Five Years Later.

1597 Words
01 Malia Mahigit limang taon na ang nakakalipas simula nung nagdesisyon akong ampunin si Sabrina and everything is falling into their right places at masaya ako na maayos na maayos kami ngayon malaking tulong din sa’kin ang suporta ng mga kaibigan kong sina Rina at Liam. “Alam mo hanga din naman ako dito kay Liam noh? He doted on Sabrina at tinupad niya ang pangako niya sa’yo na tutulungan ka niyang apagaan at palakihin si Sabrina, kulang na nga lang eh maging totoong couple kayo at complete na ang family niyo!” Hirit ni Rina habang inaayos namin ‘yung mga pagkain na niluto ko para sa tanghalian namin maya maya. Ipinasyal kasi ni Liam si Sabrina sa may park kaya sigurado akong gutom sila pag-uwi dahil sa kakalaro, napakataas pa naman ng enerhiya ng batang yo’n lalo kapag laro ang pinag-uusapan! “And I am really grateful for Liam, he gave Sabrina a father figure that she needs. He never left us behind kahit na wala naman siyang responsiblidad saamin at saka anong couples ka diyan! Alam naman natin na hanggang kaibigan lang kami ni Liam at hindi yo’n hihigit pa do’n noh, we are just besties parang tayo!.” Depensang tugon ko naman sa mga kantyaw ni Rina. When I legally adopted Sabrina, both Rina and Liam supported my decision and helped me raising her. Para akong naging single mom at ito namang dalawa eh naging doted Tita ninang at Tito ninong kay Sabrina kaya kahit paano ay masasabi kong lumalaki si Sabrina na puno ng pagmamahal at kalinga. “Sus, kunwari ka pa, eh alam ko namang noon pa lang eh crush mo na si Liam, hindi mo lang inaamin! Kahit nga si Trisha eh alam yo’n eh.” Pabirong sambit ni Rina kaya natawa nalang kaming parehas. “Ano ka ba! Hindi ako type no’n noh, at saka teh, friends lang talaga kami. Hinahangaan ko lang talaga si Liam kasi bukod sa mabait siya eh may paninindigan din, isa pa, bakit hindi ba puwedeng maging bff ang lalaki at babae? Puwede naman yo’n ah! Wala namang malisya samin.” “Depensa ko pa kay Rina kaya lalo siyang humagalpak sa kakatawa. “Eh bakit hanggang ngayon wala pa din jowa yang si Liam?! Hmm?!” Pakapamewang niya pang sambit sabay tingin sa malayo. Assumera din tong si Rina eh noh. “Baka may hinihintay lang naman ‘yung tao o baka hindi pa ready sa gano’n, assuming ka naman teh?! I guess, what we have is just a platonic relationship.” Buwelta ko pa sa mg assumptions niya at re-rebutt pa sana si Rina nung biglang dumating sina Sabrina at Liam. “Mamaaa.” Masayang salubong ni Sabrina sa’kin tapos ay niyakap niya ako. “Uhhmm, my baby girl is no longer a baby, you are a big girl na! Napakabigat mo na!” Nakangusong sambit ko sa kaniya dahil napaka bigat na niya at hindi ko na siya mabuhat, I pinch her noise and cheeks tapos ay niyakap ko siya. “Na’ko, ang kulit kulit nga niyan ni Sab eh. Takbo ng takbo.” Rinig kong asar ni Liam kay Sab kaya napasimangot si Sabrina. Tumingin ako kay Sabrina at umiling lang siya, napaka-cute talaga ng batang ‘to! “Good girl naman po ako, si Tito ninong nga po nag eenjoy sa siso eh.” Bwelta ni Sabrina kaya natawa kami at nabaling ‘yung tingin namin kay Liam na parang gustong pisil ‘yung pisngi ni Sabrina dahil binuko siya nito. “Ayon naman pala, ‘yung Tito Ninong naman pala nag-enjoy sa playground.” Parinig ni Rina sa tabi ko kaya sinamaan siya ng tingin ni Liam. “Tama na yan, halika na kayo at kumain na tayo.” Putol ko sa asaran nila. Mauupo sana ako sa tabi ni Rina nung magsalita si Sabrina na gusto niya akong katabi pati na din si Liam. “Mama, can you.. sit beside mee..” Pakiusap at turo niya sa bakanting upuan na nasa kanan niya hbang si Liam ay nakaupo sa kaliwa niya kaya nagkatinginan kami ni Liam dahil gusto nito na pagitnaan namin siya ni Liam. Jusko talagang batang to. Ngumiti lang si Liam at tumango. “Pagbigyan mo na.” Pasigaw niyang bulong habang sinandukan niya ng kanin si Sabrina sa plato nito. Habang kumakain kami ay nabalot lamang ng katahimikan ang buong paligid hanggang sa magsalita muli si Sabrina. “Tito Ninong, can I call you, papa?” Lahat kami nagulat sa sinabi niya, alam ko namang mahal din naman ni Liam si Sabrina pero ayokong paasahin ‘yung bata lalo na’t wala naman nagagalitan samin ni Liam, hindi naman lingid sa kaalaman namin na gustong maging papa ni Sabrina si Liam. Napatingin ako kay Liam na nagulat pero nakangiti pa din siya sa harap ni Sabrina. “Of course.” Nakangiting sambit ni Liam sa bata kaya naman dali daling niyakap ni Sabrina si Liam dahil sa sobrang saya. Hindi na ko kumibo hanggang sa matapos kaming kumain at inutusan ko si Sabrina na pumunta muna sa kuwarto niya kasama si Rina para makausap ko si Liam. “Sabrina, mag uusap lang kami sandali ni Tito ninong mo, puwede bang pumunta ka muna sa kuwarto mo kasama si Tita Rina?” Utos ko kay Sabrina at tumango ako kay Rina. Hindi ko maiwasang hindi ma-express ‘yung pagkadismaya ko nung maiwan kaming dalawa ni Liam. “Hindi ka dapat agad pumayag sa gusto ng bata, puwede natin i-explain sa kaniya kung bakit hindi puwese eh. Matalino si Sabrina, you know that at sigurado akong naiintindihan niya yo’n.” Sambit ko kay Liam pero huminga lang siya ng malalim at nginitian ako. “Malia, you are overreacting. She’s just a kid, Lia. Isa pa, gusto kong iparamdam sa kaniya na kahit wala siyang tatay… nandito lang ako para tumayong ama niya and she can be proud to say that she have me as her father, I just wanna make her feel love.” Depensa ni Liam sa sinabi ko. “But you are aware na gueto ka ni Sabrina na maging papa niya at umaasa siya sa ating dalawa, ayoko lang naman na masaktan siya at umaasa dahil alam kong magkaibigan lang tayo.” Mariin kong katwiran sakaniya kaya nakita ko sa mga mata niya ang ang realizations sa mga sinabi ko. Liam shook his head and took a deep sigh. “I’m sorry, Lia. Hayaan mo kakausapin ko si Sabrina at pipilitin kong ipa-intindi sa kaniya ‘yung sitwasyon natin, ‘yung sitwasyon niyo.” Para kong nabunutan ng tinik sa narinig ko kaya susunod na sana ako kina Rina at Sabrina sa kuwarto nung biglang magsalita si Liam. “Ah, actually, Lia, I have something to tell you.” Pigil ni Liam sa’kin kaya napalingon ako ulit sa kaniya. Napataas ako ng kilay at kita kong parang nag aalangan siyang sabihin kung anuman ‘yung gusto niyang sabihin. “Ano yo’n?” Mausisa kong tanong sa kaniya. “I.. I am actually..” “I am actually courted someone and we are officially a couple now.” Nag-aalangan niyang sambit pero kita ko ang saya sa mga mata niya nung sinabi niya yo’n. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. I know we are just friends at hanggang do’n lang talaga ang tingin niya sa’kin pero after all these years, masakit pala. This is not the first time that he had girlfriend pero nung huling beses, nakita ko na grabe siyang nasaktan sa nangyari sa kanila nung ex niya. I saw how he struggled just to move forward. I composed myself and smiled. “That’s great to here! Can we meet her?” Nakangiting sambit ko sa kaniya na punong puno ng excitement ‘yung tono ng boses ko. Kung saan masaya si Liam at do’n ako dahil nakita ko na kung gaano siya nahirapan noon dahil sa failed relationship niya at ngayon, pagkatapos ng mahabang panahon, finally! Naka-moved on na siya at nakahanap na siya ng bagong pagmamahal at sa wakas! Nakuha niya na ulit maging masaya at nakahanap na ulit siya ng taong mamahalin at magpapasaya sa kaniya. Nakita ko na napangiti siya at ngumiti siya sa naging reaksyon ko. “Thank you, of course, ipapakilala ko siya sa inyo. Anyway, you know her naman so I guess magkakasundo kayo at magugustuhan niya din si Sabrina.” Maligiw na wika ni Liam sa’kin. “Congrats, single no more. Deserve mo yan noh.” Biro ko sa kaniya at sabay kaming tumawa. “Basta pag ikaw nagka-boyfriend, ako pa din ang papa ni Sabrina!” Biro pa niya kaya inirapan ko lang siya. “Ikaw lang yata ang kikilalaning tatay no’n eh.” Pabiro kong sambit sa kaniya. Masaya ako na nakahanap na si Liam ng taong mamahalin niya at mamahalin din siya. Sana hindi na ulit dumating ang pagkakataon na makita ko siyang umiiyak o nasasaktan dahil sa pag ibig. Gusto ko lang na makita siyang masaya. Bumalik ako sa pagkakaupo ko mula sa dining table. “Lia, kailan mo balak sabihin kay Sabrina ang totoo?” Tanong ni Liam out of nowhere. “Kapag malaki na siya, kapag nakakaintindi na siya, Liam, sa ngayon hayaan muna natin siyang maging bata.” Nakangiting sambit ko kay Liam tapos ay tumango lang siya. Ayoko naman sabihin kay Sabrina ang tungkol sa pagkatao niya ngayon kasi alam kong makakaapekto sa kaniya yo’n at baka damdamin niya rin yo’n kaya mas mabuti munang ilihim ko sa kaniya ito sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD