Chapter 1

3443 Words
Lunes na mag-usap sa videochat ang tatlong magkaibigan na sina Maggie Cello, Lala Dion at Abby Maureen. Matagal na magkaibigan ang tatlo at pagkatapos ng kolehiyo ay hindi na sila nagkita muli. Tinawagan agad ni Maggie ang kanyang boyfriend na isang CEO ng isang kompanya na si Kristoff Walter. Sa mukha at tinding palang ay talagang mapatitig ka talaga sa binata. Aakalain mo talaga na isa itong celebrity o di kaya artista dahil sa kagwapuhan nito at may matiponong pangangatawan. He is actually the son of a rich family at ang tagapagmana ng Walter Group. "Hello babe, are you busy this Sunday?" Tanong ni Maggie sa boyfriend nitong nasa opisina. Sumagot naman si Kristoff na nakaupo sa kanyang business chair, " I will check with my secretary what are my scheds.." May kumakatok sa pinto ng opisina ni Kristoff. "I will call you back babe." Inilagay niya ang cellphone nito sa mesa. "Pasok.." Pumasok ang isang staff ni Kristoff sa opisina nito. "Sir, may pinabibigay po ang inyong secretary.. isang resignation letter." "Ano?" gulat na reaksyon ni Kristoff. Agad nagkasalubong ang mga kilay nito.  Inabot niya ang sulat sa boss at binasa ng binata ang laman ng resignation letter nito. Pagkatapos niyang basahin ay inalapag lang niya ito sa mesa. " Okay, hire another one!" "Yes sir!" Samantala, umuwi na si Abby sa kanyang unit. Bakas sa mukha nito ang pagod. Binuksan niya ng dahan - dahan ang pinto. Sa pagbukas niya ng pinto ay biglang sinalubong sya ng isang sorpresa. "Surprise!" Nagulat si Abby sa ginawang pagsorpresa ni Paul David na kanyang boyfriend. Si Paul ay naging schoolmate nito noong kolehiyo. May duplicate na susi si Paul kaya anytime ay nakakapasok siya sa unit ni Abby. "Aie, butiki!" gulat na sabi ni Abby ng makita ang confetti. "Ano ito? Hindi ko naman birthday.." Sumagot naman si Paul, " Hindi mo nga birthday but gusto lang kitang sopresahin at batiin.." Napangiti si Abby na pumasok. "Thanks.." Napahawid tuloy sya sa kanyang buhok sa may tenga. Niyakap naman agad ni Paul si Abby mula sa likod. "Kumusta ang mga interviews?" "Okay naman. Tatawagan lang daw nila ako."sagot ni Abby. "Nice to hear that..sigurado, matatanggap ka. Ikaw pa!" Napatingin sila pareho sa isang drawing na nakapaskil sa dingding. Isa itong drawing ng isang bahay na may dalawang palapag at may malawak na hardin. "Matutupad na rin ang ating mga pangarap. Bubuuhin natin ito." wika ni Paul na yakap-yakap ang kasintahan. "May gagawin ka ba sa Linggo?" tanong ni Abby. "hmmm.. Wala naman. Bakit pala?" " Magkikita kita kami nila Lala at Maggie. Isasama rin nila ang kanilang mga boyfriend." "Ganoon ba.." Humarap si Abby sa boyfriend. Hinawakan niya ang pisngi ng binata. "Ito na ang tamang pagkakataon para malaman nila na tayo na." "Hindi mo pa pala sinasabi sa kanila?" "Gusto kong masorpresa sila. Sigurado ako, hindi nila aakalain na boyfriend ko na ang sikat na football player noong college na si Paul!" Napangiti si Paul. "Sige, pupunta ako.." "Dapat lang!" wika ni Abby sabay yakap sa kasintahan. ----- Pinuntahan naman ni Lala ang boyfriend nito sa kanyang maliit na coffeeshop. Si Jerick Brett ay may maliit na business at ito ay isang coffeeshop at sa pangalawang palapag nito ay ang kanyang bahay. Medyo blond ang hair at nakasuot ito ng pabilog na eyeglasses. Excited na pinuntahan ni Lala ang bf nito. Nakasuot ng jacket at denim pants si Lala with matching rubber shoes. "Babu!" tawag ni Lala. Sinalubong si Lala ng isa sa katiwala ni Jerick sa shop na si Wendy. "Kayo po pala Miss Lala..." "Nasaan si Jerick?" tanong ni Lala. "Nasa itaas po." "Okay, pupuntahan ko nalang siya.." But pinigilan siya nito, "Miss!  Teka lang!" hinawakan ni Wendy ang braso ni Lala kaya napatingin ang dalaga. " Bakit mo ako pinipigilan?" nakataas ng kilay si Lala habang kinakausap ang katiwala. " Sabi kasi ni Sir, hindi po siya pwedeng distorbuhin." " I'm her girlfriend kaya pwede ko siyang puntahan at distorbohin!" astig at matapang na sagot ni Lala. Hindi na pinigilan ni Wendy ang dalaga at binitawan na niya ang braso ni Lala. Pinutahan agad ni Lala ang kasintahan sa itaas. "Babu!!" Sa loob, nanonood ng mga videos si Jerick. Habang nanonood ito ay hawak hawak nito ang kanyang alaga. Pakagat - labi itong nanonood ng p*rn movies. "Oh my... Ugh---" napapaduling na ito sa ginagawa sa sariling alagang tayong - tayo na. "Ugh---" Patuloy sa pagtawag ni Lala sa kasintahan na nasa loob. "Babu!" Sa malayo palang ay narinig na ni Jerick na may paparating kaya nagising na ito at nanlaki ang mga mata. " Oh sh*t! Si Lala!!" natatarantang iniligpit ang mga gamit at ang video. Itinapon rin niya ang mga tissue papers na gamit gamit nito kapag nilalabasan. Binago niya ang video at ginawang isang video games ang nasa monitor. Inayos rin niya ang sarili at ang suot nitong polo. Kumatok si Lala at ipinihit ang doorknob. "Babu!" Agad namang binuksan ni Jerick ang pinto. "Lala!" nakangiting salubong nito. Inayos rin niya ang kanyang eyeglasses. Niyakap naman agad ni Lala si Jerick. "Namiss kita babu! Namiss mo ba ako?" "Syempre naman.. Namiss kita!" "Haist, bolero!" sabi nI Lala sabay tapik sa may balikat ng kasintahan. " Napadalaw ka?" "Tuloy na ang pagkikita namin sa Linggo." balita ni Lala. "Ganoon ba. That's great!" "Anong ginagawa mo pala at bakit ang sabi ng katiwala mo ay hindi ka raw dapat distorbohin?" tanong ni Lala. Napakamot nang ulo si Jerick at napapautal, "Uhmm.. may ginagawang work.. Este paper works."pagpapaliwanag nito. "hmm.. Ganoon ba?" nakangusong ani ni Lala na medyo lumibot ang paningin sa paligid. Sumilip pa si Lala sa may sala at nakita ang naka-on na tv. "eh, bakit naka-on ang tv at video games?" "Di kasi ako makaconcentrate kaya naglaro muna ako." "okay.." Ipinulupot ni Lala ang kamay niya sa braso ni Jerick at nilalambing nito ang kasintahan. "Huwag mong pababayaan ang kalusugan mo babu.. Okay?" "Syempre naman baby.." Nakahinga na ng malalim at gumaan ang pakiramdam ni Jerick kaya pangiti - ngiti na itong sinamahan ang kasintahan sa sala.  ------- Pumunta ng department store sa isang mall si Abby para bumili ng regalo para sa boyfriend niya na si Paul dahil sa bago nitong trabaho sa isang architectural na kompanya. "Ano kayang magandang regalo para sa kanya? hmm..." tanong ni Abby sarili. Napunta siya sa isang mga binibentang relo. Lumapit ang isang saleslady sa kanya. " Ano po ang hinahanap nila?" "Uhmm.. Kasi.." naguguluhang sagot ni Abby. " Ireregalo ko sana.." "Para kanino po? Sa boyfriend ninyo?" Napatingin si Abby sa saleslady at napangiti, " Ganoon na nga!" "Ah, ganoon po ba. May isusugest po ako.." May kinuha ang saleslady na mga kahon ng relo. Medyo na-curious si Abby at napantingin lang ito at naghihintay sa kanya. " Heto po miss.. Bagay ito sa inyo, isang couple watch." "Wow!" Namangha si Abby sa pinakitang mga relo. "Ang ganda!" "Tamang tama po iyan." " Sige, bibilhin ko." Hindi na mapinta ang mukha ni Abby sa kasiyahan. Excited na itong maibigay ang sorpresang regalo nito sa boyfriend niya. "Talagang matutuwa siya nito." Binili na ni Abby ang couple watch. Hawak na niya ang paperbag na naglalaman ng box. Ang saya nitong dala ang biniling regalo. Sa paglalakad niya ay nakasalubong niya ang isang kaibigan. "Abby!" tawag sa kanya. Napalingon si Abby at nakita ang tumawag sa kanya. " Meimei?" "Abby!" sigaw nito sa kagalakan na makita ang isang kaibigan. Niyakap nila ang isa't isa. " Kumusta ka na Meimei?" " Okay lang ako, ikaw Abby?" "Okay lang rin naman." " Saan ka na ngayon nagtratrabaho? Same pa rin ba?" dagdag pa nito. " Hindi na. Sa ngayon, naghahanap pa ako. Pero may mga interviews na at kailangan ko nalang maghintay ng kanilang mga tawag.." kwento ni Abby. "Ganoon ba. Sayang, baka gusto mong mag-apply sa kompanya na tinatrabahuan ko. Hiring ng secretary." " Huh?" " Pwede kitang irecommend. Asap kasi ito. Baka gusto mo?" Natahimik si Abby at mukhang nag-iisip. " Try mo lang habang naghihintay sa mga kompanyang inapplyan mo." " Secretary ka mo?" " Oo, di ba naging secretary ka na rin sa isang kompanya bago ka lumipat rito. So kayang kaya mo na iyon!" "Pag-iisipan ko." "Sige, kung nakapadesisyon ka na na susubukan, tawagan mo ako agad. Kung maaari, as soon as possible.. Baka kasi maunahan ka pa. Mahirap na." Napangiti si Abby sa kaibigan. "Sige, salamat!" -------- Nasa isang massage spa si Maggie kasama ang isang kaibigan na si Betty. Nakahiga sila sa isang kama habang minamasahe ang likod. "Sasamahan ako ng bf ko. Ikaw, sasamahan ka ba ni Mr. Right sa pag-shoshopping ngayon?" tanong ni Betty kay Maggie. "Syempre naman. Wait at tatawagan ko siya," sagot ni Maggie. Tinawagan ni Maggie si Kristoff sa kanyang phone. Nagring ito sa kalagitnaan ng isang meeting sa opisina. Napatingin lahat kay Kristoff na syang nakaupo sa unahan. " Excuse, I will just answer my phone." Sabay tayo si Kristoff at umalis sa silid. " Hello babe?" nakangiting bati ni Maggie sa kasintahan. " Babe, Im on a meeting. Bakit ka ba napatawag?" " Samahan mo naman ako magshopping ngayon. It will be a double date with Betty and her bf." "Babe, may inaasikaso kami sa kompanya ngayon. May meeting rin ako. Sorry babe di kita masasamahan." "Haist!" nakasimangot na reaction ni Maggie. Natatawa naman si Betty habang pinagmamasdan ang expression ng mukha ni Maggie. "Babawi nalang ako sa iyo. I need to hang up the phone. I need to go back sa meeting." " Okay." " Sige." He cancelled the call. " Love you!" wika ni Maggie. Di mapigilan ni Betty na di tumawa at pagtawanan ang kasama. "So, ano na?" "Nakakainis!" " Kristoff ay napaka - workaholic talaga. Di mo talaga siya mapapahinto sa ginagawa niya." naiinis na sabi ni Maggie na nagtitimpi."Haist! Kulang nalang na-iengage siya sa kanyang trabaho at magpakasal. Ayaw na niya yatang tumigil sa katratrabaho."dagdag ni Maggie. " Mags, para naman yan sa future ninyong dalawa. Ang kompanya niya ay magiging kompanya mo na rin kapag ikinasal na kayo." paliwanag ni Betty. Bumangon sa kakahiga si Maggie at napatingin sa nakahigang kaibigan. " Sana nga." " Nagpropose na ba siya? May balak na ba kayo?" dagdag na tanong ni Betty. " He might just surprise me soon." Napangiti nalang si Betty. "Congratulations in advance!" ------------ " Congratulations!!" bati nila kina Paul at Yong na magiging kasapi na ng kompanya. " Salamat po." wika ni Paul na nagagalak sa pagtanggap sa kanya. Hinawakan ng manager ang balikat ni Paul at sinabing, " Welcome to the team!" Napangiti naman si Paul kay Manager Kim. Dahil may bago sa kompanya, magkakaroon sila ng welcome celebration sa dalawa. " Let's party!" --------- Pumasok na sa trabaho si Lala. Nakasuot pa ito ng jacket nang pumasok sa back door ng isang bar. " Lala, ang aga mo yata." sabi ni Gigi. " Tapos na ako sa isa kong trabaho kaya pumunta na ako rito." sagot ni Lala. Hinubad na ni Lala ag suot na jacket at pumunta sa may locker kung saan naroon ang mga damit na pwedeng gagamitin. Pumili siya roon kung ano ang susuotin. " Lala! Lala!" tawag ng isang bakla na si Mario na tawag sa kanya ay Marie. Napalingon si Lala, " Yes, Marie!" "Gurl, may dala akong bagong wig para sa iyo. Bagay na bagay ito sa iyo. Gusto mong subukan?" Napangiti si Lala at inabot ni Marie ang wig sa kanya. " Mukha ngang maganda. Short haired wig!" Isinuot agad ni Lala ang wig. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin.  "Bagay sa iyo Lala. Ang ganda mo kahit anong suot mo!" Samantala, dumating sina Mr. Kim at iba pa kasama si Paul sa bar. Siyam sila lahat kasama ang dalawang baguhan sa grupo. Napakaliwanag at maraming ilaw ang paikot ikot sa lugar. Ang mga waiter na mga babae ay napakaikli ng damit at napakasexy. May bartender rin sila na nasa may sulok. " Oh la la! Ang ganda rito!" sabi ng kasamahan ni Mr. Kim. Sa loob ay may nagdidisco at kumakanta. Sa mga table naman ay may umiinom at nagseserve ng mga inumin. Umupo ang grupo sa isang couch na mya pabilog na mesa. Nakaharap sila sa stage kung saan may magpeperform mamaya. Dumating na ang mga inumin nila at sinimulan na nilang uminom. " Welcome to the team Paul at Yong! Cheers!" ------- Naghahanda naman si Abby sa unit ni Paul ng isang sorpresa. Bumili siya ng cake at makakain. Binigyan rin si Abby ng duplicate ng susi ni Paul kaya nakakapasok ito. Hawak hawak niya ang regalong ibibigay niya kay Paul. Nakangiti itong pinagmamasdan ang box. "Congratulations!" wika ni Abby sa sarili. Kinuha niya ang cellphone nito at tinawagan si Paul. It's ringing pero walang sumasagot. Hindi marinig ni Paul ang kanyang cellphone na nagriring dahil sa ingay ng paligid. Nagkakatuwaan na ang lahat at unti -unti ng nalalasing. Umakyat na rin ang isang sexy na babae na nakasuot na short-haired wig sa stage. Napasigaw na ang lahat," Yoo!! Yeah!!" Sinimulan niyang kumanta sa stage at habang kumakanta ay sumasayaw ito paikot sa isang pole. " Ang galing!!" sigaw ng isa. Napatingin si Paul at ang mga kasama nito sa babaeng nasa stage. Pumapalakpak sila habang nagpeperform ito. Mas lalong napatitig si Paul sa mukha ng babae ng dumaan ang makukulay na ilaw sa kanya. Napatingin na rin ang babae sa lugar nila Paul. Panay sigaw ang mga kasamahan ni Paul kaya nakuha nito ang pansin ng dalaga. Sa backstage, nanonood sila Gigi at Marie sa babaeng nagpeperform, "Ang galing talaga ni Lala. She is really a performer!" --------- Napapatingin nalang si Abby sa orasan na nasa dingding nito habang hinihintay ang kasintahan. Abby received a message from Paul. Message: "Binigyan nila ako ng welcome party. Mahuhuli ako sa pag-uwi.." Medyo nalungkot si Abby ng mabasa niya ito pero wala siyang magagawa. Kailangan din ni Paul na makipaghalubilo sa mga bagong kasamahan sa trabaho. Abby leave a note sa mesa kung saan naroon ang box ng cake at ang box ng regalo niya na isang relo para kay Paul. Note: Congratulations! Love you! Napangiti si Abby nang iwan niya ito sa mesa pero bakas pa rin sa mukha ang lungkot na hindi man lang niya nakasama ang boyfriend. Isinuot niya ang relo na kapareha sa regalong relo nito kay Paul. "11:30" -------- Samantala, patuloy ang hiyawan sa bar habang sumasayaw at kumakanta ang babae na kinikilala nilang si Yana. "Cheers!" Nagkakasiyahan pa ang grupo ni Paul at nagsimula na rin magsayawan sa kanilang lugar. "Yeah! Yieee! Yoh!" Inaangat ang dalang mga bote sabay hiyaw at sigaw sa kasiyahan ng mga lalaki. Sumabay na rin si Paul sa kanila. Kumakanta at sumasayaw si Lala na mas kilala sa bar na si Yana. Nakasuot ito ng maikling buhok na wig para walang nakakakilala sa kanya. Ibang - iba siya sa Lala na nakasuot ng jacket at jeans. Nagulat si Yana ng makita si Paul roon. Napatigil siya sa pagkanta pero ang musika ay nagpatuloy pa rin. "Paul?.. Paul David?" sambit nito ni Yana habang nakatitig kay Paul na nasa upuan niya. Flashback.. Nagchecheer si Lala para kay Paul noong naglalaro siya ng football way back sa college. Kasama niya ang dalawa niyang mga kaibigan. Sumisigaw sila sa pangalan ni Paul. "Paul! Paul!! Go go go!!" "Kaya ninyo iyan!" "Go Paul!!" Inaabangan nila ang laro niya. Nasa bench silang tatlo at nagchecheer. Napapatalon rin sila kapag nakakapaggoal at puntos ang grupo nila Paul. "Yehey!" Nakasuot ng eyeglasses si Lala noon at naka-braided ang buhok. Ibang - iba sa ayos niya ngayon. End of flashback. Dali - daling umalis agad si Yana sa stage. Hindi na niya tinapos ang kanyang performance. Nagulat sina Gigi ng nagwalk out si Yana at pumunta sa dressing room. "Anong nangyari sa kanya?" But the show must go on kaya ang ibang dancers ay ang pumalit rito sa stage. ----- "Sigh!" Buntong hininga ni Yana ng umupo ito sa upuan na may kaharap na salamin. Napatingin rin siya sa salamin at nakita ang sarili niya noon. Sinundan nina Marie at Gigi ang kaibigan. "Gurl, anong nangyari? Bakit ka biglang nagwalk out?" Tanong ni Marie. Tinanggal agad ni Yana ang kanyang wig at inilapag sa mesa. "Wala! I just stop!" sagot ni Yana na napakaseryoso. "Weh?" "Napagod siguro.." dagdag ni Yana. "Hay naku!" Napatingin ulit si Yana sa salamin. Habang minamasdan niya ang sarili sa salamin ay may naalala siya noong kabataan niya. "Dalian ninyo Abby... Maggie.. magsisimula na ang laro nila!" "Wait lang!" "Abby dali! Di ba gusto mo siyang makita!" Tumatakbo silang tatlo patungo sa ground kung saan gaganapin ang football match. Nauna nakarating si Lala sa lugar. Pagkarating niya roon ay sumigaw at nag-cheer na agad ito. "Go Paul!!" Halos umabot sa tenga ang ngiti ni Lala ng masilayan si Paul, ang pinakasikat na football player. Pagkatapos ng laro ay dali dali silang pumunta sa locker room para salubungin at puntahan ang grupo ni Paul. Habang nag-aayos ang mga player sa kanilang mga gamit, nagtago silang tatlo sa likod ng kabinet. Hinihintay nilang makaharap si Paul. Pagkalipas ng ilang minuto ay umalis na ang ibang players at naiwan nalang si Paul roon. "Mauna na kayo.." wika ni Paul. "Okay!" Nakangiti silang tatlo habang pinagmamasdan si Paul. "Ano na Abby? Ibigay mo na ang regalo mo !" sabi ni Lala na pinipilit si Abby. "Huh?" Nahihiyang reaction ni Abby. "Nahihiya ako!" "Ano ka ba, huwag kang mahihiya!" Sabi ni Maggie. Hinablot bigla ni Lala ang regalo at nagpakita ito kay Paul. Nabigla sina Abby at Maggie sa ginawa ng kaibigan. "Lala?" "Paul!" tawag ni Lala. Napalingon si Paul. Humarap silang dalawa. Inabot ni Lala ang regalo kay Paul. "Para sa iyo! Congrats!!" Napayukong ibinigay ni Lala ang regalo sa binata. Natahimik lamang si Paul ng tingnan ang regalo na hawak ni Lala. "Sana tanggapin mo!" Kinabahan sina Maggie at Abby habang nanonood sa kanila. Bumalik ang dalawang kasamahan ni Paul at nagulat sa inabutan. "Wow!" they teased them. Napalingon si Lala sa kanila. "Tingnan mo nga naman, ang four eyed lady may gusto sa prince of football." "Hindi ah! Wala akong gusto sa kanya!" pasigaw na sabi ni Lala. Napangiti si Paul at kinuha ang regalong inabot ni Lala. "So kanino ito galing?" tanong ni Paul. "Huh?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Lala ng titigan ang mukha ng binata na nasa harapan niya. End of flashback. ------- Naglalakad si Abby sa lansangan sa kalagitnaan ng gabi. Pauwi na ito ng may narinig itong pagtatalo. "Ano iyon?" Sinundan niya ang ingay at nakitang may tatlong lalaking na naka-leather jacket na may pinapalibutang isang lalaking nakacorporate attire. Nagtago si Abby sa likod ng poste pero pinagmasdan muna niya ang mga ito. "Ibigay mo sa amin ang pera mo!!" Demand ng isang lalaki. "Pati cellphone!!" Taas noong sinagot ng lalaki ang tatlo. "Eh kung ayaw ko!" "Tsk tsk.. ah, ganoon!?" Suminyas ang isa at ang dalawa ay biglang hinawakan ang kamay at balikat ng lalaki. "Let me go! I will call a police!" "Matapang ka? Tikman mo ito!!" Sabay suntok sa tiyan ng lalaki. Nagulat si Abby ng masaksihan niyang sinuntok ang lalaki. Napayuko ang lalaki pagkatapos matamaan ang  tiyan nito. Hindi pa nakontento ay sinuntok pa ang mukha. Napatakip ng bibig si Abby. " Oh my!" Kinakabahan siya at di alam anong gagawin. "Anong gagawin ko." Napaluhod ang lalaki pero hawak pa rin siya ng dalawa. Pinagtatawanan nila ang lalaki. Isang suntok ulit ang natanggap niya at nahulog ang cellphone nito sa lupa. Napatingin sila lahat sa cellphone. Biglang tumunog ang cellphone at lumabas ang picture ng isang babae. Binasa ng isa kung sino ang tumatawag. "LOVE_MAGGIE.." "Tumatawag ang girlfriend mo!" "At dahil di mo gustong ibigay ito..heto ang dapat sa cellphone mo!" Biglang tinapakan ang cellphone na nasa lupa. Nabasag ito at nasira. Natuwa naman ang tatlo sa ginawa. Umuusok sa galit ang lalaki na si Kristoff. Kahit nagpupumiglas siya ay di niya magawang makawala sa hawak ng dalawa. Kinuha ng  isa ang bat na bakal at.. at balak itatama kay Kristoff, ng biglang May sumigaw at nag-ingay. "Pulis! Weeeeww! Weeew!!" Napalingon ang tatlo at ang may dalang bat ay napatigil. "Weeeeww! Pinatunog ni Abby ang mp3 nito na tunog ng siren ng pulis. "Pulis!" Pagkarinig nila ay biglang tumakbo ang tatlo sa kabilang daan. Iniwan nila si Kristoff roon. Napaupo nalang ang binata at ramdam ang sakit sa tama ng suntok sa mukha. Nang makaalis na ang tatlo, lumabas na si Abby at pinuntahan ang binatang nakaupo sa lupa. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng dalaga. Napatingin si Kristoff kay Abby. Natahimik itong nakatitig sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD