LMS 32

2015 Words

Kael's Pov Sabay kaming napalingon ni Hana-sensei nang magbukas ang pinto. Bahagya pang napatayo ang guro dahil sa gulat. Nang makita namin ito ay nagulat rin siya sa nakita. Napangiti si Indigo at bahagyang napayuko saka dahan-dahang naglakad papasok. Awkward man dahil para bang may ginagawa kaming milagro ni Hana-sensei base sa reaksyon namin ay nagpatuloy pa rin si Indigo papasok. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga notebooks na dala sa ibabaw ng table ni Hana-sensei. "Notebooks po namin, Miss," mahinang saad nito habang nakayuko. Dahan-dahan namang napabalik sa pagkakaupo si Hana-sensei. "Salamat, Mr. Indigo," sambit nito saka tiningnan isa isa ang mga ito. Napatingin naman si Indigo sa direksyon ko at para bang nagtataka ito sa kung ano ang ginagawa ko sa opisina ni Miss.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD