Bumalot ang katahimikan sa lugar bago nagsalita si Abby sa kaibigan. Hindi na natiis ni Abby na hindi sabihin kay Lala ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. "Lala, may sasabihin ako sa iyo. Pero ipangako mo na wala kang pagsasabihan, kahit sino!" Napakunot noo si Lala na di maintindihan si Abby. Na-curious tuloy siya. "Ano pala iyon?" "Ipangako mo muna!" paniniguro ni Abby sa kaibigan. "Pati kay Maggie? Ililihim ko rin?" Tanong ni Lala. Napatango nalang si Abby. Kaya walang magawa si Lala at sumang-ayon ito sa sinabi ni Abby. "Sige.. " Hinawakan ni Abby ang kanyang tiyan at napansin iyon ni Lala. Kahit hindi nagsalita si Abby ay nahalata na ni Lala ano ang aaminin nito. "Buntis ka Abby?" Diretsong napatingin si Abby sa mga mata ni Lala na tila nagsasabing oo. "Sino ang ama? Si Pau

