May naalala si Kristoff tungkol sa magazine na hawak ng binatang si Jasper. Natigilan saglit si Kristoff bago niya hinablot ito sa kamay ng binata. "Pahiram muna!" Dali - dali niyang binuklat ang magazine at tiningnan ang bawat pahina. Inisa - isa niya ito at masusing pinagmasdan ang bawat sulok ng pahina. "Bakit niya ito ibinigay sa akin? May gusto ba siyang iparating?" Narinig naman siya ni Jasper na katabi lamang niya. Nagtataka ito sa pabigla biglang pagkilos ng boss niya. "Sir, may tinatanong po ba kayo sa akin?" pagtataka ni Jasper. Pinagmasdan ng binata ang boss niya na di mapakali at abala sa magazine. Napakaseryoso ni Kristoff at di na pinansin ang binata. Hindi na rin niya mapigilan ang sarili sa pag - aalala sa dalaga. Inilapag na niya ang magazine sa mesa para matingnan n

