31 Malia Sandali akong sumilip sa kuwarto na tinutulugan ni Malia at do’n ay nakita kong mahimbing pa siyang natutulog kaya lumapit ako sa kaniya at tinignan ko kung mababa na ba ang lagnat niya at kung hindi na ba namamaga ang paa niya na papilayan kagabi. Hindi pa man kasi kami tapos makapag-usap kagabi ay hindi na niya na sabi ang gusto niyang sabihin dahil bigla siyang nawalan ng malay, nung chineck ko ang temperature niya ay napakataas at inaapoy siya ng lagnat no’n.. I slightly tilt my head and smiled while looking at her. Bumaba naman na ang temperature niya ngayon hindi katulad kagabi na nag aapoy talaga siya sa lagnat. Kaya nung nasiguro ko na ayos na siya ay hinayaan ako muna siyang matulog ng mahimbing at makapagpahinga. Sinara ko ang pintuan at dumiretso ako sa kusina para

