LMS 2

2234 Words
Kael's POV "Ey! Hone---" Hindi na pinatapos pa ni Honey sa pagsasalita si Zane. "Shut up! Huwag mong ituloy!" banta nito. Sabay kaming natawa ni Indigo dahil dito. Alam naman namin na ayaw talaga ni Honey na tawagin siya gamit ang unang pangalan. Baka daw kasi mapagkamalan na naman siyang maraming nobyo. Lalo pa't tatlo kaming lalaki rito hahaha. Sabay sabay kaming kumain at tulad ng inaasahan ay mukhang balak na naman akong utakan ng dalawa. Psh... Asa kayo! Napatingin ako kay Honey nang bigla na naman itong sumigaw kay Zane. "Psh... Basta ako magda-drive mamaya. Akin na susi!" maangas na saad nito. "Tsk.. Asa ka! ‘Di ko ibibigay sa'yo ang susi!" saad naman ni Zane habang hindi pinapansin ang dalaga at nagpatuloy lamang sa pagkain. "Aba...aba, matapang ka na ngayon boy, ah! Tandaan mo! Akin ang motor na ‘yon! Huwag kang magmayabang d’yan. Baka ‘di na kita isabay, 'kala mo," pagbabanta ni Honey rito. "Psh... As if matatakot ako sa'yo, blehhh!!" parang bata na asar na Zane dito. Mukhang mas lalong nainis ang dalaga dahil dito. Napayuko na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ni Honey kay Zane, eh sila naman itong palaging magkasama. Isa pa, mukhang may gusto rin naman sila sa isa't isa. Sabi nga nila, ‘di ba, the more you hate, the more you love. Pakiramdam ko ay applicable iyon sa kanila. Hinayaan na lamang naming mag-away ang dalawa. Alam na rin naman namin kung sino ang unang susuko. Iyon ay si Zane. Matalino si Honey kaya ‘di talaga siya papatalo pagdating sa ganitong bagay. Sa katunayan ay isa siya sa mga kandidato sa pagiging valedictorian ngayong taon. Pare-pareho lang kaming graduating this year at mukhang makakapagtapos si Honey na may magandang grado. Hindi naman na nakakapagtaka ang bagay na iyon lalo pa't matalino talagang tunay si Honey. Kung minsan nga ay sa kanya rin ako nagpapatulong gumawa ng mga assignments ko. Pati ang dalawang gunggong na dati ay sa akin nagpapaturo ay si Honey na rin ang nagtu-tutor. Besides, hindi naman daw kasi talaga ako matalino which is totoo naman. Haist...napaka-harsh nila grabe. Patapos pa lang ako sa huling subo ko ay bigla ko na lamang narinig ang pagtayo ni Indigo. "Sige papasok na ako..." paalam nito saka mabilis na tumakbo. Eh? "Ako rin... Mamaya ko na ibalik susi mo after class. See yah!" sigaw naman ni Zane saka mabilis na tumakbo palapit kay Indigo. Nagtataka akong napatingin sa dalawa habang naglalakad palabas ng cafeteria. "Naisahan ka na naman, ah," natatawang saad ni Honey. Ha? Te-teka... Napatingin ako sa mga plato nila. Ow s**t! Akala ko pa naman ay nautakan ko na sila. Psh! Kainis talaga, oh! Wala na naman akong choice kundi bayaran ang mga kinain namin. Ubos na naman ang pera ko! Napaismid na lamang ako habang laglag balikat na lumabas sa cafeteria. "Congrats boy! Bobo ka pa rin..." pang-aasar sa akin ni Honey. Haist...pati ba naman ikaw? Mas lalo akong napaismid. Bahagya nitong tinapik ang balikat ko saka nagpaalam. "Sige na...una na rin ako... See yah!" paalam nito. Itinaas ko lamang ang kanang kamay ko upang magpaalam saka nagpatuloy ulit sa paglalakad. Kalahating araw pa ang itatagal ko sa campus pero pakiramdam ko ay drain na drain na ako. Hindi lang ang bulsa ko pero pati na rin ang utak ko. Psh... Kakatapos lang ng lunch pero algebra agad? Hustisya! Tanghaling tapat ngayon, oh! Nakakaantok! Pagkatapos ng klase namin sa algebra ay wala nang sumunod na pumasok sa amin. Dapat sana ay biology class kami ngunit mukhang natrapik sa kung saan ang prof namin. Nagpagala-gala muna ako sa hallway dahil wala pa namang pwedeng lumabas ng gate. Pero hindi naman sinabing bawal lumabas ng room kaya malaya kaming nakakagala, wag lang papahuli... Habang naglalakad ay bigla kong nakasalubong si Jazz. Tsk! Sila na naman. Sa tuwing nakakasalubong ko sila ay palagi na lang akong minamalas. Nagkunwari akong hindi sila napansin ngunit mukhang mas malaki pa sa tarsier ang mga mata ni Rogue kaya agad ako nitong nakita. Kasalukuyang itong naglalakad kasabay ni Jazz. "Oii!! Ikaw pala ‘yan, Kael! Hahaha long time no see, ah. Nagtatago ka ba sa amin? Hmm?" Napayuko lamang ako. Hindi ko ba alam kung bakit sa dinami-dami ng mga loser na kagaya ko ay ako pa talaga ang naging favorite nilang bully-hin. "Hi-hindi...." nauutal na sagot ko. "HuH?" tanong ulit ni Rogue habang bahagyang inilalapit ang tainga sa akin. "H-hindi..." mas pormal na sagot ko rito. "Hindi ka nagtatago?" ulit na tanong nito. "Hi-hindi..." "Kung ganoon ay nasaan ka pala? Palagi ka na lang nawawala sa gilid gilid. Hinahanap ka namin palagi sa basurahan pero wala ka..." Napatingin ako sa kanila. "Ba-basurahan?" takang tanong ko. "Hmmm, oo. Hindi ba't sa basurahan ka naman talaga nararapat. Isa kang basura kaya tama lang na akalain naming doon ka rin nakatira," malakas na halakhak ni Rogue habang nakangisi naman si Jazz. Ah, dapat bang nasa basurahan ako? Ang harsh nila, a. Ang baho kaya sa basurahan. Napatahimik na lamang ako habang pinapakinggan ang tawanan nila. Hindi naman sa natatakot akong lumaban sa kanila pero matatapos rin naman ang pagtawa nila kaya hinahayaan ko na lamang ito. Pero siyempre, takot rin ako sa kanila kahit papaano lalo pa't kilala sila sa campus. Sa oras na patulan ko ang mga ito ay mas lalo lamang silang mang-iinit sa akin at baka pati ang mga kaibigan ko ay madamay. Isa pa, alam kong mas malakas ang mga ito kaysa sa akin kaya naman para saan pa ang paglaban kung alam ko naman no’ng simula pa lang ay talo na ako, ‘di ba? Maya-maya pa ay malakas akong tinapik sa balikat ni Jazz. I saw her. She's cute. Mind to give her to me?" bulong na saad nito sa tenga ko habang nakahawak sa balikat ko. Ni hindi ko magawang makalingon sa kanya dahil sa kaba. "Si-sino?" takang tanong ko. "Oh...yeah, what's her name again? hmm... I think...hmmm oh! it's Honey isn't?" Agad na nanlaki ang mga mata ko. "What do you mean by giving her to you?" takang tanong ko. Alam kong kaibigan ko si Honey pero hindi ko naman kayang ipamigay ito dahil una sa lahat ay may sarili itong buhay. Hindi siya bagay na pagmamay-ari ko na pwede ko na lang basta ipamigay! Napangisi ito. "Let's go, Rogue, someone's coming," saad nito saka bumitaw sa pagkakahawak sa balikat ko. Nakatulala akong naiwan sa hallway habang pinapakinggan ang mga yapak ng sapatos nila palayo. Maya-maya pa ay may biglang nagsalita sa likuran ko. "Oh! Hi! Can I ask you something?" Agad akong napaharap rito. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko matapos makita ang isang babaeng nakauniporme sa harapan ko. Agad akong napaatras sa nakita. Oh, s**t! Bakit ngayon pa! Base sa uniporme nito ay masasabi kong isa siyang guro dito sa campus. At dahil hindi pamilyar ang mukha niya ay mukhang bago pa lamang siya rito. Don't tell me nahuli akong nagpapagala-gala kahit class hour? Tsk! Pahamak talaga sina Jazz. Pero, nakakapagtaka lang kung bakit balot na balot ng katawan nito. Nakasuot ito ng sumbrero at eyeglasses dahilan upang maitago ang totoong mukha nito. Psh... Mukha naman siyang maganda lalo na ang hugis ng katawan nito kaya bakit niya itinatago ang mukha niya? O baka naman pangit talaga siya? "Ah...ano, may...may problema ba?" mahinang tanong nito. Ekkk!!! Gagi, ang cute!! s**t, boses niya ba ‘yon? Parang pambata! "Ah...eh...wa-wala naman po." "Ay... I see, pwede ko bang itanong kung saan ang registrar office? Need ko lang makita ang registrar, eh," saad nito. Registrar office? "Ah... Nasa kabilang building po iyon. Kumanan lang kayo dyan sa paliko na ‘yan then paakyat sa second floor. Do’n makikita mo ang registrar office," litanya ko rito. "Ah gano’n ba, sige Salamat," saad nito saka matamis na ngumiti sa akin. Oh, s**t! Bakit ang cute niya ngumiti. Sayang, ‘di ko man lang nakita ang buong mukha nito. Sana maganda rin siya... Natatawa-tawa akong bumalik sa room namin at saktong pwede na rin umuwi. Sabay kami ni Indigo na naglakad pauwi habang si Zane naman ay nagpaiwan dahil makikisabay daw siya kay Honey sa motorsiklo nito. Habang naglalakad ay hindi ko pa rin malimutan ang babae kanina. Hindi kaya bagong teacher iyon?Di naman imposible dahil di siya pamilyar sa mukha kahit na nakasuot ito ng uniform ng mga guro. "Para kang tanga, Kael. Tsk! Nangingiti mag-isa..." saad ni Indigo saka umirap. Psh... ‘Di ko na lang ito pinansin at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Unang nakauwi ng bahay si Indigo dahil mas dulo pa ang bahay namin habang ang kanila naman ay nasa bungad lamang. Pagkauwi ay agad na bumungad sa akin si Mama. "Oh! Mabuti naman at maaga kang umuwi ngayon. Aba'y kanina pa ako naghihintay sa'yo. Hala sige, bilisan mo at tulungan mo ako dito sa gawaing bahay!" sermon agad ni Mama pagkapasok na pagkapasok ko sa pinto. "Okay!" tamad na sagot ko rito saka naglakad papunta sa taas upang magbihis. Tsk! Nagsuot na lang ako ng paborito kong hoodie jacket at three lines na pants saka bumaba. Naabutan ko roon si Ate na mukhang mag-uumpisa na rin sa trabaho niya as call center agent. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at kaliwa't kanang utos ni mama ang sinunod ko. Pinapunta ako nito sa grocery para bumili ng mga gamit. Kinailangan ko ring hugasan ang mga nakatambak na plato sa lababo dahil marami raw bisita si ate kanina. Naglaba rin ako ng hinubad kong uniform. At panghuli ay nagplantsa rin ako ng mga susuutin para bukas. Pagkatapos ng lahat ng iyon ay hinayaan kong tangayin ang katawan ko pahiga sa kama. Napatulala ako sa kisame habang inaalala ang nangyari kanina. Napabusangot ako. Another boring day... Matutulog ako na wala man lang nangyaring maganda. Psh... Napatalukbong na lang ako ng kumot habang iniisip ang mga bagay bagay. Kinabukasan ay napaka-aga kong magising. Hindi ko nga rin alam kung bakit ngunit napansin ko na ‘di pa pala ako nakaayos ng higa kagabi at mukhang ‘di ko na napigilan ang antok dahil sa pagod. Napalingon ako sa labas ng bintana at madilim pa rin ang paligid. Sa tingin ko ay mag-aalas-sais na kaya nagpunta na lamang ako papasok sa banyo upang maligo. Hindi ko na ginising pa sina mama at ako na lang mag-isa ang nagluto para sa sarili ko. Pagsapit ng alas siyete ay nag-umpisa na rin akong mag-ayos upang umalis. Tulog pa rin sina mama kaya nag-iwan na lamang ako ng note na umalis na ako. Habang naglalakad ay bigla kong nakasalubong sina Zane at Indigo. "Woii!! Nandiyan na ang loser," pang-aasar sa akin ni Zane. "Aga natin, ah," komento ni Indigo. "Maaga rin kasi akong nagising," sagot ko. "Malamang! Tanga talaga 'to... Hindi ka naman maagang makakapasok kung tanghali kang nagising,” pambabara naman ni Zane. Napakamot na lang ako sa ulo. "Nasaan pala si Honey? ‘Di yata kayo sabay ngayon, Zane?" takang tanong ko rito. "Ah...tanga ‘yon eh, lumabas kagabi kaya a’yon, naaksidente ang motor at sira ‘yong bandang upuan. Sabi ko aayusin ko kaso wala daw siyang tiwala sa akin," nakangusong sumbong ni Zane. "Ang hina mo talaga, Zane. Bakit palagi kayong nilalayuan ng mga babae?" pang-aasar ni Indigo. "Hayop ‘yan, ‘wag ako! ‘Di naman babae ‘yang si Honey eh... Gagi, lakas manuntok, barako talaga ang hayop!" Natawa ako rito. ‘Di ko rin alam kung bakit parang lalaki kung minsan si Honey. Minsan naman ay babaeng-babae ang dating lalo na sa tuwing namumula ‘yong pisngi niya. Psh... Hirap intindihin ng mga babae. "Baka ayaw sa'yo, Zane," natatawang sabat ko naman. "Taeng ‘yan! ‘Wag ka nga magbiro d’yan, loser," saad naman nito pabalik. "Parehas lang naman kayo. Kaya nga wala kayong mga jowa eh, inaayawan rin kayo ng mga inirereto ko," saad naman ni Indigo na nagpatahimik sa aming dalawa. May punto siya rito. Ilang beses na akong niretuhan ni Indigo ng mga babae, may mga mas matatanda sa akin, may kaedaran ko lang, meron pa nga na mas bata pero lahat sila ay binasted ako. Tsk! ‘Di ko nga alam kung bakit, eh. Hindi na rin nagtagal ay pumasok na rin kami sa kanya-kanyang classroom. Magkaklase kami ni Indigo habang si Zane naman ay nasa kabilang room. Maya-maya ay biglang pumasok ang prof namin. "Oh, s**t!" "The hell?!" "Witwiw!" Kasalukuyan akong nakayuko sa mesa nang bigla akong makarinig ng kaliwa't kanang bulungan at kantyawan. Dahan-dahan akong napatingin sa harapan kung saan sila nakatingin. "Good morning, guys!" nakangiting bati sa amin ng babaeng nakatayo sa harapan. Nanlaki ang mga mata ko. Mula sa maamo nitong mukha, hanggang sa napakatingkad na kulay itim na buhok nito. Maging ang katawan niya ay walang kapares sa kagandahan. Sinong lalaki ang hindi magagandahan sa babaeng ito? Hindi ako maaaring magkamali. Siya iyon. Siya ang babaeng nagtanong sa akin kahapon. "I'm Hana Sy, your new professor. Nice to meet you all," nakangiting pakilala nito. Hindi ko magawang ilayo ang paningin sa mukha nito. Para bang bigla akong natulala at siya lamang ang aking nakikita. Oh, s**t! Ang korni mo, Kael! Hana Sy... Iyon pala ang pangalan niya. Napatulala ako rito habang nakangiti itong kinakausap ng mga classmate ko. Hana-sensei...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD