“Saan ka pupunta?” Pag-uulit ni Ella at unti-unti pa itong lumalapit sa kaniya. Kahit subrang kabog ng dibdib ng dalaga ay hindi pa rin siya nagpakita nang takot kay Ella at hindi siya gumalaw sa kinatatayuan kahit na pinakita na mismo ni Ella ang hawak nitong patalim dahil kung magkataon ay mahalata ni Ella na may mayroon nang pagdududa namumuo sa isip ng dalaga. “Ibibili kayo ng cellphone mom,” Tinatagan niya ang boses na maging normal iyon at nang wala naman napansin ang dalaga na kakaiba kay Ella ay mas lalo pa niyang ginalingan. “Ba’t ganiyan ang ayos n’yo mom, baka sumulpot ang magkapatid at matakot pa sainyo, at bakit may hawak kang pala at kutsilyo?” Dagdag pa ng dalaga na sinadya niyang inisin ang boses dahil ganito siya sa tuwing hindi niya gusto ang nakikita at dapat makita it

