Pumunta na ng bar si Lala. Katulad ng dati, nakasuot na ito ng maikling damit na napakafit sa kanya na halos nagmumukhang walang saplot ito. Sa pang - itaas naman niya ay napaka-daring na kita ang cleavage. Isinuot rin niya ang wig nito na kulay pink. Mapula ang kanyang labi at makapal ang make up. "Yana, may costumer ka.." tawag kay Lala. "Huh?" Napalingon si Lala sa manager na nagtataka. Isang beses lang siyang pumayag noon na may kikitaing costumer. "Anong ibig sabihin nito?" "Ano ka ba Lala... pagkakataon mo na ito para kumita ng pera at makilala. Malay mo, magdadala ang costumer mo ng swerte!" Sagot ng manager. "Ano? Swerte? Paano nangyaring swerte?" "Hay naku, ang arte nito. Swerte mo nga at may kumuha sa iyo kesa sa ibang entertainer." "What do you mean?" Napataas ng kilay si

