, pabulong. “Doktor ka ba rito? Board member? Nagmamay-ari ka ba ng half ng ospital?” He gave me a smirk. Mataray na ngiti. The type na parang sinasabi: "You’ll find out when I want you to." “I’m just a concerned citizen,” sagot niya. “And for the record, hindi ako thrilled na binulyawan mo ako sa gitna ng kalsada.” “Oh, sorry ha?” sagot ko, rolling my eyes. “Ako pa rin pala ang masama. Kahit ako ang nabundol, nauntog, nasira ang araw, at nawalan ng future.” Tumawa siya, pabulong, parang naaaliw sa inis ko. “Ang lakas ng drama mo. Nakakaaliw ka.” “Hindi ito aliwan, kuya. Trauma ito.” Isinakay na ako sa wheelchair ng nurse, habang si Blake ay bahagyang yumuko para itama ang strap ng bag ko na nadulas sa balikat. “You’ll be fine,” bulong niya, this time mas sincere ang tono. “I’ll wait outside.” At sa hindi ko maintindihang dahilan… Nag-thank you ako. Pabulong lang, at sigurado akong hindi niya narinig. Pero ang mas hindi ko maintindihan… Bakit parang may kung anong shift sa hangin nang sabihin niya 'yon? Parang kahit ilang sira ang dinulot niya sa araw ko—untog, sugat, at canceled dream—may kung anong tiny voice sa loob ko ang nagsasabing… “Hindi pa ‘to ending.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD