Sinundan ni Abby ang mga talulot ng bulaklak na patungo sa elevator. Nakasuot lamang siya ng damit pang-hospital na kulay puti. Tahimik ang paligid at walang ibang tao kahit mga nurses. Medyo kinakabahan si Abby sa pagsunod rito. Pero habang tumatagal ay na-curious na siya. Palingon -lingon siya sa likod habang naglalakad sa pasilyo dahil baka may sumusunod sa kanya. Pumasok siya sa elevator at may stickynote na naman roon. Gusto siyang papuntahin sa rooftop ng hospital. Bakit kaya? Anong meron? Sino ang nasa likod nito? Talagang nagtataka si Abby. Natatakot man siya ay nagpatuloy pa rin ito. Umakyat siya patungo sa rooftop. Pagkarating niya roon ay napakatahimik ng lugar. Sinimulan nyang humakbang at nilibot ang kanyang paningin sa buong paligid. Namangha siya sa ganda ng tanawin roon n

