35 Malia Nandito ako ngayon sa entablado at aamin kong medyo nakakaramdam ako ng kaba dahil hindi naman ako sana’y sa pagsasalita sa harap ng madaming tao pero para sa anak ko ay handa akong gawin ang lahat mapanagot ko lang si Anastasha. I stopped for a moment, I took a deep sigh and composed myself. “She has been struck and killed by a hit-and-run driver.” Sambit ko sa harapan ng madaming tao na nandito at nakikinig sa akin. Pagkatapos ay tumingin ako sa direksyon kung saan nakatayo si Anastasha katabi si Liam. Rinig ko ang diskusyon at ingay sa paligid dahil sa sinabi ko habang kita ko na bakas sa mukha ni Anastasha ang kaba at pagkabahala. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Anastasha at nagsalita akong muli. “And it was all planned.” Sarkastikong dugtong ko pa habang pinigipig

