Nararamdaman ni Abby ang init at higpit ng yakap ni Paul. Tumulo ang kanyang luha at nagpipigil sa sariling mas lalong masaktan. "Sorry.." Sambit ng dalaga sabay yuko at pikit ng mga mata at rumagasa ang mga luha sa pisngi nito. Iniwang nakahandusay sa lupa na walang malay at duguan si Kristoff. --------- Dinala si Abby ni Paul sa lumang condominium niya. Ito ang dating bahay ng pamilya niya bago siya lumipat sa tinitirhan niya ngayon. Walang ibang nakakaalam ang tungkol sa lokasyon nito. Mahigpit na hinahawakan ni Paul ang braso ni Abby na sapilitang hinihila. Labag man sa loob na sumama si Abby ay napilitan na ito para mailigtas si Kristoff. Wala na yata sa katinuan si Paul kaya natatakot si Abby na baka ano pa ang gawin nito sa binata. Alam naman niyang hindi siya sasaktan ni Paul

