LMS 1

2513 Words
Honey's PoV Maaga akong nagising matapos mag-alarm ang cellphone ko. Hindi naman ako ganoon kapuyat tuwing gabi kaya mabilis lang talaga akong nagigising. Ilang minuto muna akong nananatiling nakaupo sa kama habang nakatulala. "Ny, papasok ka ba?" tanong ni Ate Kylie sa akin mula sa pinto. Ate Kylie is my best friend. Aside from Kael, she's one of the most important persons in my life. Napaka-sweet niya at talagang napakamaalaga niya lalo na sa akin.Wala akong masabi sa sobrang kabaitan niya. Tamad akong tumayo sa kama saka nagtungo palabas ng pinto at agad na bumungad sa akin ang mukha nito. "Ayon! Akala ko ‘di ka papasok eh, ikaw na sana iiwan ko rito sa bahay para maglaba. Dalian mo d’yan at kumilos ka na," saad nito saka nagtungo sa kusina. "Psh! As if naman na a-absent ako." "Malay ko ba kung gusto mong um-absent. Baka kasi mas gusto mo maglaba kaysa sa mag-aral. Ny, maglabandera ka na lang kaya?" suhestiyon nito habang nakangisi. "EHHH?! Ayoko nga!" sigaw ko rito saka siya inirapan. Tsk! Napaka-sweet niya, ‘di ba? Haist... Mas gusto niya pang maging labandera ako kaysa sa maging sikat na doctor. Yes, pangarap kong maging doctor, dahil 'yon rin ang pangarap ni Mama, kaso mahirap lamang sila noon kaya hindi na niya nagawang makapagtapos pa ng pag-aaral. Habang si Papa naman ay isang accountant at siya rin ang nagtratrabaho para sa pamilya. At dahil sa nag-aaral ako sa Rayleigh University ay kailangan ko munang humiwalay sa kanila at makitira dito sa bahay ni ate Kylie. Dumiretso na lamang ako papasok ng banyo saka naligo. Hindi na rin naman ako nagtagal pa at natapos na rin akong mag-ayos ng sarili. Habang nagbibihis ng uniporme ay biglang tumunog ang telepono ko. Psh! Sino na naman kaya ito? Agad akong lumapit sa kama at kinuha ang telepono. Agad na tumambad sa screen ang pangalan ni Zane. Ano naman kaya kailangan nito ngayon? Pinindot ko agad ang button upang sagutin ito. "Yow!" tamad na sagot ko rito. "Ey, Hone---" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang sumagot agad ako rito. "Ano ba ‘yon?" Psh... sasabihin na naman niya ang pangalan ko, kaya minsan ay napagkakamalan akong gf niya eh. Paano ba naman kasi, Honey ang pangalan ko kaya marami ring tumatawag sa akin ng ganoon. Napagkakamalan tuloy akong nobya ng mga lalaking tumatawag sa akin. Pati sina Zane at Indigo na malapit sa akin ay napagkakamalan na jowa ko. Kaya ayaw kong tawagin ako sa first name ko eh, maliban lamang sa isang tao. "Wala ka pa sa school?" tanong nito sa kabilang linya. "Wala pa, bakit?" "Sabay na tayo...hahaha pupunta ako sa inyo, ah" "Teka wa---" "See yah!" Psh... ‘di man lang ako pinatapos magsalita. Kung alam ko lang na ‘yon ang sasabihin niya, e ‘di sana ‘di ko na sinagot, kainis. Paniguradong pupunta iyon dito sa bahay at sasabay sa akin pagpasok. Akala ko nga no’ng una ay nagiging sweet siya sa akin kaya gusto niyang makisabay pero gusto niya lang pala makihiram ng motor ko. Tsk! "Ny! Nasa baba na si Zane... Dalian mo daw," malakas na sigaw ni ate Kylie. Tae ‘yan. Ang bilis talaga ni kupal. Kunsabagay, malapit lang kasi ang bahay niyan dito sa amin kaya mabilis lang takbuhin. Inayos ko na agad ang gamit ko saka lumabas. Naabutan ko pang nakaupo sa motor si Zane habang manghang-mangha na nakatingin rito. "Ambilis talaga ni kupal, oh!" parinig ko sa kanya habang naglalakad palapit rito. "Akin na ang susi," biglang utos nito. "Anong susi! Ako magda-drive, ikaw na ang na-gdrive noong friday ah!" angil ko rito. "Tumahimik ka na lang at dito ka sa likod ko umangkas. Psh! Kababaeng tao magmo-motor, ano kaya ‘yon?" "Ano naman? Bakit ‘pag ba babae bawal na, huh?" "Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo na nakapalda ka. Tell me, paano ka magmamaneho, ah?" "Eh, may shorts naman ako panloob, ah, teka nga ako may-ari ng motor tapos akala mo ikaw ang boss sa atin? Ikaw ang umangkas!" angil ko rito. Psh! "Bahala ka., ‘di ako aalis dito sa upuan hangga't ‘di mo binibigay ang susi," pananakot nito sa akin. Bwisit talaga kahit kailan. ‘Di ko alam sa kanya kung bakit gustong gusto niya ang motor ko. Pwede naman siyang bumili ng sarili pero ayaw niya gumastos. Isa pa, ang angas daw ng dating at wala siyang mahanap na katulad nito. In the end, ito ang palagi niyang hinihiram sa akin. Though, masaya naman minsan kasi naisasama ako sa gala nila dahil gamit niya ang motor ko. Ako na ang unang sumuko sa aming dalawa at inihagis sa kanya ang susi. Wala na rin akong oras pa sa pakikipagmatigasan lalo pa't ilang minuto na lang at magsasara na ang gate ng campus. Nakangiti naman nitong sinalo ang susi saka masayang sumakay kay Mikey, ang motor ko. Sa totoo lang ay noong una ay wala talaga akong hilig sa pagmomotor ngunit nang makapanood ako ng isang live motor racing ay para akong nahipnotismo at nagandahan rito. Para kasing napaka-cool at angas sa tuwing sasakay ka sa motor. Kaya naman pinag-ipunan kong makabili nang ganito at dahil may kamahalan ito ay tinulungan na rin ako ni ate Kylie sa paghuhulog kapalit ang serbisyo ko sa bahay niya. Mabilis akong sumakay sa likuran ni Zane. "Huwag kang ganyan umupo! Patagilid ka! Psh!" angil nito nang uupo na sana ako. Tsk! Sabi ko nga... Inayos ko na lamang ang pagkakaupo nang patagilid sa motor. Eto ang ayaw ko sa tuwing aangkas ako sa kanya. Nawawala ang coolness kapag patagilid umupo! Para akong pabebe, bwisit! Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa campus. Malayo pa lang ay natanaw ko na agad si Kael na naglalakad papasok sa gate. Nakalagay ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa habang prenteng naglalakad. Awww, ang cute!! Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko siya pero, oo, may gusto ako kay Kael. ‘Di siya ganoon kagwapo lalo pa't palagi siyang busted sa mga babaeng nililigawan niya. ‘Di rin siya sikat at mas lalong ‘di ganoon katalino. Sa katunayan ay palagi siyang tampulan ng panlalait. Pero kahit ganoon ay mataas pa rin ang tingin ko sa kanya. Dahil iyon sa nangyari noon dahilan kung bakit hanggang ngayon ay may gusto pa rin ako sa kanya. FLASHBACK: Tanghali na noon at karamihan sa mga estudyante ay nasa cafeteria para kumuha ng pagkain. Ang iba naman ay nasa field lalo na ang mga kalalakihan na gustong maglaro ng basketball. Napaupo ako sa bench habang pinapanood ang mga tao sa paligid. Kagagaling ko lang kanina sa office at sa unang pagkakataon ay napagalitan ako ng prof namin. Hindi ko raw kasi inayos ang mga papel ng classmates ko bago ipasa. Bukod pa roon ay may mga papel rin daw na nawawala sa mga ito. ‘Di naman ako makapagsabi ng totoong dahilan dahil palagi niyang sinasabi na nagpapalusot lamang ako. Hindi na lamang ako nagsalita at pinakinggan na lamang ang panenermon nito. Sa huli, ay ito na rin ang tumigil dahil sumasakit na raw ang lalamunan niya kakasermon. Inutusan ako nito na ayusin muli ang mga papel na inilagay niya sa faculty room. Agad ko itong sinunod at inayos ko ang mga ito ngunit dahil sa sobrang dami ay hindi ko maiwasang mapagod kaya nagpahinga muna ako rito sa bench ng kahit saglit. Maya maya ay tumayo na ako at babalik na sana sa faculty room nang makita ko si Dex na papunta rin sa kwartong iyon. "Eto ba ang kwartong ‘yon?" maangas na tanong nito sa kasamahan. "Oo, alam ko ay nandyan rin si Honey dahil inutusan siya ni panot na ayusin ulit ang mga papel" sagot naman ng isa. Agad akong napatago sa pader dahil sa narinig. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila ang papel nila. Nakita ko kasi na may kopyahan na nangyari sa exams nila kaya inilagay ko iyon sa ibang folder. Siya rin ang dahilan kung bakit ‘di ko naiayos ang mga papel dahil pilit niya iyong ginugulo. Ang iba naman ay napunit at naitapon niya pa. Akma na sana nilang bubuksan ang pinto nang biglang may sumagi sa kanila na isang lalaki. Nakasuot ito ng hoodie habang may earphone sa tenga. Maski ako ay nagulat sa pagdaan nito dahil nasagi niya lang naman si Dex. Agad naman na nag-init ang ulo ni Dex dahil dito at inambahan ng suntok ang lalaki. " Oh, may tao pala, pasensya na," mahinang saad ng lalaki kay Dex. Agad akong naangasan dito. Pakiramdam ko kasi ay napakacool niya at tulad ng mga naka-hoodie na lalaki sa mga libro at pelikula ay karaniwan silang badass. Cold man ang treatment nila sa tao sa paligid nila, ang totoo ay napaka-sweet talaga nila. Pinamulahan agad ako ng mukha habang ini-imagine ang lalaki na nakikipaglaban kay Dex. Ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. Nanlaki ang mga mata ko matapos kong masaksihan kung paano nila bugbugin ang lalaki. Ni wala itong magawa kundi mapaiyak at mapahiga sa sahig habang walang awa na pinagsisipa ang katawan. Eh? Akala ko pa naman ay napaka-cool niya. Pero hindi naman pala. Bahagya akong nadismaya rito ngunit nagpasalamat na rin ako dahil nakalimutan na nina Dex ang mga papel na nasa loob ng faculty room. Pagkatapos nilang mabugbog ang lalaki ay umalis na rin sila habang natatawa-tawa pa. Maya-maya pa ay tumayo na rin ang lalaki ngunit halata sa mga lakad nito na hirap na hirap na siya. Agad akong dumalo rito upang tulungan siya. Dinala ko ito sa loob ng faculty room at doon ginamot ang mga sugat niya. "Psh, sino ba naman kasing tanga ang babangga sa mga ‘yon, akala ko pa naman ay astig ka, ‘yon pala loser ka rin," parinig ko rito habang inaayos ang band aid sa ulo niya. "Bakit naman ako naging loser?" inosenteng tanong nito. "Tingnan mo nga ang sarili mo. ‘Yan ang loser! Pa-cool ka lang sa labas, wala ka rin palang binatbat," saad ko rito. "Bakit ko naman kailangang lumaban?" "Haist... Kalalaki mong tao, tapos ‘di ka marunong lumaban? Psh, ‘di mo ba alam ang salitang astig? ‘Yon ‘yong makikipaglaban ka tapos bagsak ang mga kalaban. Gano’n!" manghang kwento ko sa kanya habang inaalala ang scenes na palagi kong napapanood sa pelikula. "Simpleng tadyak at suntok lang iyon, ‘di naman worth it kung makikipaglaban pa ako hahaha," saad nito. Nabigla ako sa mga narinig ko. Is he for real? Anong simpleng tadyak at suntok ang sinasabi niya? Hindi pa ba sapat ang mga sugat niyang iyan para sabihin na sobra sobra siyang nasaktan dito? "Nga pala... I'm Kael, you?" tanong nito habang nakatingin sa mga sugat niya sa binti. "Ah...eh... Ha-honey," pautal utal na sagot ko rito dahil sa pagkabigla. "Honey, then... let's be friends," saad nito saka matamis na ngumiti sa akin. Hindi ko alam ngunit bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking dibdib. Hindi pa ako nakakita ng ganitong klaseng tao na nakukuha pang ngumiti kahit na nahihirapan sa mga sugat. "Ne, honey...?" tanong ulit nito dahil hindi ko nagawang sumagot kanina. Agad akong pinamulahan ng mukha. Marami ng lalaki ang tumawag sa akin gamit ang unang pangalan ko ngunit ngayon lamang ako kinilig ng marinig iyon mula sa bibig niya. Agad akong napatalikod sa hiya. "E-ehem...ku-kung...kung gusto mo talagang maging kaibigan kita, da-dapat maging astig at malakas ka. ‘Di...’di ako nakikipagkaibigan sa mga loser na gaya mo," saad ko rito habang bahagyang nauutal. "Nah... No need I know you'll protect me, right Honey?" nakangiting saad ulit nito. Mas lalo akong namula rito. Tsk! ‘Di naman siya sobrang gwapo pero aaminin kong cute siya! Like...argh! "Si-sinong nagsabing poprotektahan kita, aber?" "Friends protects each other, right? Then kapag naging friends na tayo...I will protect you and you will protect me." Since that day, Kael and I become friends. Mas nakilala ko rin siya ng husto at nalaman na kaibigan niya ang dalawang ugok na ito. Sina Zane at Indigo. ‘Yon nga lang ay palagi siyang kawawa sa dalawa. Kung hindi siya basta bastang iniiwan sa gitna ng kalsada ay palagi naman siyang napipilitan na manlibre sa amin. Minsan nga ay nanduduga pa ang dalawa para lang matalo nila si Kael at ito ang magbayad sa lahat ng nakain namin. Yes, he's a loser... But he's my friend And my first love. *** Mabilis akong bumaba ng motor at tumakbo palapit kay Kael. "Hoy, teka! gag---" angil ni Zane nang bigla akong tumalon mula sa motorsiklo "Kael!!!" malakas na sigaw ko rito dahilan upang mapalingon ito sa direksyon ko. "Oh... Kayo pala, kasama mo si Zane?" Tumango ako rito at sumabay sa paglalakad. Magdadalawang taon na simula noong naging magkaibigan kami at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang alam sa tunay kong nararamdaman. Pero ayos lang iyon, as long as nakakasama ko siya nang ganito. "Hoy, Honey! Alam mo bang delikado ang ginawa mo?!" angil ni Zane habang sumasabay sa amin papasok sa campus. Nasa loob rin kasi ang parking area kaya doon niya ilalagay ang motor. "Ingatan mo si Mikey, ah!" sigaw ko rito pabalik. Mikey kasi ang ipinangalan ko sa motor ko. Napairap lamang si Zane. "Oh, Zane! Una na kami ah. Tara na, honey," nakangiting saad nito saka ako inaya na magpatuloy sa paglalakad. Awwieee... Ang sarap sa tenga na marinig ang pangalan ko mula sa kanya. Call me one more time, Kael Kinikilig akong naglalakad habang kasabay ito papasok sa room namin. Sa kasamang palad ay hindi kami magkaklase kaya naman sa ibang kwarto ito pumunta. Habang papasok sa room ay rinig na rinig ko na ang nag-iinarte na boses ng mga classmate ko. "Oh, shit... Narinig mo ba, itra-transfer na daw dito sa room natin si Jazz, OMG! I'm so excited!" parang tanga na sigaw ng isang classmate ko. Psh! Akala lang nila. Wala na akong ibang narinig na pangalan kundi Jazz at Rogue. Oo, mga gwapo at sikat talaga ang dalawang iyon pero grabe! Ubod ng yabang. At isa pa, sila ang palaging nambu-bully kay Kael kaya naman ayaw ko sa kanila. Natapos ang klase namin at halos wala akong naintindihan sa mga itinuro nito. Ilang oras pa ang hinintay ko saka tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase. Agad akong napatakbo sa cafeteria kung saan kumakain ang tatlo. "Hoy!!!" sigaw ko rito. May iba pang napatingin sa akin dahil sa lakas ng boses ko ngunit wala akong pakialam at tumuloy sa pagtakbo palapit sa direksyon nina Kael. "Ey!! Hone---" Hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Zane. "Shut up! Huwag mong ituloy!" banta ko rito. Sabay na natawa sina Indigo at Kael. Alam nilang di ko sila basta basta pinapatawag sa pangalan ko. Siyempre, ‘di rin ako nagpapahalata na ayos lang sa akin na tawagin ako ni Kael sa pangalan ko. "Psh..." Umupo na lamang ako sa tabi ni Indigo habang kaharap naman si Kael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD