Chapter 3

1345 Words
Hay, salamat. Natapos din. Kaunting ikot na lang ng bandage at makakawala na ako rito. Medyo banayad ang paggalaw ng doktor habang niro-roll niya ang last layer ng bandage sa paa ko. I had to admit, kahit masakit, he was surprisingly gentle. "Pwede na po ba akong umalis?" tanong ko kay Doc Pogi — a.k.a. the doctor with the perfect brows — matapos niyang paikutan ng bandage ang ankle ko. He looked up at me with that maddeningly kind smile. “Nope. Not before magamot ko ang mga gasgas sa braso at mukha mo.” Napakurap ako. That smile should be illegal. In fairness, charming siya. Medyo disarming. Pero hindi ako padadala sa isang ngiti lang, ‘no? Tumango ako nang dahan-dahan. I glanced down at my scraped arms. Sige na nga. Hindi ko naman kayang gamutin ‘to ng Betadine lang sa bahay. May mga sugat akong mukhang kayang humiwa ng pride. Habang abala si Doc Pogi — este, Dr. Vince Allen Cua — sa paghahanap ng mga gamit sa tray, pinili kong igalaw ang ulo ko palayo sa kanya. Hinahanap ko si Stupid Driver. Oo, siya nga. Ang lalaki na dumiretso sa pedestrian lane na parang may death wish. Ako ‘yung nadamay. Ako ‘yung bumagsak. At ngayon, baka ako pa ang magbayad ng hospital bill. Nasaan na siya? Seryoso? Tinakasan niya na ba ako? Baka dinala lang ako rito for show, tapos iniwan na. Ang ending? Ako ang magbabayad sa mamahaling Stratosight Medical Center. Ang fancy pa naman ng ospital na ‘to. Kahit elevator nila amoy imported disinfectant. Pucha. Kung totoo nga na iniwan niya ako, baka limang buwan kong suweldo ang kapalit ng check-up at pa-bandage dito. Ayoko na. Sumpa ko talaga, never again akong maglalakad sa pedestrian lane na walang CCTV. “Miss, are you alright?” tanong ni Dr. Vince, na ngayon ay nasa tabi ko na uli at may hawak na tray ng mga panglinis ng sugat. “Hindi naman masakit ang mga ilalagay kong gamot sa mukha at braso mo. Trust me.” Bigla akong natauhan. Halata niyang ang layo ng iniisip ko. I smiled awkwardly, pero sigurado akong awkward din ang ngiting ‘yon. Parang bata na nahuli sa kalokohan. Kung sabihin ko kaya ang totoo? Na wala akong pambayad? At all. Zero. Nada. Baka pwede siyang pumayag na IOU muna. I mean, mukha naman siyang mabait. Kahit na obvious na he owns at least three colognes that smell expensive as hell. "Hey. Namumutla ka na riyan," sabi pa niya, this time his tone more serious. “Do you want some water? Tell me, is your foot still hurting?” I opened my mouth to answer, pero dry na dry ang lalamunan ko. “Ah, eh… kasi po…” Kainis. Pilay na nga, bulol pa. Ano ba ‘to, telenovela? Mas kabado pa ako ngayon kaysa noong final interview ko sa Stratosight Marketing. Okay. This is it. Sasasabihin ko na talaga. In three, two, one— “Bro, aren’t you done with her yet?” Holy. Freaking. Heavens. Biglang bumukas ang pinto ng ER room, and there he was — Stupid Driver. Alive. Breathing. Smirking. Wearing a navy blue polo na parang straight out of a men’s fashion magazine. So… hindi niya ako tinakbuhan? Ohmygosh. Nabuhay bigla ang puso ko. Huwag na nating pag-usapan kung bakit. Pero to be honest, I couldn’t be any happier today than the moment I saw him at the door. Ligtas ang pera ko! Hallelujah. “Blake, couldn’t you be more patient?” saad ni Doc Vince sabay lingon sa kapatid niya. “Give me some moment to fix her face and arm. Tingnan mo nga itong si Miss, namumutla na. Akala yata tinakbuhan mo ang gastos sa pagpapagamot sa kanya.” Oh my goodness. Napakapit ako sa gilid ng kama. Paano niya nalaman? Nagbabasa ba siya ng isip? “Dr. Vince Allen Cua, anong gastos ang sinasabi mo riyan?” sagot naman ni Blake habang papasok siya sa kwarto, nakangising parang siya pa ‘yung nasaktan. “Kaya ko nga siya dinala rito dahil alam kong libre ang serbisyo mo.” Libre? Wait. Libre? “May I remind you, Atty. Blake Andrei Cua—” “Don’t forget the CPA,” singit ni Blake, proud na proud pa. Napailing na lang si Doc Vince habang pinipigilang matawa. “As I was saying, let me remind you na wala nang libre sa mundo ngayon. Pero sige, hindi kita sisingilin ng cash. I have some other payment mode put away for you,” sabay kindat. Napasimangot si Blake. “Ayoko ng utang na loob sa ‘yo. Baka i-require mo pa akong mag-cover sa shift mo sa charity clinic sa Quiapo next Saturday.” “Well… not a bad idea,” bulong ni Vince habang inaayos ang swab sa tray. Ako? Out of place na out of place. Nasa gitna ako ng dalawang Greek gods na nag-aasaran in the middle of an ER. Pero ang hindi ko pa rin maka-get over? Ang gaganda ng mga pangalan nila. Dr. Vince Allen Cua. Atty. Blake Andrei Cua, CPA. Hindi mo aakalain na ang lalaking almost binangga ako ay isang certified public accountant and a lawyer. Kabog ang LinkedIn profile ko. Tapos kapatid pa niya si Doc Pogi. Napatingin ako sa kanila pareho, then back sa sarili kong braso. Mukha akong tinapon sa asphalt. Yung tipong kung i-post mo ako sa social media ngayon, mag-iisip ang mga tao kung nabugbog ba ako o nadapa. Huminga ako nang malalim. “Miss, ano nga pala ‘yung sasabihin mo?” tanong ni Doc Vince sabay lingon muli sa akin. “Sorry ha, ang hilig kasing sumabat nitong kapatid ko.” He gave me another smile. Yung tipong parang gusto kong maniwala na everything will be okay kahit duguan ako. Ngunit hindi ko na rin nagawang sumagot. I just stared back and forth sa kanilang dalawa. Parang biglang nawala ang sakit sa sugat ko. Kasi ang mas masakit? Ang realization. It’s official. Today, I just met the two most drop-dead gorgeous men I’ve ever seen in my entire twenty-four years of existence. One’s a doctor. The other’s a lawyer-s***h-accountant. And they’re brothers. My love life just went from “wala talaga” to “complicated but aesthetically pleasing.” Kinuha ni Doc Vince ang swab at marahang nilinis ang gasgas sa pisngi ko. Napangiwi ako nang kaunti, pero in fairness — hindi siya sinungaling. Hindi masakit. Habang nililinisan niya ang sugat ko, pansin kong hindi pa rin umaalis si Blake sa tabi ng pintuan. Nakapamulsa lang siya, pero kitang-kita sa mga mata niyang he was watching me carefully. Maybe checking kung okay pa ‘ko. Or maybe checking if I’m about to explode. “Pasensya ka na, ha,” sabi ni Blake after a while. “I didn’t mean for you to get hurt kanina. I was distracted. Alam kong kasalanan ko.” Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya. For the first time, wala ‘yung nakangising expression sa mukha niya. Just pure sincerity. Medyo nabigla ako. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang sorry mula sa isang lalaking tulad niya — yung aura niya kasi, parang hindi sanay humingi ng paumanhin. Parang laging on top of everything. Control freak, lawyer vibes. “Okay lang,” sagot ko, mahinang-mahina. “Medyo masakit lang ‘yung paa ko. Pero I’ll live.” Ngumiti siya. Maluwag. “Good. Kasi I owe you a decent meal after all this. Maybe dinner?” NAPAKAKAPIT AKO SA KAMA. Dinner? Doc Vince cleared his throat habang nilalagyan ako ng ointment. “Blake…” “Okay, lunch then,” dagdag niya, this time mas matamis ang ngiti. Sino ba ‘tong taong ‘to at bakit siya parang taning na sa puso ko? Napalunok ako. Oo na. Fine. Kahit na Stupid Driver siya kanina, he did bring me to a hospital. And apparently, he owns the hospital, or at least has a brother who practically runs it. Is this the universe trying to say something? Or is this just my pain meds talking?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD