Sabay na napatingin ang dalawa sa paparating. Napahinto sa pagpadyak si Honey sa kick starter ng motor nang makita si Zane na palapit sa kanila. Katulad nila ay nakasuot rin ito ng helmet habang nakasakay sa sariling motor. 'Tsk!Ano na naman ang ginagawa niya dito?' inis na tanong Honey sa sarili. Nakangisi naman ang binata saka hinubad ang suot na helmet. "Yow! Saan kayo pupunta?" agad na tanong nito. Agad naman na napaismid si Kael. Ramdam naman ni Kael ang masamang tingin ng dalaga sa kaibigan kaya naman pasimple na lamang siyang napabuntong hininga. "Mag-iistroll kami," simpleng sagot niya. Agad namang lumiwanag ang mga mata ni Zane saka nakangiting lumingon sa kaibigan. "Talaga?? Sama ak-" "Hindi pwede!" mabilis na pagputol ni Honey sa sasabihin nito. Nagpapalit-palit

