Palakas na ng palakas ang ulan sa labas. Nagmumukhang galit na galit ang kalangitan kaya binuhos ang timba ng tubig mula sa langit. Nakita ni Abby ang cellphone ni Paul na nasa isang maliit na mesa. Hindi pa rin siya nahahalata ng binata na busy sa pag-aayos ng gamit. Pasulyap sulyap si Abby sa cellphone at sa binatang nakaupo. Habang tumatagal ay kinakabahan siya sa kanyang binabalak sa cellphone. Kahit na kinakabahan ay buo na ang loob niya sa gagawin. Ito na ang oras para makawala siya sa kamay ni Paul. Dahan dahan niyang pinuntahan ang mesa kung saan naroon ang cellphone. Pasulyap sulyap siya sa binata at baka mahalata siya. Bawat hakbang niya ay kaba ang kanyang nararamdaman. Habang napapalapit ay mas bumibilis ang kabog ng kanyang puso. Napapalunok din siya at unti - unti ng lumal

