03
Malia’s POV (Flashback)
Hindi ako mapakali dito sa kinauupuan ko habang nagdi-discuss ‘yung professor namin dahil kanina ko pa naririnig na nagbubulungan at nagtatawanan sina Anastasha at ang mga kaibigan niya.
“Hey, freak.” Tawag nila sa’kin pero hindi ako lumilingon pero ayaw nila ako tigilan at pilit nilang sinisipa ‘yung upuan ko.
Naiinis na ko, nagugulo ‘yung sulat ko kakatulak nila sa upuan ko. “Ano ba?!” Sigaw ko na pumukaw sa atensyon ng lahat maging nag professor namin.
“Ms. Cabrerra, anong problema mo?” Mariing tanong at suway sa’kin ng professor namin.
“Ma’am, sina Anastasha po kasi kanina pa sila nagbubulungan at kanina pa nila sinisipa ‘yung upuan ko. Nagugulo ko po ‘yung sulat ko.” Pagkasabing pagkasabi ko no’n ay agad naman iyong tinanggi ni Anastasha.
“Ma’am, no, nanahimik lang po kami rito eh.” Kontra ni Anastasha sa sinasabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Class, please listen to my lectures dahil next week ay final exam niyo na. Ms. Cabrerra, go back to your seat.” Mariing utos ng professor ko at hindi man lang niya pinagsabihan sina Anastasha. Tsk! What do I expect eh favorite students niya yo’n?! Nung tumingin ulit ako kina Anastasha bago ako umupo ay nakangiti lang sila sa’kin na para bang nang aasar.
“Huwag mo nang pansinin yan sina Anastasha mga papansin lang talaga yan.” Rinig kong sambit ni Trisha at Rina sa tabi ko, they were my seatmates.
Natapos ang klase at huminto naman sina Anastasha sa pagsipa nila sa upuan ko at pagbubulungan nila pero nung matapos ang klase.. bigla nila akong kinompronta. “Hoy! Sumbong sumbong ka pa diyan kay Ma’am, bata ka ba? Epal ka talaga eh noh.” Sigaw ni Anastasha sa’kin pagkalabas na pagkalabas ni Ma’am.
“Ano bang problema mo sa’kin at lagi na lang ang init init ng dugo mo sa’kin?” Singhal ko sakaniya.
“Wala, nakakairita lang talaga yang mukha mong bida bida tapos weirdo ka din at ang clumsy clumsy mo, what a pity, you’re not even belong here kasi hindi ka naman namin ka level noh.” Mariing sambit niya pa sa’kin.
“At saka, I’m just giving you attention kasi alam ko naman na wala ka no’n kasi diba iniwan ka ng parents mo sa mga tita mo, means ayaw nila sa’yo, weird. Kawawa ka naman kasi eh.” Mapang-kutya niya pang sambit sa’kin. Parang nagpantig ‘yung tenga ko sa sinabi niya at akmang susugurin ko siya nung tinulak ako nung isa sa mga kaibigan niya. Dali dali naman akong ni-rescue nina Rina at Trisha.
“Hoy, Anastasha tama na nga yan, masyado ka na ah!” Sigaw ni Trisha sa kaniya tapos ay tignan siya ng masama ni Anastasha.
“Oh, look who’s talking.”
“Tignan mo nga naman oh, kung sino pa ‘yung mga same ang sitwasyon sila din ‘yung nagkakaintindihan.” Pang aasar ni Anastasha samin tapos ay nagtawanan sila.
“Eh diba, your mom already passed away, tapos ‘yung dad mo may kabit ng iba at iniwan ka na?” Pang aasar niya pang sambit kay Trisha. Sumusobra na siya sobrang below the belt na ng atake niya!
“Eh ano naman? Kayo rin naman ha? May mga magulang nga kayo at kompletong pamilya pero hindi naman kayo pinapansin at puro work lang ang inaatupag kaya eto kayo ngayon, seeking attention here by bullying your classmates, kawawa naman din pala kayo:” Singhal ni Trisha na kinagalit nina Anastasha at Rafa kaya hinila ni Rafa ang buhok ni Trisha kaya inawat sila ni Rina tapos ito namng si Anastasha eh sumugod sa’kin at pinagsasabunutan ako.
Bigla akong na out of balance nung hinila ni Anastasha ‘yung buhok ko kasi nakaupo lang ako sa may table desk ko.
“Ano ba! Bitawan mo’ko!” Sigaw ko kay Anastasha habang pinipilit ko siyang itulak palayo pero ang higpit ng pagkakasabunot niya sa buhok ko, parang matatanggal na mula sa anet ko ‘yung buhok ko!
“Hey!!”
“That’s… ENOUGH!” Rinig kong mariing sambit ng isang lalaki tapos ay tinulak niya popalayo si Anastasha mula sa akin at nung nag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Liam Alexander, he is our classmate and the SSG president. Nung pagkatulak niya kay Anastasha ay inalalayan niya akong makatayo.
“Anastasha, sumusobra ka na, gusto mo bang i-report kita mismo sa guidance? Araw araw ka na lang nambu-bully ng mga students na ma-tripan mo at wala naman ginagawang masama sa’yo. Halos lahat na lang dito kaaway mo, you are such a problematic person.” Liam yelled at her out of disappointment.
Kita ko naman ang pagkataranta sa mukha ni Anastasha, alam ko naman kasi na may gusto siya kay Liam. Oo, crush niya si Liam! Of course not, siya ang nauna..” Tanggi niya pa sa paratang ni Liam kaya agad siyang pinutol nito.
“Nauna? I literally saw you at yang kaibigan mo ang unang sumugod dito kay Trisha tapos ikaw, sinugod mo si Milia, tapos siya ‘yung nauna?!” Liam exclaimed as if he’s tired of hearing Anastasha’s lies and excuses.
“Come on, Anastasha, you are the mean girl here at alam ng lahat yo’n.” I heard Harold, Liam’s best friend sarcastically commented.
“This is my last warning to you, Anastasha and Rafa. Don’t you ever dare make a scene again. Kung hindi ako mismo ang magsu-sumbong sa inyo sa guidance at sa dean.” Mariing banta ni Liam sakanila.
“Fine! Sige magkampi-kampihan kayo!” Sigaw ni Anastasha saming lahat.
“At ikaw, mukha ka lang mahinhin pero malandi ka!” She shouted at me before they left, I was standing behind Liam and when he look back at me, he looks so frustrated.
“Okay lang kayo?” Alalang tanong niya samin.
“Buti na lang talaga classmate natin ang SSG president dito sa school, kala nung Anastasha na yo’n ah.” Rinig kong Sarkastikong wika ni Rina nung makaalis sina Anastasha.
“Thank you, Liam ah.” Pasasalamat ko sa kaniya kaya napangiti na lang siya sa amin.
Hindi nman lingid sa kaalaman ng lahat na may gusto si Anastasha dito kay Liam eh, kaya laging nagpapa-good shot yan kay Liam pero dahil sa ugali niya baka kaya hindi siya pinapansin ni Liam. Pero infairness ha, ngayon ko lang natitigan maigi itong si Liam. Well, he’s cute, tall and has a dark complexion tapos ang cute ng buhok niya may pagkakulot, hindi nga ba ang hindi magkakagusto sa kaniya eh total package na siya sa looks, ugali at sa life status. May ari kasi ng isang manufacturing company sina Liam eh.
**End of Flashback**
A bittersweet smile written all over my lips as I remembered the day Liam, Rina, Trisha and I became close friends.
After that day, he became like a big bother to all of us, protecting us and always defending our names to those who bullied us because of our life status and situations. Simula rin no’n, madami na din mga lumalapit saamin na gustong magpapansin kay Liam, dahil si Liam ay isa yan sa campus crush noon, halos lahat ng babae sa school crush siya at gusto siyang maging kaibigan tapos meron rin naman na mga bitter at inaaway kami nina Rina dahil close kami sakaniya at isa na do’n si Anastasha at ‘yung mga war freak niyang kaibigan. Kung mayroon man kaming apat na pagkakapare-prehas, yo’n ay lahat kaming apat ay mahiyain at introvert. Oo, kahit pa, SSG president noon si Liam, bihira lang siya makihalubilo sa iba not unless may event sa school na need namin mag-participate kaya nga kami laging magkakasama noon eh, kasi kami kami lang rin ang nagkakaintindihan.
Sa kakaalala ko ng nakaraan, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng building kung saan ang condo ko.
“Manong, dito na lang po. Thank you.” Saad ko do’n sa taxi driver at inabot ko ‘yung bayad ko bago ako tuluyang bumaba. Habang naglalakad ako papasok sa building namin ay biglang nag-vibrate ang phone kaya huminto ako sandali para basahin kung kanino mang message yo’n pero naglakad na’ko papasok sa elevator. “Lia, I’m sorry about what happened earlier, hindi ko naisip ‘yung nararamdaman mo and I became too insensitive. But, please I want you and Anastasha to be okay. I know it will take time, but can you try to get along with her naman diba? You are both important to me at ayokong mamili between my friends and my girlfriend, ayokong may mawala sa’kin.” I took a desp sigh after reading his apology message. As of now, i don’t know what to feel but to let thinga be. Hindi ko alam kung valid ba tong nararamdaman ko o nag-o-overreacting lang ako.
Tinago ko na ‘yung cellphone sa bag ko at sakto naman na bumukas ‘yung elevator kaya naman naglakad na ko sa hallway. Nasa labas pa lang ako ng condo ay rinig ko na ang halakhakan nila Rina at Sabrina mula sa loob, siguro ay masa living area lang sila, pagkapasok ko ay agad ko silang nakita na busy sa pagtingin ng mga photo album.
“Mama!!” Salubong sa’kin ni Sab nung makita niya ako then she ran towards me while still holding the photo album.
“Look, she’s beautiful, Mama. Who is she?” Sabrina said referring to Trisha’s photo. Napatingin ako kay Rina na napailing lang sa’kin.
I knelt in front of Sabrina para magkapantay na kami. “She’s Mama and Tita Rina’s friend.” Magiliw kong sambit sa kaniya at nakita kong nagningning ang mga mata niya at natuwa siya sa sinabi ko.
“Really? Can I meet her too, bakit hindi ko po siya nakikita?” Magiliw niyang tanong sa akin kaya sandali akong natahimik sa tanong niya.
I took a deep sigh at pinaupo ko muna siya sa may couch tapos ay naupo din ako sa tabi niya. “Kasi.. kasi anak, she’s already in heaven..” Nau-utal utal kong sambit sa kaniya at pagkasabing pagkasabi ko no’n ay kita ko na nag-iba ‘yung ekspresyon ng mukha ni Sabrina at para bang nalungkot siya kaya niyakap ko siya at tumingin ako kay Rina na nakaupo lang din sa tabi namin ni Sabrina. Her eyes is like saying na tama lang ang ginawa at sinabi ko kay Sabrina and I am sure about that too. Now is not the time for her to learn the truth about Trisha.