34 Liam Nakatingin lang ako kay Anastasha habang nasa entablado siya at nagbibigay ng pagbati at pasasalamat na talumpati sa mga dumalo ngayong araw. Halos nasa kalahati na kami ng program at ngayon araw na ang araw na pinakahihintay namin nina Malia. Maaaring ang kompanya ko nga ang ka-partner ni Anastasha para sa charity evemt na to pero isa sa mga pinaka malaking ambag at sponsorship para dito ay galing sa kompanya ni Matteo kung saan nagta-trabaho si Malia. Maaaring hindi kami masyadong magkasundo ni Matteo pero para kay Malia, we can be civil. Matteo is supposed to be here right now but instead of him, it is Malia who is going to give a speech and do the work. And, only my team knew na ang kompanya ni Matteo ang major sponsor ng event na to. Sinabi ko lang sa team ko na ilagay

