Chapter 2

3474 Words
Nag-aayos na si Abby ng sarili para sa kanyang interview. Nasa kwarto ito at nakaharap sa salamin. Hindi maalis sa isip nito ang nangyari kagabi. Napakunot noo nalang ang dalaga habang naaalala ang nangyari. "Kakaiba rin ang lalaking iyon. Kesa sungitan ako, eh dapat nga nagpasalamat siya na tinulungan ko siya. Haist! Ganoon ba ang mga mayayaman, hindi man lang marunong magpasalamat!" Naiinis na nagsasalitang mag-isa si Abby Flashback "Okay ka lang ba?" tanong ni Abby sa nasaktang binatang si Kristoff. "May sugat ka!" Hindi pinansin ni Kristoff si Abby at tumayo lang ito ng dahan-dahan. "Teka lang!" Binalewala lang niya ang dalaga na siyang tumulong sa kanya. "Tulungan na kita!" Sabay hawak sa braso ng binata pero inalayo nito ang braso na nagpagulat kay Abby. Tahimik si Kristoff at hindi pinansin ang dalaga. Naglakad lang ito ng dahan - dahan papalayo. "Teka lang, wala bang thank you?" nakasimangot na ani ni Abby sa binata. Napatigil si Kristoff sa paglalakad at napalingon. "I don't have a cash right now kaya pumunta ka nalang sa opisina ko!" Pagkatapos niyang sabihin ay nagpatuloy ito sa paglalakad patungo kung saan niya pinark ang sasakyan nito. Nainis naman si Abby sa sinabi ng binata. "Aba't, anong akala niya sa akin..mukhang pera!!?" End of flashback. "Ang mga mayayaman talaga, ang akala ay mababayaran lahat ng pera. Geez!" Napatingin si Abby sa kanyang relong suot. "Kailangan ko ng umalis, baka malate pa ako sa interview ko. Laban lang!" --------- Napapakagat-kuko si Lala habang naglalakad patungo sa unit nito. Nakasuot siya ng jacket at jeans at nakapony - tail ang buhok. May mga bagay na bumabagabag sa kanyang isipan na nangyari kagabi. Flashback Lasing na lasing ang grupo nila Mr.Kim. Pagiwang giwang silang naglalakad at kasama na roon si Paul. Kumakanta sila habang naglalakad sa daan. "Oh yeah! Yeah!!" "Wee.. oh!" Nagtatawanan sila na halatang lasing na sila. "Yoh, di-dito na kami papunta.. " sabi noong isa. "Sama na ako sa inyo.." "Patungo na rin dyan ang sa amin!" "So maghihiwalay - hiwalay na tayo!" "Okay!" "Salamat sa sa sa inyong.. inyong la- hat!" "Wel-come Paul!!" Naiwang mag-isa si Paul papauwi. Hindi na maayos ang paglalakad nito at pagiwang- giwang na. Kumakanta siya habang naglalakad. "Oh my love.. my love Abby!! ?" At biglang napahinto ito at sumuka sa gilid ng daan. Pauwi naman si Lala sa mga oras na iyon at nakita ang isang lalaking sumusuka sa gilid ng daan. Sa simula ay natakot si Lala dahil baka masamang tao ang lasing na iyon. Napahinto ito at hindi na tumuloy sa pagdaan. Nagpumilit si Paul na tumayo kahit hirap nitong makatayo ng matuwid. "Good news!" Sigaw ni Paul. "Baby ko!" Napalingon kaunti si Paul at nakita ni Lala na si Paul pala ang lalaking lasing. "Paul?" Tumakbo si Lala patungo kay Paul at nahawakan ang braso ng natumba ang binata. "Paul?"sambit ni Lala. Napangiti si Paul sa dalaga. "Ang ga-ganda mo!" Tinulungan ni Lala na tumayo ang binata. "Saan ka ba nakatira?" Sumagot naman ang binata, "Sa puso ng minamahal ko..." Napatingin naman si Lala sa mukha ni Paul na masayang masaya. "Baby, malapit na.. malapit na ang palasyo! Oh aking reyna.." wika nito sabay tawa at ngiti. Napakunot-noo at seryoso ang mukha ni Lala habang inaalalayan si Paul. End of flashback. "Lala!" tawag ni Jerick. Napatingin si Lala kay Jerick na nakatayo sa harapan nito. "Babu?" Napangiti si Jerick sa kanya at sinabing, "Ang ganda mo!" Kumabog bigla ang puso ni Lala at gulat ang expression ng mukha nito. Biglang may bumulong sa isipan ng dalaga sa mga oras na iyon. "We will stay v*irgin until maikasal tayo. Promise!" "Babu.." napaiyak si Lala at tumakbo patungo kay Jerick. Niyakap niya ang boyfriend nito. "Bakit? May problema ba?" "Wala... Wala naman.."sagot ni Lala. --------- Nagising si Paul na nakahiga sa isang kama na may puting kumot at unan. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata at napalibot ito sa buong paligid ng silid. "Nasaan ako?" Sumasakit ang ulo nito kaya napapahawak siya rito. "Teka, nasaan ba ako?" Hanggang tuluyan na itong nagising at napadilat ang mga mata. "Teka!" Nakita niya ang sarili na walang suot na damit kaya tiningnan niya ang loob ng kumot. Nagulat siyang malaman na wala rin siyang suot na pang-ibaba. "Sh*t!" Kinabahan si Paul at inaalala kung ano ang nangyari at kung paano siya napunta roon. Naguguluhan siya at hindi mapakali. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang mga messages. Naroon ang mga mensahe ni Abby. "Nakauwi ka na ba?" "Goodnight!" "Goodmorning!" "Kumain ka na ba?" Napakamot nang ulo si Paul habang nag-iisip. Naguguluhan siya sa mga nangyari. "Wait.. " But something flash on his mind na may babae, may babae siyang nakasama kagabi. "Hindi!" Pilit na binubura ni Paul ang imahe ng babae na medyo blurry sa isipan nito. "Oh sh*t! Anong kagaguhan ito!" --------- Kumakaway si Meimei ng makita si Abby na papunta sa opisina. Nang magkaharap ang dalawa ay pinalakas ni Meimei ang loob ni Abby para sa interview nito. "Laban lang Abby! Kaya mo iyan!"wika ni Meimei. "Laban lang! Kaya ko ito!" Pumunta na sa Human resource department si Abby. Naroon rin ang dalawa pang applicant. Ibinigay na niya ang dala nitong folder kung saan naroon ang kanyang mga papeles. "Maghintay nalang muna kayo rito," seryosong sabi ni Mrs. Park, ang head ng HR. Dinala na sa loob ang mga resume at application letter ng mga applicant. Sa loob, naroon si Kristoff at nakaupo sa kanyang upuan. He was so busy working on sa kanyang laptop. "Sir, heto na po ang mga resume ng tatlong applicant." Hindi pa tinitingnan ni Kristoff ay sinabi na niyang, "Ikaw na bahala sa pagpili Mrs. Park." "Pero sir..hindi niyo po ba iscreen at titingnan ang kanilang resume?" "Di ba ang sabi ko ikaw na ang bahala kung sino ang ihire mo!" "Okay po." Umalis si Mrs. Park at bumalik sa HR department kung saan naghihintay ang tatlong applicant kasama si Abby. Sinimulan na nila ang screening process at interview. ------ Nakauwi na si Paul sa kanyang unit. Pagkapasok niya ay nagulat siya sa kanyang nakitang box ng cake sa mesa sa sala. Napahinto siya muna sa may pinto bago pinuntahan ito. Malungkot ang expression ng mukha ng binata ng lapitan niya ang nasa mesa. Tiningnan niya ang box ng cake at nakita ang nakaukit roon. "Congratulations!" Katabi ng cake ay ang box na regalo ni Abby. Binuksan niya ito. Naroon sa loob ang isang relo. Pagkakita niya ay napasuntok siya sa mesa. Bakas sa mukha niya ang pagsisisi. --------- Natapos na rin ang screening at interview na ginawa ni Mrs. Park. Naghihintay nalang sila sa resulta at kung sino matatanggap. Kinakabahan si Abby sa resulta. Panay sulyap ang dalaga sa relo niya na nagbibigay lakas sa kaniya. Napatingin si Abby sa dalawang kasamahan niyang applicant. They were both look professional. Sa aura pa nila ay talagang kaakit akit. "Matatanggap kaya ako?" Pinuntahan ni Mrs. Park si Kristoff sa opisina. "Kumusta?" tanong ni Kristoff. "Magagaling po ang lahat ng aplikante. Lahat po sila ay may experience." "So ano ang resulta?" Dumating ang cousin ni Kristoff na si Harry. "Hi bro!" "Bakit ka narito?" seryosong tanong ni Kristoff kay Harry. "Wala lang. Boring kasi kapag walang ginagawa." paliwanag ni Harry at agad na umupo sa couch. "Haist. Edi magtrabaho ka!" sagot ni Kristoff. "Boring din. Gusto ko lang magchill!" cool na sinabi ni Harry habang nakaupo sa couch. "Ayokong katulad mo na supah workaholic!" "Geez!" Natawa si Mrs Park sa sinabi ni Harry at napansin ito ng binata. "Hello Mrs. Park, kumusta? Ano ang pinagkakaabalahan ninyo?" "Nagkaroon kami ng screening sa magiging bagong secretary ni Sir Kristoff." "Oh, really? Magkakaroon ka nang bagong secretary?" Na-excite na sabi ni Harry. "They were all good. Sa written exam, magaling rin sila." Paliwanag ni Mrs. Park. "Ang galing!" "So sino ang mataas ang score?" tanong ni Kristoff. Tumayo si Harry at lumapit kay Mrs. Park. "Patingin ng kanilang resume." Hinablot ni Harry ang mga resume. Inisa -isa niyang tiningnan ang mga litrato. "Dapat bro iyong maganda ang secretary mo... Wait, matingnan nga." "Karla, Sarah at Abegail" Natawa si Kristoff sa sinabi ni Harry. "Loko mo talaga Harry!" "Heto bro, si Karla! She's so pretty!" Ipinakita niya ang resume na may picture kay Kristoff. "Bagay sa kanya na maging secretary mo." "Yah, she's pretty," agreed by Kristoff. "Magaling rin po siya..." dagdag ni Mrs. Park. "Sumasang-ayon ka Mrs. Park?" "Uhmm, ang huling magdedesisyon po ay kayo po sir." Napaisip si Kristoff. Biglang nagsalita ulit si Harry, "sa kagandahan niya, baka magselos ang gf mo!" Napalingon si Kristoff at napatingin sila kay Harry. "Just saying." "May I see all the resumes," mahinahong sabi ni Kristoff. "Heto po sir," wika ni Mrs. Park ng inabot niya ang mga resume. "Pero bro, okay na iyon. Suggestion lang naman.." Hindi na pinansin ni Kristoff ang pinsan niya. Seryoso na itong tumingin sa resume ng mga applicant at ang kanilang nakuhang marka. "Karla.." Next "Sarah.." Next "Abegail.." Medyo natigilan si Kristoff ng makita ang picture ni Abegail o mas kilala bilang Abby. "She looks familiar.." sambit ni Kristoff. Na-curious tuloy ang dalawa. Flashback. "Okay ka lang ba?" tanong ni Abby sa nasaktang binatang si Kristoff. "May sugat ka!" Hindi pinansin ni Kristoff si Abby at tumayo lang ito ng dahan-dahan. "Teka lang!" Binalewala lang niya ang dalaga na siyang tumulong sa kanya. "Tulungan na kita!" Sabay hawak sa braso ng binata pero inalayo nito ang braso na nagpagulat kay Abby. Tahimik si Kristoff at hindi pinansin ang dalaga. Naglakad lang ito ng dahan - dahan papalayo. "Teka lang, wala bang thank you?" nakasimangot na ani ni Abby sa binata. Napatigil si Kristoff sa paglalakad at napalingon. Napatingin si Kristoff sa dalaga. End of flashback. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik na si Mrs. Park kung nasaan sina Abby. Kinakabahan na nakatingin si Abby kay Mrs. Park na patungo sa kanila. Ang dalawang applikante ay medyo confident ang aura at nakasmile pa. Pilit niyang ngumiti para may poise pa rin pero umiibabaw ang kaba. "Congratulations. Ang pumasa ay si..." --------- "Ako yata ang kinakabahan.." sabi ni Meimei na nasa labas at naghihintay rin sa resulta. Kasama niya ang kanyang kaibigang lalaki na ka-office mate na si King. "Magtiwala ka lang sa kaibigan mo..." payo ni King. "May tiwala naman ako sa kanya pero.." "In fairness, magaganda ang mga applikante at sexy pa. Lalo na iyong una." Nagkasalubong ang kilay na tumingin si Meimei kay King, "Maganda rin ang kaibigan ko. Syempre, medyo conservative manamit lang siya pero sexy rin iyon." "Hmm.." reaksyon ni King na napahawak sa kanyang baba. Bumukas ang pinto at lumabas na silang tatlong aplikante. Nag-aabang sila Meimei sa labas at gusto ng malaman kung ano na ang resulta. Pinuntahan ni Abby si Meimei at ang iba ay umalis na. "Kumusta Abby?" Naeexcite na tanong ni Meimei habang hinawakan ang kamay n kaibigan. Tahimik sa simula si Abby at napatingin lang sa kaibigan. Nag-alala bigla si Meimei at nalungkot. "Okay lang iyon Abby.." Hanggang nagsalita na ito. "Natanggap ako!" balita ni Abby. Nagulat si Meimei at si King. "Really?" "Natanggap ako!" Sa tuwa nila ay napatalon ang dalawa. Napangiti si King habang pinapanood ang mga dalaga.. "Congratz! Magkakasama na tayo rito!" "Ganoon na nga!" Nagyakapan ang dalawa. "I am happy for you Abby!" Lumabas na si Mrs Park at tinawag si Abby. "Ms. Abegail Maureen, pumasok ka muna rito para sa kunting briefing sa trabaho mo." Napatigil ang dalawa at masayang sumagot si Abby, "Yes po!" -------- Sa loob ng opisina ni Kristoff ay halatang di makapaniwala si Harry sa mga nangyayari. "Final na ba talaga sa napili mong secretary?" tanong ni Harry. "Ayaw mo ba iyong medyo daring at sophisticated. Iyong model ang dating? Sexy, hot at talagang mala-dyosa!" Sinagot siya ni Kristoff, "Base sa mga nakuha nilang marka, mataas siya kumpara sa dalawa." Napatingin ang binata kay Harry, "Isa pa Harry, hindi model ang hinahanap ko at may fashion show. I need a secretary. My secretary and not your secretary. Eh kung gusto mo, ihire mo iyong isa para maging secretary mo." Direktang sagot ni Kristoff sa pinsan. "Napakaseryoso mo naman. Chill lang bro." ----- Kinausap na ni Mrs. Park si Abby. Sa mga oras na iyon, sila lang dalawa sa silid. Binigyan ng job description si Abby, at mga bagay na gagawin niya at di dapat gawin. "Marami kang dapat tandaan. You are the secretary ng CEO ng kompanya. Siya ang tagapamana o mas kilalang may-ari rito." Seryosong nakikinig si Abby at nilista ang mga ito sa kanyang dalang notebook. "Kailangan mong sumama sa kanya sa lahat ng transactions at business matters ni sir. Except lang kung hindi niya nirequest. Kailangan mong magset ng mga appointments at ang kanyang daily routine sa work. Kailangan mo rin makilala ang mga investors at iba pang mga high profile people na bahagi ng kompanya at sa negosyo." "Okay.. noted!" "Pagdating sa private life, labas ka na roon. Huwag makikialam." "Tatandaan ko po iyan." "May day off ka naman pero minsan, maraming mga works kaya kailangan ang tulong mo, so dapat ready ka sa mga possibleng mangyari." "Okay po!" "Lastly,.." seryosong sabi ni Mrs. Park na nakatitig sa mata ni Abby. Kinabahan tuloy si Abby. "Ano po iyon?" "Never fall in love sa boss mo!" "Huh?"Nabigla ang dalaga. Natawa lang si Abby at sinabing, "Huwag po kayong mag-alala... Hindi po iyan mangyayari." "Dapat lang! Bukas, ang simula ng trabaho mo. Report here before 7." "O-opo!" Umalis na si Mrs. Park pagkatapos niyang payuhan si Abby. Medyo kinabahan si Abby sa pinagsasabi ni Mrs. Park lalong -lalo na ang huli. "Wheew.!" Huminga ng malalim si Abby. Sa kabila ng lahat ay matapang itong sinabihan ang sarili. "Kaya mo ito Abegail! Laban lang!" Nasa isang studio naman si Maggie at nagshoshot para sa bagong commercial ng make up. "Nice pose Maggie!" Maggie is a model sa kilalang cosmetic at kinukuha rin siya para magmodel sa mga damit. She's pretty with fair skin. She's elegant, fashionista at lakad pa lang ay talagang mapapatitig ka sa kanya. They called her lady Maggie. "Okay, we are done!" wika ng manager. "Congrats Maggie. Sauulitin!" "Thanks boss!" nakangiting sagot ni Maggie. Bumalik na si Maggie patungo sa kanyang dressing room. Nakasunod naman si Pinang, ang private assistant niya. "Congratz Lady Maggie. Ang galing niyo talaga!" masayang pagpuri ni Pinang. "Ako pa! Syempre naman!" Umupo na si Maggie sa kanyang upuan na nakaharap sa isang salamin at dahan-dahang tinatanggal ang earrings nito. "Ang ganda ninyo sa mga kuha kanina. Super model niyo po talaga!" "Im so flattered!" "Totoo po iyon. Sigurado mas lalong maiinlove si sir Kristoff sa inyo. Talagang bagay na bagay kayo, handsome and beautiful!" Napangiti naman si Maggie sa kanya. "By the way Lady Maggie, di ba po birthday ninyo bukas?" "Huh?" Napatingin siya kay Pinang. "Sigurado, may sorpresa si sir sa inyo katulad dati.. aabangan ko iyan!" dagdag ni Pinang na mukhang excited. "Ikaw yata ang naeexcite.." natutuwang sagot ni Maggie. Natawa lang si Pinang at kinikilig. "Baka magpropose na siya!?" teased by her. "Huh?" Namumulang reaction ni Maggie. Umiwas agad siya kay Pinang at tumayo ito. Medyo kumabog ang puso nito at kinilig ng marinig ang sinabi ni Pinang. Kinuha niya agad ang kanyang cellphone. Napatingin siya rito at nakita ang screensaver na silang dalawa ni Kristoff. Napatitig siya sa cellphone at hindi na nag-abalang tawagan ang kasintahan. "Para masurprise ako, hindi ko muna siya aabalahin sa kanyang mga plano. Baka sabihin niya desperada ako at assuming," kinakausap nito ang sarili. Napapangiti si Maggie habang iniisip ang mga bagay-bagay. -------- Nagkita sa isang park sina Abby at Paul. Napakaliwanag ng mga ilaw na nasa mga poste. Maliwanag rin ang buwan at kumikislap ang mga bituin. "Congrats.. balita ko natanggap ka na sa isang kompanya." wika ni Paul. Umupo sila na magkatabi sa isang bench. Medyo malamig na ang ihip ng hangin sa gabi. "Thanks. Congrats rin." medyo nahihiyang wika ni Abby na nakangiti. Napapatitig si Paul sa katabi niyang kasintahan na si Abby. "Nakita mo ba iyong iniwan ko na kahon?" tanong ni Abby. "Heto ba?" sagot ni Paul at ipinakita niya na suot niya ang relo. "Couple watch ba ito?" Napangiti si Abby at tumango. Ipinakita rin niya ang kanya na suot rin niya. "Nice. I like it!" sabi ni Paul. "Thank you!" "Walang anuman." Hinawakan ni Paul bigla ang kamay ni Abby na nasa hita nito. Medyo nabigla si Abby. "Babawi ako Abby! Pangako!" seryosong nakatitig si Paul sa mga mata ni Abby. "Huh?" "Bubuuin natin iyong dream house natin.." sabi ni Paul. "Iyong dream house na may malawak na hardin?" "Kahit gaano kalawak, ibibigay ko iyon sa iyo." Napangiti si Abby habang nakikinig kay Paul. "Thanks." Hinawakan ni Paul ang pisngi ni Abby at dahan - dahan siyang lumapit sa dalaga. Pumikit ang mga mata ni Abby at handa siya sa ibibigay na halik ng kasintahan. Hanggang dumampi ang kanilang mga labi. Sinalubong ng labi ni Abby ang labi ni Paul. Napapikit na rin si Paul para madama ang mainit na halik. Nagpalitan ng matatamis na mga halik ang magkasintahan. Tumagal ng ilang segundo bago may dumaan na isang matanda. "Hay naku! Ang mga kabataan nga naman!" sermon ng matanda. "Umuwi na nga kayo sa inyo!" Napatigil ang dalawa at nahihiyang reaction sa mukha. Namumula ang mukha ni Abby at napayuko na ito. Si Paul naman ay umiwas na rin. Nang nakalayo na ang matanda ay nagtawanan ang dalawa. "Pakialamerong matanda! Haist! Geez!" Nanggigigil na reaction ni Paul. "Nabitin tuloy kami!" "Hayaan mo na Paul." sumandal bigla ang ulo ni Abby sa may balikat ng kasintahan. "Huh?" Bakas sa mukha ni Abby ang kasiyahan. Sa wakas may trabaho na sila pareho at masisimulan na nilang mag-ipon para sa pinapangarap nilang tahanan at pagbuo sa kanilang mga pangarap. "Masaya ako kapag nariyan ka Abby.." "Ako rin!" "Advance happy birthday!"bati ni Paul. Nabigla si Abby. Muntik na niyang makalimutan na birthday niya pala bukas. "Birthday ko nga pala bukas.." "Babawi ako. Kakain tayo sa paborito mong kainan at ako ang taya!" pangako ni Paul. "Really?" "Syempre! At ano pa ba ang gusto mo?" "Hmmm... Mag-iisip muna ako." ani ni Abby saglit hanggang sumagot ito. "Basta makasama ka lang! Sapat na nariyan ka Paul!" ---------- Nagpreprepare sa coffeshop si Jerick kasama ang mga tauhan niya para sa gagawing surprise birthday celebration bukas para kay Lala. "Bukas, close muna tayo okay?" utos ni Jerick sa mga tauhan niya. "Yes boss!" sagot ng mga tauhan niya na mga waiter. "Then, bawal ninyong sabihin kay Lala ang tungkol sa birthday party. Maliwanag?!" "Yes boss!" Nagreact naman ng palihim si Wendy, "Sana all! So effort naman si sir sa kanyang gf!" Narinig siya ng isang tauhan at sinagot ito, "wee inggit ka lang!" "Hmp!" mataray na reaksyon ni Wendy na umiwas agad. Kinabukasan, pumasok na si Abby sa bago nitong trabaho na bilang secretary. Napakaaga niya para maganda ang first day nito. Nakasuot ito ng corporate na damit na nakaskirt at naka-high heels. Fit na fit sa kanya ang damit nito na mas lumabas ang magandang kurba nitong katawan. Hindi halata noon na sexy din pala siya. Kinakabahan siya sa unang araw nito. Hindi niya alam kung anong klaseng tao ang kaniyang boss at pagsisilbihan. "Kinakabahan ako!" wika ni Abby na kasama si Meimei. "Kaya mo iyan!" Dumating si King at napansin ang kagandahan ni Abby. Napasipol ang binata na di maalis ang titig. "Witwew! Oh lala! Pretty and sexy mo pala Miss!" reaction ni King ng makita si Abby. "Huh?" Narinig ito ni Meimei at tinapik ang balikat ng kasamahang si King, "Ano ka ba! Tumahimik ka nga!!" Mas lalong kinabahan si Abby. Huminga ng malalim si Abby at pinapalakas ang loob nito. "Anong klaseng tao ba ang boss?" "Hmm...sa itsura, super gwapo! Nagsalita si King, "Mas gwapo siguro ako kapag ako ang boss!" "Tumahimik ka nga!" Sermon ulit ni Meimei. Napadungaw sila sa bintana na nasa pangatlong palapag at nakita ang sasakyan ng boss nila. "Nandito na siya!" sabi ni King. "Hayan na siya!" sabi naman ni Meimei. Pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ang boss. Ilang minuto lang ay lumabas na ito. "Ang gwapo talaga niya!" Kinikilig na sabi ni Meimei. Nakasuot ng black suit ang boss nila. Sa tindig niya talaga ay kamangha-mangha na. "Di ko naman makita ang mukha niya!" Wika ni Abby. "Mamaya Abby, makikilala mo siya. Talagang mahuhulog panty mo!" "Huh? Ano?" Nagulat si Abby sa pinagsasabi ni Meimei. "Maganda rin ang girlfriend niya.. hulog brief ko!" Pagbibiro ni King. Natatawa si Abby sa kanila. Medyo nawawala na ang kanyang kaba sa mga pinagsasabi nilang dalawa. Hanggang dumating na si Mrs. Park at tinawag na siya. "Ms. Maureen! Please come to the office now.." "Yes maam!" Oh, this is it! "Wish me luck guys!" At pumunta na si Abby sa opisina. Makikilala na niya ang kanyang boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD