05
Malia
Mahigit tatlong araw na ‘yung nakakalipas simula nung pag-uusapan namin ni Liam at ito kami ngayon sa bagong bukas na restaurant ni Rina, she’s been working hard for this to happen kaya masaya ako na natupad niya ‘yung dreame niya.
Kanina pa excited si Sabrina na makita si Liam, tatlong araw na din kasing hindi nagpupunta si Liam sa condo kaya sabik sabik na si Sabrina na makita siya. Ito na nga ba ‘yung sinasabi ko eh: ayokong maging dependent si Sab kay Liam dahil dadating at dadating ‘yung araw na to, na magkaka-girl friend si Liam, magiging busy siya at eventually magkakapamilya din siya ng sarili niya kaya kung maaari ay ayokong hinahanap hanap ni Sabrina si Liam dahil respeto na din sa girl friend niya.
Tahimik kami habang naghihintay kina Liam at Anastasha habang ito si Rina at kanina pa ko iniirapan at kanina pa nakataas ang kilay niya sa’kin, hindi siya makagreklamo sa harapan ni Sabrina eh. Hindi kasi siya sang-ayon sa naging desisyon ko na bigyan ng benefit of the doubt itong si Anastasha, na-realized ko kasi na baka tama naman talaga si Liam at nag-overacting lang ako.
Maya maya pa, dumating na sina Liam at Anastasha at hindi ko napigilan si Sabrina na huwag tumakbo papalapit kay Liam. “Papa!!” Sabik niyang salubong kay Liam tapos ay tumakbo ito at sinalubong niya si Liam at nung magkalapit sila at binuhat siya ni Liam habang si Anastasha ay nasa likod at kasunod lang ni Liam. Hindi ko mabasa ‘yung mukha niya nung tumakbo si Sabrina papalapit kay Liam dahil halos wala lang siyang ekspresyon.
“Hello, Baby. Kamusta?” Sabik na tanong ni Liam kay Sabrina. Tapos ay lumapit na sila kinauupaan namin ni Rina.
“Lia, kanina pa ba kayo dito?” Salubong niyang tanong sa’kin at umiling naman ako.
“Hindi naman, kakadating lang namin.” Sambit ko sa kanila.
“Hi, Malia, Rina.” Bati ni Anastasha at nginitian niya kami ni Rina. Nung makaupo na sila sa harapan namin ay bumalik na si Sabrina sa tabi ko pero kita kong hindi maalis ang tingin niya kay Anastasha na para bang nagtataka siya.
“Hi, Sabrina.” Bati ni Anastasha sa kaniya.
“She said hi, what are you going to say?” Lambing kong baling kay Sabrina.
“Hi po.” Tipid niyang sagot pero nakasimangot siya tapos ay lumingon si Sabrina sa’kin at nag-angat ng tingin.
“Sino po siya, Mama?” Tanong niya sa’kin pero si Liam ang sumagot no’n.
“Ah, Sab, she’s Tita Anastasha, she is my girl friend.” Mahinahon at magiliw na pagpapakilala ni Liam kay Anastasha at napansin kong nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Sabrina.
Kilala ko ang anak ko, kapag may hindi siya nagugustuhan ay hindi siya nagsasalita at tumatahimik na lang siya. Hindi siya vocal sa nararamdaman niya not unless you ask her why. Hinayaan ko na lang muna si Sabrina, baka naman kasi bago matapos itong gabi na eh magkasundo din sila ni Anastasha.
“Malia, thank you nga pala sa pag-invite samin.” Pasasalamat ni Anastasha habang busy kami sa pamimili ng kakainin na nasa menu.
“Ah, wala yo’n.” Tipid kong sagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin o iaakto dahil parang sobrang awkward ng sitwasyon. Tahimik lang din kasi si Rina at Sabrina hindi katulad kanina nung wala pa sina Liam eh napakadaldal nila pero ngayon halos hindi na sila nagsasalita.
“Malia, Rina. I know why feel a little bit awkward around me and I would like to take this opportunity to apologize for everything, for what I did in the past, it wasn’t my intention to hurt you guys! I admit that I became too immature that time and now that we are already belong in one circle I want to reconcile and make it up to you. Sana.” Nag-aalangan at parang nahihiyang basag ni Anastasha sa katahimikang bumabalot samin habang si Liam ay nakatingin sa kaniya.
“Plastik, mapagpanggap!” I heard Rina murmuring beside me.
“Hindi ko din talaga alam kung anong sasabihin pero, siguro nga past is past and we can start again?” Nakangiting sambit ko sa kaniya na nagpangiti sa kaniya at kay Liam.
“Talaga?” Hindi makapaniwalang sambit ni Anastasha at bakas sa mukha niya ang excitement.
“Puwede ko ba kitang makayakap?” Tanong niya sa akin kaya tumango ako at tumayo para yakapin siya.
“Salamat, Malia.” Bulong niya sa’kin tapos ay agad na siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.
“Rina..” Baling ni Anastasha kay Rina.
“Hindi mo ko masisisi kung may duda pa din ako sa’yo, maybe kung makita ko na talagang nagbago ka na, we can be best of friends but not now, too early to forgive you. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan namin just because of your insecurities and immaturity.” Mariing sambit ni Rina at nag-walk out siya. Kita ko ang gulat kina Liam at Anastasha sa naging asta ni Rina pero hindi ko masisisi si Rina.
“Hayaan mo muna siya, mapapatawad ka din no’n.” Alo kay Anastasha nung makaalis si Rina.
“Naiintindihan ko, Malia.” Sambit niya at saka bumalik sa puwesto niya kaya bumalik na din ako sa puwesto ko.
“Baby, gusto mo ba ng cake?” Baling kong tanong kay Sabrina pagkabalik ko sa kinauupuan ko pero umling lang siya.
“Eh how’s about ice cream, do you want ice cream?” Magiliw na tanong ni Anastasha kay Sabrina pero ang sama ng tingin ni Sab sa kaniya.
“No, at ayoko din sa’yo!” Sigaw niya kay Anastasha na kina gulat namin ni Liam maging ni Anastasha.
“Sabrina!” Sigaw na suway sa kaniya ni Liam kaya nagsimula ng umiiyak si Sabrina.
“Ayoko sa kaniya!” Humahagogol niyang sambit at tumakbo siyq papalayo.
“Sabrina!” Tawag ko sa kaniya.
“I’m so sorry, Anastasha.” Paghingi ko ng dispensa at dali dali kong sinundan si Sabrina.
Nung sinundan ko si Sabrina sa pangalawang palapag ng restaurant kung saan ang VIP section at Rina, pagkapasok ko ay nando’n din si Rina at nagtatago sa likod niya si Sabrina.
“Anong nangyari at bakit umiiyak ‘yung bata?” Bungad niyang tanong sa akin.
“Sabrina, lumabas ka diyan mag usap tayo.” Mariin kong sambit kay Sabrina na nagtatago mula sa likod ni Rina.
“Sabrina, isa!” Mariin kong sambit kaya naman mag-aalangan siyang lumapit sa akin habang patuloy pa din siya sa pag-iyak.
“Bakit mo ginawa yo’n, gano’n ba ang turo ko sa’yo?” Mariin ngunit mahinahon kong tanong sa kaniya nung makalapit siya sa’kin.
“Ayoko sa kaniya, Mama! Inaagaw niya si Tiro Ninong satin.” Sambit ni Sabrina habang umiiyak.
“Sab, look, anak.”
“Tito Ninong is not your papa, and he can’t stay with us forever.. dadating ‘yung araw na hindi mo na siya laging makikita at makakasama..” Mahinahon kong paliwanag kay Sabrina pero patuloy pa din siya sa pag-iyak.
“Pero gusto ko siyang maging papa.” Sabrina started throwing some tantrums kaya naman hinawakan ko siya ng mahigpit sa balikat.
“Sabrina! Look at Mama and listen to me.”
“Your tito ninong has his own life and he can’t be around us 24/7 do you understand that?! Mariin kong sambit sa kaniya hanggang sa bukas ‘yung pinto ng office ni Rina at pumasok si Liam kaya nagtago si Sabrina sa likod ko. Maybe, natakot siya kay Liam dahil first time siya nasigawan nito kanina at seryoso pa ng irsura niya ngayon.
“Sabrina, can we talk?” Mariin ngunit mahinahon din sambit ni Liam at lumapit siya samin ni Sabrina. Dahan dahang lumapit si Sabrina sa kaniya at niyakap niya si Liam.
“You know what you did was wrong, hindi ba?” Sambit ni Liam habang nakayakap si Sab sa kaniya at niyakap niya ito pabalik pero humahagogol lang si Sabrina.
“Sabrina, hindi porket I have Tita Anastasha ay wawala na ko sainyo. Lagi pa din naman kitang bibisotahin eh at mahal na mahal pa din kita at hindi yo’n magbabago, okay?” Sambit ni Liam at kumalas siya sa yakap ni Sabrina at hinarap niya ito.
“Never do that again, okqy? Hindi ako galit but you have to say sorry to Tita Anastasha.” Sambit ni Liam.
“Huwag niyong sisisihin at pilitin ‘yung batang tanggapin si Anastasha, malamang kakakilala niya pa lang do’n at mukha pa lang no’n mukha naman talagang hindi mabait. Tignan mo pati bata nahahalata.” Sarkastikong komento ni Rina.
“Puwede ba, Rina, huwag mo ng gatungan. Isa pa, hindi ka nagiging maganda example sa bata.” Mariing suway ni Liam kay Rina.
“Ay, sorry ha. Pero hindi mo puwedeng ipilit samin na tanggapin yang babaing yan. Now, kung gusto mo talaga siya eh wala naman kaming magagawa. The moment you courted her you already invalidated us and now you’re forcing everything to be fine kahit yang bata pipilitin mong tanggapin si ANASTASHA?” Mariing giit ni Rina.
“Baka nakakalimutan mong matagal ka ng gusto ng babaing yo’n. Now she’s got the chance na makalapiit sa’yo at nagpaloko ka naman.” Mariing sambit niya.
“I cản believe you, Rina..” Giit ni Liam.
“Kung hindi mo tanggap si Anastasha,ayos lang naman pero huwag mo naman siyang pag salitaan ng ganiyan, she already apologized, ano pa bang gusto mo?! I can’t believe you, Rina akala ko mas maiintindihan mo ko more than Malia.” Mariing buwelta naman ni Liam at narinig ko ang malakas na tawa ni Rina.
“No, I can’t believe you, Liam! Ano bang nangyari sa’yo? Nagka-amnesia ka ba o ginayuma ka ng babaing? Gusto mong isa isahin ko sa’yong ipaalala lahat ng ginawa ng ANASTASHA NA YAN SAMIN NA MGA KAIBIGAN MO? Kung ayaw mo makinig, you can leave my office now!” Mariin giit ni Rina kay Liam kaya natahimik na lang si Liam at lumabas siya ng office ni Rina.
“Rina, bat mo maman ginawa yo’n? You could’ve talk nicely..”