Tumutunog ang orasan na nakasabit sa itaas ng pinto. Makailang oras rin itong tinitigan ng dalaga hanggang sa nagtama na ang kamay nito sa oras na alas tress ng madaling araw. Kaagad siyang bumangon at nagsuot ng leggings at rubber shoes. Kumuha rin siya ng lilibuhing pera at inipit niya ito sa leggings. Walang ingay siyang lumabas ng kuwarto at dahan dahan siyang bumaba ng hagdan. Kaagad siyang pumunta sa kuwarto ni Cara gamit ang duplicate ay nabuksan niya ang pinto at maikling awang lamang ang kaniyang binuksan tama lang na makapasok siya. Tanging kandila lamang ang nagbibigay na liwanag sa silid nito kaya naman ay kaagad niyang nakita ang babae na nakahigang nakatagilid. Lumapit siya sa center table nang nakalapag ro’n ang isang baril at susi kaya kukunin niya sana ang susi nang gumala

