02
Malia
Nandito kami ngayon ni Rina sa grocery store, sinamantala na namin hangga’t nasa school pa si Sabrina. “Akala ko pa naman bet ka nitong si Liam.” Rinig kong dismayadong komento ni Rina sa tabi ko habang naglilibot kami kasi nai-kuwento ko sa kaniya ‘yung sinabi ni Liam sa’kin nung nakaraang gabi.
“Loka, ikaw lang kaya tong assumera! At saka parang hindi mo naman alam ‘yung pinagdaanan ni Liam dati do’n sa ex niya di ba.” Pabirong sambit ko sa kaniya at paalala ko na din sa nangyari noon kay Liam at sa ex niya.
“Sa bagay.” Nakangusong sambit niya tapos ay bigla niya akong tinapik tapik kaya napalingon ako sa gawi kung saan siya nakatingin.
Para akong nanginig at napako sa kinatatayuan ko ngayon. Nakita ko si Liam kasama ang isang pamilyar na babae “Anatasha.” I whispered to myself.
“Teka, huwag mong sabihing si Anatasha ‘yung tinutukoy ni Liam na girlfriend niya?! That same Anatasha who were so mean to us during college days, eh.. lagi tayong binu-bully nung bruhang yo’n! Ang sama kaya ng ugali ng babaing yo’n at alam kong alam ni Liam yo’n! So what happened?!” Rinig kong dismayadong komento ni Rina habang nakatingin kami sa gawi nina Liam at Anatasha. Hindi ko alam pero parang napako ang tingin ko sa kanila at nanginginig ako.
Gusto kong maging masaya para kay Liam pero hindi ko alam pero may halong lungkot, kaba at inis ang nararamdam ko ngayon.
“Rina, baka naman nagbago na siya, Liam won’t like her if she’s still the same Anatasha we knew.” I defended Anatasha and Liam from Rina kahit na ako mismo alanganin din sa babaing yo’n pero who knows diba?
Aalis na sana kami ni Rina papunta sa cashier nung bigla kong marinig na tinawag kami ni Liam kaya parang hindi ko alam ang gagawin ko.
“Malia, Rina.” Rinig kong tawag ni Liam sa’kin habang kasunod niya si Anastasha.
“Liam.” Salubong ko sa kanila habang papalapit sila saamin.
“What a shame, dito ko pa talaga kayo nakita, we were supposed to meet in a proper place tomorrow.” Pabirong sambit ni Liam sa amin.
Sinabihan na kasi ako last time ni Liam na ipapakilala niya samin nina Rina at Sabrina ‘yung girlfriend niya sa susunod na araw.
“By the way, Lia, I guess you remember Anastasha, right?” Basag pa ni Liam sa sandaling katahimikang bumalot samin.
“Oo naman.” Halos pabulong kong tugon sa kaniya at rinig ang pabulong bulong ni Rina sa likod ko pero siniko ko siya kaya tumahimik siya.
“Hi! Malia and Rina, it’s nice to see you qgain.” Magiliw na sambit ni Anastasha pero pero parang pilit naman ‘yung ngiti niya samin at bakas sa mukha niyang napipilitan lang siya.
“Not nice to see you.” Rinig kong pabulong na komento ni Rina sa tabi ko kaya siniko ko siya ulit at tignan ko siya, nasa likod ko siya kaya sigurado akong hindi narinig ni Liam o Anatasha kung anuman ang sinabi niya pero siguro akong pansin nila na hondi komportable si Rina at parang iwas siya lalo na kay Anastasha. Nirapan ba naman niya!
“Of course, who would forget someone like you.”
“Of course we do remember you but I guess, we should chi-chat na lang some other time kasi I have something important to do pa eh.” I coldy said at kating kati na ‘yung paa kong umalis sa harap nila, gano’n din si Rina.
Akala ko kasi napatawad ko na si Anastasha sa lahat ng ginagawa niya samin noon pero hindi pa pala, ang saklap lang bakit sa dinadami siya pa ‘yung napili ni Liam. Bakit? I wonder if Liam already told her about Sabrina and our set up. I don’t think Anastasha will like this kind of set up that Liam and I had.
“Nakakaloka! Bakit naman sa dinami-dami ng babae sa mundo eh siya pa ‘yung napili ni Liam na maging girlfriend, I know Liam deserves to be happy pero that girl?! Ugh!” Rinig kong dismayadong komento ni Rina, at parehas lang kaming sobrang dismayado sa choice ni Liam pero sino ba kami para kontrahin yo’n hindi ba? Patuloy lang sa pag-rant itong si Rina sa tabi ko nung makalayo na kami kina Liam, pero hindi ako kumikibo dahil kong alam din ni Rina na parehas lang kami ng reaksyon at mas dismayado ako kesa sa kaniya.
Sana lang talaga she’s not the same Anastasha we knew back then.
“Paano mo sasabihin kay Sabrina ‘yung about kay Anastasha?” That question of Rina left me hanging. Paano ko nga ba ipapaliwanag sa bata ang lahat?
While I was left hanging with Rina’s question, I received a text message from Liam that he’ll going to pick Sabrina from school. After receiving his message I immediately dialed his number. No, now is not the time for Sabrina to meet Anastasha kailangan ko muna kausapin ang bata.
“Liam, you don’t have too.”
“I’m already on my own to pick up, Sabrina.” Dali dali kong sambit sa kaniya nung sinagot niya ang tawag ko.
“But we’re already here.” Rinig kong sambit niya mula sa kabilang linya kaya medyo nag-panic ako.
“We? Kasama mo si Anastasha?!” Taranta kong tanong.
“Yes, She said she wants to meet, Sabrina so maybe we can have a dinner together.” Parang kumulo ‘yung dugo ko sa sinabi ni Liam. I know he just wants nothing but the best for Sabrina but making a decision with regards to her without my knowledge is a no no because between the two of us, I am still Sabrina’s legal guardian and I should know everything.
“Liam! No! HINDI MO SUSUNDUIN SI SABRINA NGAYON PLEASE LANG!” Mariin kong sambit.
“Liam, listen carefully.”
“Please, don’t pick Sabrina at school right now, can we just meet and talk? I want to talk to you before you introduce Anastasha to my daughter? And I want to talk to you, ALONE.” Mariin kong pakiusap sa kaniya then I hanged up, hindi ko na hintay pa kung anuman ang sasabihin o magiging reaksyon niya, ang importante sa akin ngayon ay masabi ko sa kaniya ng personal ‘yung concern ko.
Nung pagkababa ko sa cellphone ko ay bumaling ako kay Rina. “Rina, please can you pick Sabrina from school?” Pakiusap kong sambit sa kaniya at tumango naman siya habang naman ako na umalis at iniwan ko muna ‘yung cart namin dito. At saka na lang siguro ako maggo-grocery.
Pinagamit ko muna ‘yung sasakyan ko kay Rina, ‘yung sasakyan niya kasi ay nasa condo ko, habang ako naman.. nag-taxi na lang ako papunta sa meet up place namin ni Liam. Buti na lang paglabas ko sa grocery store ay may humintong taxi sa harapan ko kaya dali dali akong sumakay at wala pang trenta minutos ay nakarating na ko sa park kung saan ko sinabi na magkita kami ni Liam.
“Salamat po, Manong.” Sambit ko do’n sa driver at dali dali na’kong bumaba ng taxi at hindi ko na hinintay pa ang sukli. Nung makarating ako sa mismong park, nakita ko si Liam na nakaupo malapit sa isang bench.
“Lia, what’s wrong with you? Bakit mo ko pinigilan na sunduin si Sabrina and you seemed so angry when you called me.” Dismayado niyang tanong sa akin.
“And.. akala mo ba hindi ko napansin? I can sense that something is off with both you and Rina earlier when I introduced Anastasha to you?” Takang tanong pa niya at parang may halong inis sa tono ng boses niya kaya nagpantig ang tenga ko sa tanong niya. Seryoso ba siya? Nakalimutan na niya? Nagka-amnesia ba siya?
I took a deep sigh. “Hindi mo alam? Are you serious? Have you lost your memory?” Sarkastiko at gigil kong tanong sa kaniya kaya mas nakita ko pa lalo ang pagtataka sa mga mata niya.
“THAT GIRL, your girlfriend is the same girl who bullied me, Rina and Trisha way back college, HER GROUP OF FRIENDS.. made our lives like a living hell! Come on, you know all that! You know more than that! She is not a nice person! So, how could you expect me to like her or to be civil with her? and now, you want to introduce her to Sabrina WITHOUT MY CONSENT, WITHOUT MY PERMISSION?” Hindi ko mapigilan ‘yung inis ko at sinabi ko sa kaniya lahat ng nararamdaman ko. I feel so triggered when I saw Anastasha earlier and I can’t hide that fact to Liam kasi alam kong alam niya kung gaano kahirap sa’kin ‘yung mga panahon na yo’n, kung ano ‘yung naramdaman ko. Isa sa siya sa mga nagtanggol sa’kin tapos ano na ngayon?
Kita ko na nagbago ‘yung ekspresyon sa mukha ni Liam at parang natauhan siya sa mga sinabi ko.
“If you want her, wala naman kaming magagawa, hindi ka puwedeng diktahan ng kahit na sino kung sino ang puwede at hindi mo puwedeng mahalin, ang sa’kin lang, if you really want her in Sabrina’s life, I’m being protective of Sabrina because of my experience with her and if Trisha is here, hindi niya rin magugustuhan na umaaligid aligid sa anak niya ‘yung taong nambully sa kaniya before.” Mariin ko pang giit kay Liam pero nakatingin lang siya sa’kin na para bang malalim ang iniisip niya.
Napayuko siya saglit at huminga siya ng malalim tapos ay nag-angat ulit siya ng tingin sa’kin. “I’m sorry, Malia, I know you are still Sabrina’s legal guardian and I’m sorry if I didn’t tell you earlier than this, akala ko kasi okay na sa’yo eh.” Sambit pa niya at paghingi niya ng pasensya.
“But Malia, we already talked about it and she told me she felt so sorry about what she did before, she’s even planning to formally apologize to you and to Rina, she changed a lot Malia. Please, give her a chance, give her the benefit of the doubt. Everyone eserves a second chance naman diba?.” Explain ni Liam na may halong pagmamakaawa. I don’t know what to say or how to react. Naiintindihan ko naman siya kasi mahal niya eh kaso sana maintindihan niya din kung anong pinangggalingan ko.
Of course, I want Liam to be happy din naman. After all, he’s my friend but I don’t know if I can forgive Anastasha. One sorry isn’t enough for all the trauma and pain she have caused us. The hurtful words, physical pain and everything are still fresh to me as if it only happened yesterday.
I took a deep sigh. “I’ll try, Liam but I can’t promise you that it will be easy.” Sambit ko pa sa kaniya at saka ko siya tinalikuran. Hindi ko alam pero parang biglang bumigat ‘yung mga talukap ng mata ko at para bang anumang oras tutulo na ang mga luha ko.
Luha ba to, dahil naalala ko ‘yung nakaraan o nasasaktan ako kasi pinili ni Liam na mahalin ‘yung babaing sumira sa aming magkakaibigan noon?