Prologue
Kasalukuyang akong nakatayo sa gilid ng poste habang nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang gilid. Ilang araw ko nang pinagpaplanuhan at pinaghahandaan ang araw na ito. Alam kong malaki ang agwat namin ni Hana-sensei, hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa estado sa buhay.
Maganda siya, karaniwan lamang ako. Sikat at kinagigiliwan siya ng lahat habang isang walang kwentang lalaki naman ang tulad ko. Ilang beses na rin ipinamukha sa akin nina Zane at Indigo ang katotohanang hindi ako nito sasagutin o mapagbibigyan lamang ng isang pagkakataon, ngunit desidido na ako. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae at kahit na guro ko pa ito ay wala na akong pakialam. Ang importante ay masabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto ng opisina ni Hana-sensei. Kahit kinakabahan ay nilakasan ko ang loob na humakbang ng paisa-isa hanggang sa tuluyan na kong makalapit sa pinto nito. Unti-unti kong itinaas ang kamay upang abutin ang seradura ng pinto.
Napabuntong hininga muna ako.
Tsk, nanginginig pa ang mga kamay ko, bwisit.
"Hanep ‘yan Umayos ka nga, Kael!" mahinang sigaw ko sa sarili.
Napasabunot muna ako sa buhok at bahagyang itong ginulo. Nakailang inhale-exhale rin ako bago muling itinaas ang kanang kamay upang buksan ang pinto, ngunit sa pagkakataong ito ay mas lalo akong kinabahan.
"An-ano ‘yon?" takang tanong ko matapos akong makarinig ng mahinang kaluskos mula sa loob ng kwarto. Nanlaki pa ang mga mata ko nang marinig ang mahinang boses ni Miss sa loob.
"Eekk..."
Dahil sa gulat ay napabitaw ako sa pagkakahawak sa pinto at inilapit ang tainga ko rito. Maigi kong pinakinggan ang ingay mula sa loob ng opisina ngunit sa kasamaang palad ay napabigat ang pagkakasandal ko dahilan upang tuluyan akong mapasok sa loob ng kwarto.
Blag!
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kisame matapos kong bumagsak sa sahig.
"Si- sino yan?" rinig kong tinig ni Miss.
Oh, s**t!! Patay!
Mabilis akong napatayo at akma na sanang lalabas nang mapansin ko itong nakatingin sa akin. Agad na nanlaki ang mga mata ko.
Shit! Nasa langit na ba ako? Bakit ganito ang nakikita ko??
Pakiramdam ko ay tumutulo na ang dugo mula sa ilong ko dahil sa tanawing nakatambad sa aking harapan.
"Ka- kael?" tanong ni Miss habang nagtataka.
"Ah-... Hana-sensei, a-ano kasi..." hindi magkamayaw na sagot ko rito..
Ngunit sa halip na galit na mukha nito ang makita ko ay para bang mas natatakot ito kaysa sa akin.
Pinagmasdan kong mabuti ang kabuuan nito. Tulad ng inaasahan ay napakaamo ng kanyang mukha na maikukumpara sa isang anghel. Unti-unting bumaba ang paningin ko sa katawan nito. Agad akong pinamulahan ng pisngi.
"Kael, ba-bakit ka nandito?" kinakabahang tanong ni Miss habang takang nakatingin sa akin.
Kasalukuyang walang saplot pang-itaas ang babaeng nasa harapan ko habang mahigpit na nakahawak sa maliit na tela. Ito ang tanging namamagitan sa aking nagnanasang paningin at sa hubad nitong katawan. Wala sa sariling napalunok ako.
Sinong mag-aakalang makikita ko si Hana-sensei sa ganitong sitwasyon?
Habang pinagmamasdan ay may napansin ako sa katawan nito.
"Mi-miss...’yu...’yong, ang katawan---" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi nang bigla itong tumalikod.
Dahil dito ay mas malinaw ko nang nakita ang kabuuan nito.
Pa-paanong?
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
Ang katawan nitong tinitingnan ko lamang kanina ay unti-unti ng naglalaho. Maging ang buhok nito na bahagyang nililipad ng hangin ay nawawala na rin na animo'y parang bula.
"Mi-miss...Hana-sensei!! ang katawan n’yo!!" sigaw ko rito ngunit huli na ang lahat nang bigla itong lumapit sa akin dahilan upang malaglag ang telang nakapulupot sa kanya.
Naging mabilis lamang ang pangyayari.
Nagulat na lamang ako nang maramdaman ko ang mahigpit nitong pagkakayakap sa akin. Nailang ako nang maramdaman ang hubad nitong katawan na kasalukuyang nakadikit sa akin.
Hindi ko na nakuha pang makapagsalita nang mapansin ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa katawan ni Hana-sensei. Nakakasilaw ang liwanag na iyon kaya wala sa sariling mas inilapit ko si sensei palapit sa akin. Wala na akong ibang nagawa pa pagkatapos nito, sa halip ay napapikit na lamang ako habang yakap-yakap ang babae aking sa mga bisig.
***
Kael's POV
"Hoy! Aba! Gumising ka na d’yan, Kael! Dami mo pang gagawin, oh!" malakas na sigaw mula sa labas ng pinto.
Psh! Kaaga-aga, boses agad ni Mama ang bumungad sa akin.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot na nakabalot sa akin saka tamad na bumangon sa kama. Napatulala pa ako sa kisame habang pinapakinggan ang sermon ni Mama.
"Kael!! Huwag mo 'kong papasukin at makikita mo talaga hinahanap mong bata ka!" mas malakas na sigaw nito.
"Hai! Hai! Lalabas na..." tamad na sagot ko rito.
Tuluyan ko nang inalis ang kumot sa kalahating katawan ko saka tumayo sa kama.
"Oy!! Huwag mo akong ma-hai hai d’yan, ah! Tumayo ka na d’yan!" sigaw pa ni Mama habang kinakalampag ang pinto.
Geez... Anong oras pa lang ba? Alas-sais pa lang naman ah! Si Mama talaga. ‘Pag ako, dapat maaga magising pero kay ate, okay lang na alas-otso.
Nakabusangot akong lumabas ng pinto at sumalubong sa akin ang mukha ni Mama. Lukot na lukot ang noo nito na akala mo ay may malaking galit sa mundo. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla nitong ibinato sa akin ang cellphone niya.
"Mabuti naman at gumising ka na. Eto, oh! Kanina ka pa niya hinihintay!" sigaw nito saka ibinato ang cellphone. Mabilis ko naman itong sinalo at tiningnan ang screen.
Papa's calling...
Napatingin ako kay Mama.
"Kanina ka pa niya pinapagising sa akin. Gusto ka yata niyang makausap," saad nito nang mapansin ang pagtatanong sa mukha ko saka naglakad pabalik sa kusina.
Matagal nang hiwalay sina Mama at Papa sa hindi ko alam na dahilan. Wala namang bagong asawa o kinakasama si Papa at wala rin akong alam na mayroong iba si Mama. Nagulat na lang ako nang bigla na lang silang maghiwalay at maski isa sa aming magkakapatid ay walang nakakaalam ng totoong pangyayari.
Walang gana kong pinindot ang button at sinagot ang tawag ni Papa.
"Kael, anak?" tinig mula sa kabilang linya.
"Oh, ‘Pa, napatawag ka?" kaswal na sagot ko rito saka naglakad papunta sa kusina.
"Kamusta ka, 'nak"
"Ayos lang po...kayo po?" balik tanong ko.
Kahit na hindi ako ganoon kalapit kay ama ay nirerespeto ko pa rin naman ito.
"I see... Mabuti naman ako, anak. Balak ko nga pala bumisita diyan sa bahay next week. ‘Wag kang mawawala, ah" saad nito.
"Okay po," tanging sagot ko na lamang dito.
Psh! As if naman na gagala ako? ‘Di naman ako mahilig sa gimik, eh.
Napatingin ako kay Ate Violet nang mapansing nakikinig ito sa usapan namin.
"Gising ka na pala, ate... Morning!" bati ko rito ngunit hindi ako nito pinansin bagkus ay naglakad ulit pabalik sa kwarto niya.
Isang call center agent si Ate Violet kaya palaging puyat. ‘Yon din ang palaging sinasabi sa akin ni Mama kaya hinahayaan niyang tanghali itong magising.
"Andyan si ate Violet mo?" tanong ni Papa sa kabilang linya.
"Kakaalis lang po," sagot ko saka inipit ang telepono sa pagitan ng tainga at balikat habang nagtitimpla ng gatas.
"Ah, gano’n ba? Sige, 'nak, may pasok ka pa ngayon, ‘di ba? Mamaya na lang ulit ako tatawag"
" Ah, okay po."
" Sige na, 'nak."
Hindi na ulit ako nagsalita hanggang sa mismong si ama na ang nagpatay ng tawag. Napabuga ako ng hininga matapos kong marinig ang pagpatay ng tawag.
Haist, ‘di ko alam kung bakit tumawag si Papa at bakit sobrang aga naman. Mabait man tingnan lalo na kanina ngunit sigurado akong may pinaplano na naman iyon.
Psh...
Maya-maya ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.
"Hey!" sagot ko rito
"Hayop ‘yan, hoy Kael! ano na? May recital tayo o wala?" bungad na galit na boses ni Indigo.
Pshh, wala talaga silang pinagkaiba ni Mama. Mga naka-loud speaker ang voice box.
"Oo na... Maliligo na ako," sagot ko rito saka tumayo at nagpunta sa banyo.
Taeng ‘yan. Maliligo ka pa lang? Kanina pa ako dito sa gate, tol! Ano ba!" mas galit na sigaw nito.
Eh, teka!!!
"Monday ba ngayon?"
"Oo, hayop ‘yan. Pahamak ka talaga kahit kailan, Kael! Late ka, oh! Pati ako idadamay mo, taragis yan. Sige na, ba-bye na!"
Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis na rin nitong ibinaba ang tawag. Tsk! Tae ‘yan... Bwisit talaga. Akala ko Martes, eh!
Mabilis akong napatakbo papasok sa loob ng banyo.
Lagot na naman ako doon mamaya. Psh! Iba pa naman magalit ‘yang si Indigo. Matagal ko ng kaibigan si Indigo pati na rin si Zane, pero kahit kaibigan ko ang mga ito ay palagi pa rin akong kawawa sa kanila. Pitong taon na ang nakakaraan matapos ko silang maging kaibigan.
FLASHBACK:
Nakatulala lamang ako sa bintana habang nanonood sa mga kapwa kamag-aral na masayang naglalaro sa field. Manghang-mangha ako habang nanonood ng training ng mga varsity nang biglang tumama sa mukha ko ang napakalaking bola. Mabilis akong napahawak rito dahil sa sakit. Maya-maya ay biglang dumating ang dalawang bata habang nakangising nakatingin sa akin.
"Oh, ikaw pala iyan, Kael. Pasensya na at hindi agad kita nakita. Ang liit mo kasi eh," mapang-asar na saad nito kasabay ng tawanan ng mga taong nakarinig.
Aaminin ko na maliit pa ako nung mga panahong iyon ngunit hindi ko pa rin maiwasang mainis sa kanila. Pinilit kong abutin ang mukha nila upang makaganti ng kahit isang suntok manlang ngunit dahil sa liit ko ay hanggang balikat lamang nila ako.
Palaging pambu-bully ang inabot ko sa dalawang ito lalo na kay Zane na napakalakas mang-asar. Kahit na noong tumuntong kami ng sekondarya ay naging kaklase ko pa rin ang dalawa at hindi rin natapos ang pambu-bully nila sa akin. Sa katunayan, ay mas dumami ang nam-bully sa akin dahil sa hindi naman ako pumapatol sa mga ito.
Ngunit isang araw ay nagkaroon kami ng summative test sa Math at nakakapagtaka man pero ako ang naging highest dito. Hindi naman ako matalino kaya nagtaka rin ako noong una ngunit mukhang natsambahan ko ang lahat ng tamang sagot. Habang ang dalawang ito naman ay ang lowest sa klase.
Napangiti ako matapos kong malaman na mas mababa ang score ng dalawa. Gumanti pa ako ng asar dito at tinaas-taasan sila ng kilay upang mang-asar ngunit sa huli ay nalaman kong kinausap pala ito ng principal at sinabing ako ang magtuturo sa mga ito.
Laglag-balikat akong umuwi nang araw na iyon dahil siguradong mas lalo akong mapaparusahan ng dalawa. Kinumbinse ko ang guro namin na palitan na lamang ang magtuturo sa kanila ngunit ‘di ako nito pinakinggan. Sa halip ay araw-araw ako nitong inobliga na turuan ang dalawa kaya naman araw-araw rin akong asar talo sa mga ito.
Hanggang sa isang araw ay may nagtangka na mam-bully sa akin ngunit sa laking gulat ko ay dumating sila at iniligtas ako.
"I- indigo...Zane... bakit n’yo ako iniligtas kanina?" takang tanong ko habang hingal na hingal na nakaupo sa sahig. Bigla na lang kasi nila akong hinila kanina para makaalis sa mga nambu-bully sa akin.
"Huwag kang assuming, boi! ‘Di kami knight in shining armor mo!" sigaw ni Zane.
"Oo nga! Kami lang dapat mambu-bully sa'yo, noh," pa-angas naman na saad ni Indigo
"Tsaka walang magtu-tutor sa amin kapag na-bully ka na naman, psh," dugtong naman ni Zane
Wala sa sariling napangiti ako. Simula noon ay naging kaibigan ko na ang dalawa. Hindi man kami palaging nagkakasundo lalo na't walang araw na ‘di ako naiisahan ng dalawa, ngunit alam kong kaibigan pa rin ang turing nila sa akin.
****
Napabuntonghininga ako matapos kong lumabas sa gate ng bahay. Tsk! ‘Di man lang ako nakaranas na makalabas ng bahay nang walang sermon ni mama.
Nakailang hakbang na ako palayo sa bahay nang marinig ko na naman ang sigaw nito.
"Hoy Kael!! Umuwi ka kaagad, ah! Dami mo pang gawain dito sa bahay!" malakas na sigaw nito.
Dyusmi naman 'tong si Mama. Rinig na rinig na ng mga kapitbahay ang sigaw niya, eh.
Napabuntonghininga na lamang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na ako sa harap ng campus.
Rayleigh University
Haist... Second semester na pala at bugbog na naman kami nito sa requirements, psh!