Binuhay ni Franz ang mga puno at halaman. Pinagaling rin nina Delfin at Rain ang mga werewolves na sugatan. Ginamit ni Cory ang Time Regression power niya para ibalik sa dati ang mga nasira sa mga building, sa tulong na rin ng iba pang Whitelighters na pinadala ni Regina Margaret para bigyan siya ng dagdag na lakas para maiayos ang mga nasira. "M-mommy." Tawag ni Dylan sa kinilalang ina. "Dylan, anak ko." Niyakap ni Alicia ang napamahal na sa kanyang anak ni Jeffer. Napayakap ng mahigpit si Dylan. Minahal niya ng husto ang Mommy Alicia niya. "Salamat po, buhay kayo pati ang kapatid ko." "Salamat at nagkita ulit tayo, anak." "M-Mommy, may sasabihin po sana ako sa inyo." Kinakabahang nagkamot ng ulo si Dylan. "Ano 'yon?" "M-mahal ko po si Fin, eh." Nandilat ang mata ni Fin. Hinampas

