Cheryl Althea's POV Mapanuri ang mga mata ni Jewel habang palakad-lakad ito sa aming apat at hawa-hawak nito ang sandok. Nagmistula kaming estudyante na nahuli nang guro na nangongopya. Si Justine na nakatayo habang karga ang kapatid namin na si Rhea. Si Matthew na nakasandal sa haligi at nakapamulsa, ang kaniyang mukha ay blanko na para bagang may sariling mundo at si Jordan na naka-dekuwatro sa silya na animo'y siya ang may ari ng bahay habang masama ang tingin nito kay Jewel. Ako na kanina pa nagdadasal, lahat yata ng santo ay natawag ko na, hindi pa ako handa para malaman ni Jewel ang totoo. Ang dasal ko lamang na sana ay hindi mabinggit ni Jordan o Matthew ang tungkol sa pera. Ngunit bigla akong napaayos nang upo nang biglang nagsalita si Jewel na malumanay. "Anong ginagawa n'yo r

