Binigyan ng damit ni Harry si Abby na kanyang susuotin sa party na kanilang pupuntahan. Nakasuot ng off shoulder slit side sexy black dress si Abby at black stiletto heels. Nakaayos rin ang buhok niya na may soft waves style sa buhok na napakaelegante tingnan. Light lang ang make – up nito pero mas lumabas ang kanyang simple and pure beauty ng dalaga na talagang mapapalingon talaga ang mga lalaki. “You are so gorgeous!” bulong ni Harry sa dalaga na kanina pa nakatitig sa kanya. Nahihiya namang sumagot si Abby. “Uhm.. thanks..” Tamang – tama ang pagdating nila sa hotel kung saan gaganapin ang party. Sila yata ang hinihintay sa loob. Marami na ang naroon sa function hall at lahat ay nakasuot ng suit at dresses. Lahat ay nakaformal ng suot gaya nilang dalawa. “Tara!” Aya ni Harry at inof

