32 Malia Ito na yo’n, ito na ‘yung tamang panahong hinihintay ko para masiwalat lahat ng mga kasalanan at ni Anastasha sa publiko at pagbayarin siya hindi lang sa pagkamatay at pagkawala ng anak ko kundi pati na din sa mga nakaranas ng anxiety depression and low self esteem dahil sa pambubully niya physically at mentally sa amin at sa mga batchmates namin noon. Nandito ako ngayon sa venue kung saan gaganapin ang fund raising event na inorganisa ng foundation and company ng pamilya ni Anastasha. Nakakatuwa noh? Kasi ‘yung fund raising event ng foundation nila ay para sa mga batang may mental health problems due to bullying, discrimination and many more. Ang hindi alam ng karamihan na mismong si Anastasha ay may ambag sa mga ganitong usap dahil isa sa siya sa mga bullies ng mga tao n

